Ang kalsada ay isang malaking warzone na matatawag..
Maraming klase nang laban ang dito ay nagaganap, katulad nang laban para mabuhay sa pang araw-araw o kung hindi naman ay mabuhay para makapang trip lang . Maihahalintulad natin ang mukha nang mga kalsada na ating nakikita sa isang barya, sapagkat meron itong dalawang mukha...
Ang mukha nito kapag araw na maingay, magulo, at sobrang dami nang tao na naglalakad, ay biglang nag iiba kapag sumapit na ang takip silim. Dahan dahang kumokonti ang mga taong nasa kalsada, dumadami ang mga eskenita na walang ilaw, at dumadami naman ang mga tambay na nag kalat sa kung saan saan na animoy mga nilaglag na tae ng mga asong kalsada.
Lumalabas din ang mga prostitute, kolboy, durugista, snatcher, holdaper, riding in tandem, carnapper , babaeng makati, lalaking matulis, at pati na mga pulis patola na kung maka huthot ng pera sa mga mahuhulidap nila, animoy parang mga lintang hindi aalis kung hindi mo bubusugin ang kanilang mga bulsa.
Pero may mga natatangi at naiibang laman ang kalsada na sa murang edad ay nagagawang itaya ang kanilang kalayaan para makipag sapalaran sa kalam ng sikmura at para sa kanilang bisyo....
Eto ang mga "Batang Hamog"
CHAPTER I
Habang ang mga tao ay nag hahanda na sa kanilang pag pasok sa opisina, eskwelahan, trabahao, o kung ano pang pinag gagawa nila sa kanilang mga buhay... Si Jerick naman ay nag hihilik pa sa isang gilid ng binondo, hindi niya alintana ang ingay ng mga nag bubukas na tindahan, mga jeep na kung maka harurot kala mo papuntang langit ang mga biyahe at mga tinderong pinag sisigawan ang kanilang mga paninda na akala mo may mga mega phone na naka implant sa kanilang mga lalamunan.
Ganito palagi ang sitwasyon ni Jerick o ric o kaya naman rek-rek kung tawagin nang kaniyang mga kaibigan. Lumaki siyang walang magulang na nag aaruga sa kanya kayat ang lansangan ang kaniyang naging kanlungan, pader at bubong sa pag laki niya. Dito na na-hubog sa kalsada ang kanyang pagkatao, nagkaroon ng isip at nagkaroon ng pananaw sa buhay.
9:00AM sobrang ingay na ng kalsada kaya dahan dahan nang bumangon sa pinag hihigaan niya si Jerick, nag punas ng kanyang bibig para tingnan kung may panis na laway bang tumulo sa kanyang bibig at nag kamot ng kanyang mata para tanggalin ang nang lilimahid na muta na namumutok sa laki nito. Lumingon si Jerick sa kanyang paligid para magkaroon ng ideya sa kung anong oras siya gumising... pero wala siyang makitang orasan kaya tumayo nalang ito at dali-daling nag hanap ng pader para maialabas ang naipong tubig sa kanyang pantog.
Nang matapos mag astang asong sabik na sabik mag marka nang kanyang teritoryo, lumibot si Jerick upang dumilihensiya nang kanyang almusal, lumibot siya sa santa cruz para mamalimos, mangalabit ng mga kumakaen, pero olats.. ang laki na kasi niyang bulas kaya wala nang naniniwala sa kanya na wala siyang makain.. pero hindi tumigil si Jerick sa pang lilimos at pang hihingi ng pagkain para malagyan ng laman ang nag aalburoto niyang tiyan.
YOU ARE READING
Batang Hamog
Teen FictionKalsada Justin Bieber Mga Nag papalakpakang tambay at mga pulis na dapat ibaon sa hukay basahin niyo para magkaroon kayo ng masayang buhay.