CHAPTER NINE

485 28 12
                                    

" ELIJAH GREGG,  THE CHEF COOK "
WRITTEN BY SHERYL FEE


CHAPTER NINE

"Oh what's wrong my dear? Mukhang hindi ka mapakali ah." Takang tanon ni Elijah sa kasintahan.

Habang papalapit sila sa mismong Bontoc ay napansin niya na parang aligaga ang nobya.

"Hmmm Eli eh hindi ba nakakahiyang sa inyo ako makikitira? Nobya mo pa naman ako tapos sa inyo ako makikipanirahan? Kasi naman kasalanan mo eh." Ayan ka na naman attorney! Nagngangatngat ng kuku, sinisi mo pa ang mahal mo.

Sa sagot ng kasintahan ay napangiti siya. He love her innocence. Idagdag pa ang pagblu-blush nito na nakangatngat sa kuku na para bang batang natatakot.

"No problem about my dear, mas matutuwa pa ang mga magulang ko oras na malaman nilang may nobya na ako at makikilala nila in person dahil sa bahay makikipanirahan. Don't worry about it dahil walang nakakahiya doon. Stay calm my love." Masuyo niyang sagot na bahagyang itinigil ang sasakyan saka inabot ang palad nito at hinagkan.

"Kaso naman Eli eh ikaw ba namang ipinagluto mo kami ng buong isang buwan. Baka naman isipin nilang pagkatapos mo kaming pinagsilbihan may gana pa akong magpakita sa kanila?" Namumulang sabi ng dalaga saka yumuko upang itago ang pamumula. Paano ba naman kasi ang chef cook niyang mahal basta na lang nanghahalik.

Kaso umusog ito palapit sa kanya at iniangat ang mukha. Then he kissed her tenderly with love!

Ang chef cook! Nanghahalik in the middle of the road!

"As I said don't worry dahil hindi sila ganyan. Kung alam mo lang na sila pa nagpapaalala sa alin every morning dahil excited silang mapasagot kita. Calm yourself my dear dahil malapit na tayo. I love you." Saad pa ng chef cook after he kissed her.

"Oo na love naman kita kaso nahihiya  nga ako sa inyo lalo na sa mga magulang mo, kababae kong tao pero makikipanuluyan sa bahay ng nobyo ko. Alam mo naman ang ibang tao para silang super inosente." Nakangusong sagot niya kaso wrong move eh, the more she pout, the more she bites her nails isang halik ang katumbas mula dito.

"I don't care about what people might say my dearest Janina Khate dahil wala silang pakialam kung sa amin ka makikipanuluyan and besides instead na sa accomodation ng gymnasium ka titira while you're  in your training anong silbi ko kung 'di man lang kita maaya sa bahay. And remember mahal ko na sa akin ka ipinagkatiwala  ng mga magulang mo kaya't erase those thoughts in your minds." Muli ay saad ng binata. How he really love the innocent woman besides him.

"Eh siya sige na maari na tayong magpatuloy. Ikaw ha kanina ka pa nanghahalik, baka may mga nakakakita diyan na passers." Ani Janina na bahagyang ibinulong ang huling bahagi.

Kaso makulit din ang chef cook, kinintalan pa niyang muli ang kasintahan na parang teenager sa kilos lalo at may kaliitang tao!

Talagang may nakakita sa kanilang dalawa, dahil sa kabilang banda o mas tamang sabihin na napadaan ang bunsong anak ng mama Angela niya kasama ang bunso ng papa Darrell niya.

"Pinsan hindi ba't sasakyan ni kuya Elijah 'yun?" Pukaw ni Jaspher kay Darrell Jr.

Kaya naman bahagyang nag-menor ang huli upang tingnan ang sinasabi nh pinsan.

"My goodness! Ang mga taong inlove nga naman mukhang sa daan pa nagtutukaan." Nakangiwing ani Darrell Jr.

"Ay may nobya na pala si kuya? Naku lagot na." Saad ni Jaspher.

"And why lagalagag kong pinsan?" Tanong ni JR pero ang mga mata'y nakatutok sa kabilang sasakyan kung saan naroon ang kuta nilang chef cook.

"Remember the lady three days ago? Chef din iyun pero half American. Nandito iyun sa Bontoc tapos kilala pala ni kuya." Alanganing sagot nito na hindi pinansin ang huli nitong tinuran total lagalag naman talaga siya kung saan-saan napupunta.

ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon