Chapter I : Tease HER

4 0 0
                                    

Jillian's POV

"Omg! Andyan na sila!"

"Kyaahh!! Ang wafu talaga nila!"

"Bakit ba ang popogi nila."

"Akin ka na lang Jeizeru baby please..."

"Oh my gosh! Kinikilig ako."

"Oh no! Girl did you see that tumingin siya sa'kin, kyaahh!!!"

Everyday yan ang lagi kong naririnig dito sa entrance ng school namin. Nakakabingi etong mga babaeng-- hays! Never mind.

Pinagpatuloy ko na lang paglalakad ko papunta sa room namin.

"Jillian bestfriend!"

Kahit hindi ko lingunin alam ko kung sino siya.

JIRO IBASCO

My one and only bestfriend at oo isa siya sa mga tinitilian kanina sa entrance. And of course may mga matang masasama na naman ang naka tingin sa akin, pero binabalewala ko na lang. Pakialam ko naman sa kanila.

"Bakit ka nandito? Nasaan mga barkada mong MAHANGIN?" pinagdiinan ko sa kanya yung word na yon ang kaso yung loko naka smirk sa akin.

Yung totoo bestfriend ko ba talaga ang mokong na 'to?

"Bakit ganyan pagmumukha mo?" dugtong ko wala ba siyang balak sagutin tinatanong ko? Asar!

"May problema ka ba sa pogi kong mukha bestfriend?" wow ang hangin! Tinarayan ko nga.

"Alam mo hindi nakakapagtaka na kaibigan mo ang mga yun." naiinis kong sabi

"Bakit naman bestfriend." nagtanong pa talaga? Kaloka!

"Ang hangin mo din kasi e, bwisit ka!"

"Hahahahaha!!" tinawanan lang ako ng gago kong bestfriend

"Anyway, nasa canteen pa sila kaya tara na sa classroom natin. Sabay na tayo baka kasi nagtatampo ka na eh haha" buti naman nahimasmasan na siya sa kakatawa. Teka nga muna wala naman nakakatawa sa sinabi ko diba?

"Baliw!"

Dahil sa nababaliw siya nauna akong maglakad pero maya-maya nakasabay na siya sa'kin at tinungo ang daan papuntang classroom.

By the way, I'm Jillian Andrada, 20 years old and a third year college with a course of BSBA major in management.

"Jiro! Bakit hindi ka sumama sa'min ha?" kilalang kilala ko ang boses na yan kaya ang ginawa ko kunwari busy busy'han para hindi mapansin mang bu-bwisit lang naman ang taong yan e.

"Tingnan mo si Jillian kunwari busy haha!" anak ng--! Bwisit! Tumingin ako ng masama kay Jaycee

"Anu ka ba naman tol wag mo ngang ganyanin si Jillian my labs" sabay kindat sa akin ni Jayden. Hays! Kinikilabutan ako sa mga trip ng mga to.

Lalakas talaga ng mga trip ng mga mokong at sa lahat ng pagtritripan ako pa ang napili. Swerte ko diba? Tsk!

"Mga tol wag naman kayong ganyan sa bestfriend ko." rinig kong sabi ni Jiro. Go bestfriend ipagtanggol mo naman ako sa mga mahahangin at mayayabang mong kaibigan.

"Haha parang hindi ka na nasanay Jiro" natatawang wika ni Jayvee

"Balita ko namiss mo ko Jillian baby." nag smirk siya sa'kin at yak! ew! baby? Hindi naman sa pangit siya ha dun na tayo gwapo siya oo I admit that.. teka? Gwapo? Ewan!

A Life with Mr. Jeizeru CamadduTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon