Chapter 01

51 2 0
                                    

#TLOQ01

This is horrible.

I was being dragged to the palace today. Sinubukan ko naman magpumiglas pero hindi ko talaga sila kaya. They were a bunch of trained men that seemed willing to cut my head off kapag hindi ako sumama sa kanila.

Gusto ko na lang ng tahimik na buhay.

At hindi iyon sa palasyo.

Bakit ba hindi nila maintindihan iyon?

Nakasakay ako ngayon sa isang van na magdadala sa amin sa palasyo. Mayroon daw pagsasalo mamayang gabi kaya kailangan nandoon ako. They even dragged me off my pharmacy class para makapunta lang dun! Nakakaasar talaga!

"My lady, do you need anything?" Tugon ng isang Yuku. Isa siya sa mga malapit na taga-silbi ng prinsipe. Ewan ko ba kung bakit kasama siya sa pagdukot sa akin. Pinadala ba siya ng prinsipe? Bakit ba siya nangingialam?

Nakakainis talaga.

Napansin niya na hindi ako komportable sa aking kinauupuan. Hindi ko pinansin ang kaniyang tanong kaya bumalik ang tingin niya sa harapan. Ang sungit. Sila na nga 'tong humatak hatak sa akin tapos sila pa magsusungit? Attitude ha!

"Binibini, andito na po tayo." Tugon muli ng isang Yuku. Tumigil kami sa harap ng hindi ko malamang gusali. Ngayon ko lang nakita to pero mukhang hindi naman kami nakakalayo. Hindi naman matagal ang byahe namin ah.

"Asan tayo?" Tanong ko sa isang Yuku na nag-aayos ng mga gamit ko. Siya lang kasi 'yung ngumingiti sa kanila tapos 'yung iba, ewan ko ba, pakiramdam ko itatapon nila ko sa bangin kapag nakapagtanong ako ng masama. "Tsaka ano nga ulit pangalan mo?" Dugtong ko pa.

"My lady." Nag-bow sa akin ang Yuku. Akala ko pa naman hindi siya katulad nung ibang Yuku. I do not look like a princess but they always practice the parameters towards me. I should be thankful... ngunit hindi ko maramdaman na karapat dapat ako na pakitaan ng sobrang respeto.

I was just forced here.

Hindi naman kasi ako dapat nandito.

"We are ordered to bring you to Lady Claret before we can head to the palace, My Lady. We do not know anything beyond that." Nakangiti niyang sagot sa akin. "As per your second question, apologies, My lady."

"Why?" Tanong ko sa kaniya. Hindi ko naman ipapahamak 'yung pangalan niya. Bakit ayaw nila ibigay?

"We are not allowed to give our names to you. That's an order..." Sagot niya sa akin na para bang may nasabi siya na hindi niya dapat sabihin. Napatigil siya ng mapagtanto niya na hindi niya dapat sabihin kung sino ang nag-utos nito.

"Whose order?"

"My Lady—," Napabuntong hininga siya ng tignan ko siya ng masama. Nakakainis talaga. Wala na ba akong karapatan ngayon na kilalanin ang mga tao sa paligid ko? "Apologies, My Lady. Hindi ko na po dapat binanggit iyon." Tugon niya sa akin.

Hindi ko sila pinansin.

Bumaba ako ng sasakyan kahit umaambon sa labas. Tutal wala naman silang pakialam sa akin, mabuti pang mabasa na lang ako ng ulan. Baka magkaroon na sila ng pake sa akin kapag nagkasakit na ako. Baka hindi na nila ako hatak hatakin.

"My Lady!" Agad akong sinundan ng tatlong Yuku. Bakit ba ang bilis nilang kumilos? Naabutan nila ako kahit saan ako pumunta! It's really unfair. They're suffocating me. "Hindi po dapat kayo magpaulan! Lagot po kami sa Prinsipe!"

So what?! Kaya lang naman nila ako sinusundan ay dahil sa Prinsipe. Bwisit na Prinsipe 'yan! Lahat ng gusto kailangan nasusunod! Paano naman ako? May klase ako kanina tapos biglang may hahatak sa akin at dadalhin ako kung saan niya gusto? Tapos ngayon, hindi ko man lang maaaring kilalanin 'yung mga kasama ko.

The Legend of Qin Where stories live. Discover now