Chapter 3

1 0 0
                                    


Mataas na ang araw ng magising si Airi. Today is saturday at dayoff niya kaya naman ay hindi niya kailangang magmadaling gumising. Bumangon siya ng makaramdam ng pananakit ng ulo. Nasa kaliwang side ng kama niya ang bintana. It has light blue curtains pero hindi iyon nakatulong para harangin ang sikat ng araw.

"Aw aw.. gaano ba karami ininom ko kagabi at nagkaron ako ng hangover." dahan dahan siyang umupo at sumandal sa headboard ng kama niya nang marealize niyang wala siya sa sala.

"Paano ako napunta sa kwarto? ang huling pagkaka alala ko nasa sala ako nakatulog kagabi." Ilang segundo siyang nanatiling nakasandal bago siya nagdesisyong tumayo at lumabas ng kwarto.

"Ohayou Airi" Ritsu greeted her. Naka apron ito at nagluluto ng almusal sa kusina.

"Ohayou Ritsu." she greeted back.

"Coffee or tea?"

"Coffee please. I have a hangover. Naparami ata ako ng inom kagabi ni hindi ko na namalayan paano ako nakarating sa kwarto." ani Airi na umupo sa hapag kainan sa harap ng kusina kung saan nagluluto si Ritsu.

"Ako nagbuhat sayo sa kwarto. Sabi ko naman kasi sa iyo hintayin mo ko kaso tinulugan mo naman ako." nakangiting sagot sa kaniya ng kaibigan. Lumapit ito sa kaniya at inilapag ang kape sa mesa saka muling bumalik sa kusina.

"Thank you Ritsu. Sorry na di ko naman aakalain na tatamaan ako ng solidong antok eh." She answered then sip the coffee. "Oh god this taste good Ritsu."

"3in1 lang yan bruha."

"Sana sinakyan mo na lang ano? panira ka rin eh" inirapan niya ang kaibigan na tinawanan lang siya.

"By the way Ritsu, Nag sign up na ako sa Tiner kagabi and I already tried it."

"So? May nakita ka na ba?" naupo si Ritsu sa tapat ni Airi.

"Well, merong isa. If I remember, his name was Haru? ata?"

"Haru? as in spring? japanese ba sya?" curious na tanong ni Ritsu. 

"I guess? I guess not? gusto mo makita itsura niya?"

"sure" Tumayo si Airi at hinanap ang phone na nakita niya sa mesa sa sala. Agad niya itong binuksan nang mapansing may nagmessage sa kaniya sa app.

Hi! It's nice that we both match. Thanks for swiping right :))

"Oh shi- ang bilis!" di makapaniwalang sabi ni Airi.

"Bilis ang alin?" kunot noong tanong naman sa kaniya ng kaibigan na nakaupo pa rin sa hapag kainan at umiinom ng kape.

"He messaged me! The Haru guy!"

"Isn't that nice? teka patingin ng photos niya." nakangiting sabi ni Ritsu.

"Wait." Airi opened Haru's profile and hand the phone to her bestfriend.

"Oooooooh... "

"Gwapo di ba? Sa tingin mo pasok siya as model for Tiner?" Excited na tanong niya sa kaibigan.

"He's an underground band vocalist. hmm..  well, He sure is handsome pero mas gwapo ako. Ako na lang kaya kunin mong model sa tingin mo? kaya ko naman eh teka." Ritsu stand up and do a contrapposto or counterpose wherein the line of his arms and shoulders contrasts with, while balancing, those of his hips and legs.

Nanlaki ang mga mata ni Airi sa ginawa ng kaibigan.  It's true when Ritsu said that he's more handsome than the guy on Tiner. Ritsu has a toned body na inaalagaan nito sa pag eehersisyo tuwing umaga at pagpupunta nito ng gym once a week. He's 5'9 feet at halos hanggang balikat lang siya nito. He originally has a pale white complexion dahil namana nito iyon sa mga magulang niyang hapon pero simula ng nanirahan siya sa pinas ay naging kulay tan na mas lalong bumagay sa hitsura nito.

"Kung hindi ka lang talaga tagilid eh." she blurted that without thinking at tila nagulat naman siya ng marealize niya ang sinabi niya. "ay oops sorry bes"

Nagkamot na lang ng ulo si Ritsu at muling bumalik sa kinauupuan. "Okay lang sanay na ko sa'yo" nakangiting sabi ni Ritsu. "Oh siya, goodluck sa pagkumbinsi mo sa kaniyang maging model sana pumayag yang prospect mo." aning inabot kay Airi ang cellphone.

"I'll keep you updated!" Masiglang sagot ni Airi.

"Please do!"

--

Mataas at masakit sa balat ang sikat ng araw. Nagmamadaling lumabas ng bar ang grupo ni Haru na bitbit ang mga instrumento nilang gamit sa pagtugtog.

"You almost got late last night Haru. Saan ka na naman ba nanggaling?" Jerome, the band leader started scolding him. 5 minutes bago magstart amg performance nila nakarating si Haru kagabi dahil sa traffic at nagkamali pa siya ng sinakyang elevator palabas ng condominium.

"Malamang yan galing siya sa isa sa mga naka meet niya sa Tiner." sawsaw naman ng lead guitarist nilang si Erick.

"I'm sorry okay? di ko naman ineexpect na tatagal kami at aabutin ako ng traffic at-"

"maling elevator ang masasakyan mo." pagtutuloy ng drummer nilang si Jonathan na nakangisi sa kaniya.  "Gasgas na yang excuse mo Haru."

"Whatever" hinayaan na lang niya ang mga kagrupo na asarin siya.

Five them are childhood friends. Nagsimula nilang buuin ang banda 'nong nagstart sila sa highschool at nagdesisyong magperform sa mga bar at underground bars nang tumungtong sila ng kolehiyo.

Nanggaling sila sa isa sa mga underground bars sa Tomas Morato at ngayo'y pauwi na sa kani kanilang mga bahay.

"Mauna na ako sainyo. I badly need rest." ani Haru

"Mukha ngang kailangang kailangan mo na magrest."  si jerome.

"Rest in peace bro" natatawang si Erick.

"Mga siraulo" aniya saka nagtawag ng taxi.

Nasa biyahe na si Haru ng magvibrate ang phone niya. Dinukot niya ang phone sa bulsa at tinignan kung sino ang nagmessage sakaniya.

It was the girl who swiped right him on tiner.

"What a great way to start my day." he said to himself. He opened the app and read the woman's reply to his message.

"Hi Good Morning Mr. Haru. Thanks for your message earlier. Thanks for swiping right to me as well." Haru smiled after reading the message and replied immediately.

"No problem. How are you? Can I ask why did you decide to choose me?" ibinalik niyang muli sa bulsa ang phone matapos maisend ang reply. Wala pang isang minuto ay muling nagvibrate ang phone ni Haru.

"That was fast." Hinugot niya ulit ang phone.

"Oh that. There's really a reason why I chose you. When are you free? do yoy think we can meet?"

Napakunot noo na lang si Haru sa nabasa.

"I'm not really into aggressive women but i guess i'll try this one." aniya sa sarili.

he replied Airi's message.

"Next week will do. Let's exchange contacts so we can get in touch since I rarely open this app." Haru smiled widely after he sent the message.

"I better get my schedules fix next week." aniyang di mawala wala ang ngiti sa labi.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon