Love is unfair

13 1 0
                                    

Andrea's POV

Ako si Andrea Del Mundo. Isang simpleng babae. Matalino pero piniling magpakatanga sa pag ibig.

Bakit?

Nainlove ako sa bestfriend kong bakla. At ang mahirap nagpapanggap ako bilang girlfriend nya sa School at sa sa bahay nila.

Oh diba! Ang tanga.

Umabot kami ng anim na buwan ng pagpapanggap. Pero hindi ko kinaya.

Lahat ng sweetness na pinapakita niya sa akin mas lalo akong nahuhulog sa kanya.

"Steven itigil na natin to" sabi ko ng mahinahon.

"Pero bes baka malaman ni dad at-"

"Ayoko na"

"Pero-"

"Hindi mo ba naiintindihan ayoko na"

"Bakit?"

"Hindi mo talaga alam" naiiyak na sabi ko.

"Ang alin?"

"Ayoko na dahil mas lalo akong nasasaktan sa ginagawa natin"

"Bakit ka naman masasaktan?"

"KASI NGA MAHAL KITA!!"

Nagulat siya sa pagsigaw ko.

"Mahal kita. Matagal na pero hindi mo man lang napansin" sabi ko sabay sa pagpatak ng aking mga luha.

"Kaya itigil na natin to. Mas lalo lang akong masasaktan"

Nakatingin lang siya sa akin na para bang prinoproseso palang ng utak niya ang nangyayari.

"Lilipat na kami bukas sa Manila. Sana makakilala ka ng taong mamahalin ka higit sa pagmamahal ko. Goodbye Steven"

One Shot Stories (Tagalog) (short stories) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon