Chapter 15

562 16 5
                                    


Sa totoo lang gustong-gusto ko ng isampal sa mukha ni Kara na ako si Selena De la Merced. Hindi ko na yata kayang tiisin ang pamamaliit niya sa akin bilang isang empleyado lang, marami na akong naririnig na hindi maganda ang pakikitungo niya sa ibang empleyado dito.

Ilang araw nalang at babalik na sa sariling kompanya niya si Yvo, iyon ang sabi ni Keb sa akin. Hindi paman siguradl ngunit mukhang ganon nga ang mangyayari. Naalala ko nang sabihin niya na hindi niya makakalimutan ang training niya dito sa hotel at restaurant ng lolo ko.

"Relax Kenzu..." Tumawa si Delgado na parang nananadya. "Wala akong gagawin, nakikipagkilala lang naman."

Napapaikotan parin ako ng mga tauhan ni lolo. Kung kanina ay mukhang sila Grenny lang ang nagtataka ngayon parang may nabubuo narin na nga tanong sa mukha ni Yvo. Tulad ng sabi ko, this is not the right time.

"Tumawag ka ng security Reg.." Utos ni Kuya Sirius. "At palabasin lahat ng bantay mo dito sa kompanya ng lolo ko at ni Daddy, Mercado."

"Kuya.." Suway ni Kara. Hindi alam kung kanino titingin, Sa akin ba, kay Yvo o kay Kuya Sirius. "He's my Uncle. Anong karapatan mo na paalisin siya." Galit niyang sabi tsaka ako muling binalingan ng tingin.

"Hindi ba dapat siya ang palayasin Kuya, at ano to Zach? Pati ikaw pinoprotektahan mo tong' hampaslupa?"

"Watch your words Kara." Hindi makapaniwala si Kara sa narinig muli kay Yvo. Dumating ang mga gwardiyang ipinatawag ni Reg at agad na dinampot ang mga tauhan ni Mercado, ngunit mukhang di manlang siya nakitaan na naapektahon. He simply smiled at me. Nagsitayuan ang balahibo ko,ngunit may lakas parin naman ako ng loob sakaling kikilos siya ng wala sa oras.

"Karapatan ng kompanya na pangalagaan ang sino mang empleyado na naririto. You may leave Mr. Delgado." Si Kuya Sirius.

Mariin akong pumikit at pilit na kinalma ang sarili, ngunit bago pa tuluyang lumabas ng pinto si Mr. Mercado ay nakita ko ang ama ko kasama si Lolo. Hindi pa nila ako nakikita dahil siguro sa mga nakapalibot na guards sa akin, lumapit si Kara at humalik sa pisngi ng ama ko. Sinulyapan ako ni Kuya Sirius ngunit di na ako nagpadala sa damdamin kahit pa na durog na durog ang puso ko sa eksenang iyon.

Nagawa pang bumati nila Grenny kay Daddy kahit na gulat sa nangyari.

"What's wrong my princess?"

WTF! Dad called her Princess!!

Nagkaroon ako ng lakas ng loob na lagpasan ang apat na gwardiyang nakatayo sa aking harap. Huli na para pigilan ako ni Keb, nawala ang ngiti sa labi ni Daddy ng makita ako, samantalang walang nagbago sa reaksyon ni Lolo. Gusto ko ng manumbat kay Daddy, pakiramdam ko mawawalan ako ng malay sa oras na magpadala pa ako sa aking nararamdaman.

"Gusto kong paalisin mo sa kompanya tong' babae na to'. Hindi marunong rumespeto at kumilala sa anak at apo ng may-ari." Sigaw niya.

Ganito kasama ang ugali ng ababeng to!

Walang pagdadalawang isip na tumulo ang aking mga luha, hindi dahil sa kanyang sinabi. kundi sa walang nagagawa ang ama na ipagtanggol manlang ako.

Relax Selena! tanggap mo na ang sitwasyon di ba? anong iyak ang iniisip mo diyan..

Narinig ko ang pagsambit ni Grenny ng pangalan ko na nag-aalala. Buong tapang ko na pinunasan ang luha ko, hindi ako handang magbuka ng bibig dahil sa takot na iba ang aking nasabi, laking pasasalamat ko kay Yvo ng maingat niyang hinawakan ang braso ko at inilapit sa kanya.

"Responsibilidad  ko siya Tito. Wala siyang ginagawang masama kaya walang rason para paalisin siya sa kompanya."

Inaabangan ko ang reaksyon ni Daddy, kita sa mukha niya ang di inaasahang pagtanggol sa akin ni Yvo pero si Lolo ay may mga ngiting nakatago na di ko mapaliwanag kung bakit.

SelenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon