Isang araw ay nagpasya ang aking pamilya na kami ay pupuntang Amerika upang doon ituloy ang aking pag-aaral at ako ay sobrang sabik sapagkat ito ay aking unang beses na lumuwas sa ibang bansa. Kami ay nasa airport na at napansing naiwan pala ng aking kapatid ang kanyang pasaporte kaya ang nanay ko ay galit na nagsabing "Hay nako! ipadala mo nalang sa kasambahay natin" at habang nag-aantay ay ginamit ko muna ang aking selpon upang makapaglibang, nung nakuha na ng aking kapatid ang kanyang pasaporte ay agad kaming pumasok sa terminal at swerteng naabutan pa namin ang eroplano kaya nagmadali kaming pumunta at nagpahinga lalo na ang aking kapatid dahil siguro sa pagkagalit ni mama, habang umaandar ang eroplano ay inip na inip na ako at napagisip-isip kung gaano kalayo ang Pilipinas sa Amerika at nagpasyang matulog nang makita ko ang isang babae na nasa harapan lang ang upuan sa amin and "damn ang ganda niya" ang nasabi ko sa utak ko at pasulyap-sulyap nalang ako sa kanya sapagkat may pagkamahiyain ako at ayaw kong mahalata ako. Ilang oras na ang nakalipas at hindi ko namalayang nakatulog ako at habang pababa ang eroplano ay hinahanap ko yung babaeng nakita ko ngunit hindi ko siya mahagilap, nasa taxi na kami at hanggang ngayon ay naiisip ko parin ang mukha ng babaeng iyon hanggang sa nagsalita ang aking kapatid na "Hoy kuya! bat tulala ka? babae ba yan" "Hinde syempre sino bang babae ang iisipin ko?" ang pagtanggi ko hanggang sa makauwi kami sa bago naming bahay upang makapagpahinga at maging handa para sa mga hamon kinabukasan.
Ilang buwan ang nakalipas at nagsimula na ang pasukan kaya agad akong nagpaalam sa aking magulang at napagpasyahang mag-commute at hinde magbayad para sa school bus katulad ng napapanood ko sa mga movies at pagdating sa eskwelahan ay nakakita ako ng isang guro at kaagad akong nagmano, pagtataka niyang sinabi "What are you doing?" at ang aking winika ay "In my country doing
that is a sign of respect" at ang kanyang tinugon ay "Oh! then thank you! and by the way so your the transferee student from uhmm.. Philippines?" at sinabi kong "Yes ma'am I am" tapos winika niya "Well then let me take you to your classroom" at sumunod ako sa kanya at nakarating sa aking classroom na may nakasulat na A-51 at ako doon na nagsimula ang aking pagpapakilala sa aking sarili at ang simula ng unang araw ko sa paaralan at pagtapos ng klase ay laking gulat ko sapagkat nakita ko ang babaeng nakita ko sa eroplano ngunit nahiya akong lumapit dahil may pagkatorpe ako at nakita kong masaya siyang kasama ang mga kaibigan niya kaya tumungo nalang ako palabas ng paaralan at dumiretso pauwi at pagkarating ko ay agad akong nagmano sa aking magulang at ginawa ang aking mga asignatura at naghanda para bukas.
Pagkagising ko ay naghanda na ako para pumasok at pagpasok ko ay laking gulat ko dahil sa hindi malamang dahilan ay nakita ko ang babae sa classroom namin at nalaman ko na ang pangalan pala niya ay Coreline Aristelle at bagay na bagay sa kanya ang kanyang pangalan at gusto ko sana siyang kausapin ngunit may isang lalaking nauna sa akin kaya pinalipas ko nalang ang oras at nakisalamuha nalang sa iba kong mga kaklase at makalipas ang dalawang araw ay nagkaroon ako ng lakas na kausapin siya at syempre nagsimula ako sa "H-hi... I'm James and you?" sumagot siya ng may mahinhin na boses "Hello! I'm Coreline Aristelle nice to meet you" at tumagal ang pag-uusap namin hanggang sa pag-uwi at kami ay nagpaalam na sa isa't-isa at masaya akong umuwi sa bahay at nagpatuloy ang aming kwentuhan hanggang sa kami ay naging magkaibigan at hindi ko malilimutan ang sinabi ko na "Did you know that my dad chose my name and was inspired by James Bond which is his favorite movie" at sinabi niyang "OMG I knew it even I love to watch James Bond but one thing I dislike about him is that he always have, different girls in different movies but the 007 movie that I really love the most is... " at iyon ang pinakamahabang kwentuhan naming dalawa nakakalungkot lamang na natigil iyon noong matapos ang lunch at nagpatuloy ang masasayang araw ko rito sa Amerika at isang araw ay pumunta kami sa hindi mataong lugar na puno ng mga bulaklak at iba't-ibang klase ng halaman at doon ako nagbalak na manligaw at ako ay nagtagumpay at iyon ang mapinakamasayang yes na natanggap ko, masaya na ang lahat hanggang sa nalaman ko ang pinakanakakalugmok na pangyayari, na si Coreline ay patay na ay tinanong ko ang kanyang tatay "S-Sir...what happened to her?" paluha niyang sinabi "She's been hit by a car...but she's still breathe that time" tapos sinabi ko "Po? then why is she dead?" ang sinagot sa akin ay "She died when she's on the ambulance because of blood loss" hindi ako makagalaw at hinang hina ako dahil sa nalaman ko at hindi ko na alam ang gagawin ko non ngunit kailangan ko parin ituloy ang pamumuhay ko kahit wala na siya at simula noon ay binigay ko ang lahat upang magtagumpay at iyon ang aking istorya, maaaring mawala ang mga taong espesyal sa atin ngunit kailangan parin natin makahanap ng dahilan para mabuhay at ibaon natin ang masasayang alaala natin sa kanila at maging maligaya dahil naparamdam mo sa kanila ang kahalagahan nila