May gusto ako sa kanya. Hindi... hindi lang gusto, mahal ko na sya. Mahal ko na si Trey Buenavista.
Ang laki ng problema ko no?
Si Trey Buenavista na siguro ang pinaka-mayabang, isip-bata, malakas mantrip, mayabang, mapang-asar, mahangin, mayabang, sira-ulo at... nasabi ko na ba ang 'mayabang'? Oo, in short, gag*.
Asar na asar ako sa lalaking yan. Ipinagsigawan ko pa sa mukha nya noon na kung magkakagusto man ako, siya ang kahuli-hulihan sa listahan ng mga lalaking magugustuhan ko. Naalala ko pa nga noon yung sagot nya sa akin, ginulo pa nga nya yung buhok ko at tumatawa nyang sinabi "Ismo, mabusog ka sa mga sinabi mo ha?" Well, he's right. Busog na busog nga ako eh, kase kinain ko lahat nung sinabi ko.
'Ismo' ang tawag nya sa akin. Lagi nya kase akong inaasar sa 6'11" kong height. Grabe, mas matangkad pa nga ata sa akin si Dora. Everytime na nakikita nya ko, lagi nya kong inaasar na "small". Madalas ko syang batukan noon o ibinabato ko sa kanya ang kahit anong bagay na mahawakan ko, kaya nga di na nya magawang tapusin ang sinasabi nya. Kaya imbes na 'small', nagiging 'is-mo---" nalang.
Noong una, halos hambalusin ko sya sa bag ko kapag tinatawag nya ako sa pangalang iyon. Pero ngayon, pakiramdam ko ay ako ang may pinakamagandang palayaw sa balat ng universe.
Eh wala eh! Tinamaan ako. Sino bang tanga ang kikiligin sa pangit na palayaw? Ako lang. Ako lang.
Paano ba kami nagkakilala? Ang natatandaan ko ay una kaming nagkakilala noong isinama ako ni Kuya sa gig nila. May banda kasi sila. Ipinakilala ako ni Kuya sa mga kabandmates nya, si Trey ang drummer nila. 'Hi'-'Hello' ganun, then BOOM, world war 3 na.
Di ko makalimutan noon nung isang beses ay umuwi akong umiiyak sa bahay. Nagkataon ay nandoon sila para mag-practice. Nakita ko kasi yung crush ko na may ka-holding hands sa mall. Iyak ako ng iyak kase first time na nangyari yun sa akin, ang sakit pala. Sina Kuya naman, ginawa na ata nila ang lahat para patahanin ako. Pero si Trey? Nagawa pa nya akong asarin. Alam mo ba kung ano ang sinabi nya? "Ayy mahilig ka pala sa mga lalaking mukhang roll-on? Wala kang taste ismo." Eh ano ngayon kung kalbo si Warren? Kahit ganun ang get-up nya, gwapo naman sya ah. Pero tapos na ko dun sa lalaking yun. Matagal ko nang di gusto yun! At oo, dun ko lang din narealize, mukha nga syang naglalakad na roll-on. Napatawa pa nga ako nung sinabi pa nya "Hayaan mo Ismo, magpapatayo tayo ng barber shop at ipapangalan natin sa kanya. Ayos ba?" oo,napatawa nya ako. Noon ngang araw na iyon, isinumpa ko sa sarili ko na hindi nako magkakagusto sa mga kalbo d--,bv
Isang beses rin, noong kuhanan namin ng class cards, halos mahimatay ako nung nakita ko ang grade na singko sa Calculus. Kahit kailan kase di kami magkasundo ng mga numero. Bakit ba pinauso pa ang Math? Ayokong umuwi ng bahay, nahihiya ako kina Mama at Papa. Yung mga kaklase ko nagsipunta sa mall para mag-celebrate dahil pasado sila. Ako lang ba ang tanga sa Math? Naiinggit ako sa kanila. Kaya ayun, para akong timang na pumunta mag-isa sa mall. Ang sabi ko pa sa sarili ko, "Congratulations, ikaw lang ang di nakapasa sa Calculus" oo, kausap ko ang sarili ko. Halos mapalundag ako noon nung may biglang sumagot, "Hindi ah, kasalanan nung Calculator, ang tanga kasi nya mali-mali ang binibigay na sagot sayo."Si Trey lang pala, at nahuli nya ako. Ako at ang kabaliwan ko. Malamang walang katapusang asar na naman ang natanggap ko. Pero wala ako sa mood na makipagbiruan noon, ang sabi ko pa nga, gusto kong mapag-isa. Nasabi ko pa sa kanya na naiinggit ako sa iba kase ang sasaya nila. Tinawanan nya lang ako nun, tinawag pa nya kong tanga "Kung gusto mong mapag-isa, dapat sa sementeryo ka nagpunta."Malungkot na nga ako, inaasar pa nya ko kaya nasigawan ko tuloy sya. Oo, yun yung unang beses na nasigawan ko sya, bakit? Imposible na ba ang solohin ang isang mall? Di sya umimik noon, nakita ko nalang na lumapit sya sa pader, sa may emergency button. Walang alinlangang pinindot nya yun. Umalingawngaw sa buong lugar ang warning siren at automatic na nagsilabasan ang mga tao at sabi nya, "Ayan, solo mo na ang mall" nakangiti pa nyang sabi at ako, tulala lamang na nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Best Mistake (One-Shot)
Romance“That even in your biggest mistake, you’ll find that greatest thing you’ve been looking for” - Ismo