Chapter 02

17 3 0
                                    

#TLOQ02

"Gu Si, can you explain this?"

Nandito kami ngayon sa loob ng palasyo. Pagkarating na pagkarating namin ay dinala agad kami dito sa Defurus— more like a trial room. Nabasa ko sa libro na dito raw pinag-uusapan ang mga violations na macocommit ng mga nakatataas. Mukha pa rin naman kaming nasa salas... nag-iba lang yung tawag para siguro mukhang nakakatakot.

Ewan ko ba. Kahit kailan, hindi ko talaga maiintindihan ang buhay ng mga taong 'to.

"Bakit kasama mo ang Consort ng Crown Prince?" Bigla akong napatingin sa tanong ni Lady Claret. Bakit parang may mali sa tanong niya? Parang may mali na naman ba akong ginawa? Bawal na ba akong sumama kay Gu Si?

"I was driving on my way here... and then, I received a call from her." Tumingin sa akin si Gu Si. Anong sinasabi niya? Tinawagan ko siya? Wala nga akong dalang kahit ano e. Iniwan ko sa sasakyan ang telepono ko bago ko tinakbuhan ang mga Yuku. "She told me that she needs someone to fetch her." Inalis niya ang tingin sa akin at binaling ito kay Hei Yi na ngayon ay nakaupo sa tapat namin.

"Nabasa siya dahil sa ulan. Pinabayaan kasing maulanan." Dagdag pa ni Gu Si. Napansin ko ang pag-igting ng panga ni Hei Yi. He doesn't like what he's hearing.

Mapapagalitan ba siya kapag nalaman ng Reyna na naulanan ako dahil tinakasan ko ang mga Yuku niya?

"Shan, bakit ka ba nabasa sa ulan? Bakit mo tinakasan ang mga Yuku?" Tanong ni Lady Claret. Hindi agad ako nakasagot. Giniginaw na ako... Ang lamig. Pinupunasan ako ng mga Indfu pero nilalamig pa rin ako. Pwede bang magbihis muna ako? "I'm asking you, Shan!"

Dito ba ako magbibihis? Hindi ba pwedeng mamaya na niya ako pagalitan?

"I'm sorry..." Iyon na lamang ang nasabi ko. Gusto ko na lang magpahinga. Ang lamig ng pakiramdam ko pati ang lalamunan ko. Hindi pa nga pala ako kumakain...

"Shan, you were just starting. Sabi sa akin ng Yuku... nasa palasyo ko na kayo kanina. Bakit ka tumakbo?"

Ano bang sinabi ng mga Yuku? Parang ang sama ko na naman. Gusto ko lang naman kasi magpahinga kanina. I was suffocated. Naaasar talaga ako kasi wala siyang pinipiling oras. I was still in my pharmacy class. Hindi ba pwedeng pagkatapos na lang ng klase ko?

Hei Yi is looking at me. Walang emosyon ang mukha niya pero ramdam kong nagagalit siya. Hindi ko alam kung bakit. Dahil lang ba naulanan ako at mapapagalitan siya? Hindi naman ako magsusumbong. Pwede naman hindi kami magsumbong sa Reyna... tsaka hindi ko naman siya sinisisi sa ginawa ko kanina.

It feels like I've done myself a favor. Magkasakit man ako mamaya o bukas... at least I've saved up myself a breathing aid. I can survive within a week or two... siguro. Hindi ko alam. Hindi ko na ulit siya tatakasan.

"Tsaka bakit hindi si Hei Yi ang tinawagan mo? You could've just called him if you need someone to fetch you. It's not as if Gu Si is your husband!"

"Lady Claret, it's fine—," Hindi na nakatapos si Gu Si sa sasabihin niya.

I was about to answer Lady Claret too when a hand grabbed me. Hinila ako ni Hei Yi mula sa pagkakaupo at nilagay ang kanyang kamay sa aking balikat. He put his long cape on my shoulder to cover my body. Hindi naman pala mabigat 'yung kamay niya o kaya siguro, iniingatan niya lang.

God, he feels so warm.

Naramdaman ko ang pag-init ng katawan ko. Does his cape radiates warm energy? It feels hot. Unti-unti nitong inaalis ang lamig sa katawan ko.

"We're dismissed."

"I'm not yet done talking to her, Hei Yi. Sit her down." Utos ni Lady Claret ngunit alam naman namin pareho na hindi siya pakikinggan ni Hei Yi. He creates rules for himself... I should have known this. Kung alam ko lang na ganito ang kahahantungan ng pagtakas ko, hindi na sana ako tumakas.

The Legend of Qin Where stories live. Discover now