Chapter 10: Connection

631K 25.9K 11.6K
                                    

Chapter 10: Connection

Lagot ako. Yon ang paulit ulit na pumapasok sa isip ko habang pauwi sa mansion noong hapon na yon. Hindi dapat ako nag stay ng ganoon katagal. Hindi na dapat ako nanood ng game.

Tulad ng sinabi ni Zander ay agad natapos ang laro. Tie ang orders at elites. Nagsimulang mag alisan ang mga nanonood maging ang mga kasali sa laro. Some people cast weird glances in my direction while we walked out of the woods.

Pero karamihan ay ang kanilang pinuno ang pinaguusapan.
Halos lahat ay nabigla sa pagdating ni Zander. Maliban siguro sa mga orders. Was Zander there all along?

Kinagat ko ang labi ko habang nagmamaneho pauwi. Kung ganoon lagot talaga ako.

I expected a talk from Aunt Helga the moment I step inside the mansion. Late ako nakauwi kesa sa normal at hindi ako nakapagpaalam sa kanya. Ngunit nang makasalubong ko siya sa sala ay wala siyang ano mang sinabi maliban sa tinanong niya ako kung saan ako galing.

Kung ganoon hindi sinabi ni Zander na nakita niya akong nanonood ng laro sa kakahuyan. At sa tingin ko ay hindi din alam ni Aunt Helga na nandoon siya.

Noong gabing yon ay hindi ako makatulog. Humarap ako sa third floor habang nakahiga sa aking kama.

Kung kaya ng mga uri nila na gumalaw ng mabilis kesa sa normal na tao, possible kayang si Zander ang tumutulong sa akin noong muntikan na bumagsak ang tinatapakan kong hagdan? Bumuntong hininga ako at huminga ng malalim. Ano ba itong iniisip ko?

--

Sa mga sumunod na araw ay naging usap usapan parin ang nangyari sa baseball game. Lalo na ang pagdating ni Zander. Madami ang nagtaka. Madami ang hangang ngayon hindi parin makapaniwala. Naging seryoso ang usapan tungkol sa topic. Sinasabi ng ilan na maaaring babalik na siya. Sa simpleng pagdating niya ay tila naalarma ang mga taong nasasakupan niya. Ganito ba talaga ang epekto ng isang alpha?

Noong araw na yon ay makulimlim at mahangin. Malayo sa maaliwalas na panahon nitong mga nakaraang araw. Winawagayway ng hangin ang tuktok ng mga puno. Maingay ang mga bintana na humahampas sa pader ng school. And the woods surrounding the campus are incredible creepy and dark.

Ngayon malinaw na sa akin kung bakit pinalilibutan ng kakahuyan ang bayan ng Van Zanth. At kung bakit lagi akong nakakakita ng mga taong papunta o galing sa kakahuyan. Isa ang kakahuyan sa mga lugar kung saan malayang nakakagalaw ang mga uri nila.

Pinagmasdan ko ang paligid sa labas habang naglalakad sa hallway ng school. The wind was howling. Sa quadrangle sa ibaba, ilang mga estudyanteng naglalakad ang hawak ang kanilang buhok habang winawagway ng hangin.

Ang sabi kanina may paparating na bagyo. Hindi ko sigurado.

Pag uwi ko sa mansion naabutan ko si Aunt Helga na inaayos ang mga shutters ng bintana upang hindi masyadong liparin ng hangin. Umakyat agad ako sa kwarto at nagbihis para matulungan siya. Sinabi niya na ipasok ko ang ilang gamit na nasa garden.

Pagdating ko sa garden ay tila nagsasayawan sa hangin ang mga tuyong sanga at dahon. Humahampas ang ilang sanga sa mga kalapit na puno at lalong dumami ang tuyong dahon sa lupa.

Kinuha ko ang mga naiwan na garden tools doon katulad ng pandilig at garden scissors. Habang busy ako sa aking ginagawa isang mahinang creak sa itaas ang narinig ko. Halos hindi ko napansin ito noong una dahil sa lakas ng hangin. Huminto ako sa ginagawa at napatingin sa itaas.

Napaatras ako nang makita ang pagkaputol ng sanga ng puno. Bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis akong lumayo nang bumagsak ito. Nalaglag ito sa harapan ko at naputol sa dalawa. Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ito. Muntik na ako.

Living with a Half BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon