June 2017, umalis si Alliyah sa Pilipinas para makapagtrabaho bilang OFW sa United States. Siya ay nagtrabaho bilang isang caretaker para sa isang matanda na may sakit at iniwan na ng kaniyang mga anak ang pangalan ng matanda ay Jennifer Beckham.
Nang siya ay dumating sa bahay ni Mrs.Beckham siya ay nagtaka kung bakit parang walang tao sa tahanan ng matanda. Kinalaunan may dumating na lalaki, siya ay mukhang nasa edad na 30 mahigit. Nilapitan ng lalaki si Alliyah at tsaka binigay ang susi at papel na para ba isang reseta ng gamot at sabay sinabi " now take care of that woman, give her the medicines when she needs them, you'll have the check every month",
Pagkatapos sabihin ito ng lalaki siya ay daliang umalis ng bahay at iniwan ang kaniyang ina kay Alliyah.
Makalipas ang ilang mga linggo na inaalagaan ni Alliyah si Mrs.Beckham siya ay napalapit rito. Dinadamitan niya, pinapaliguan, pinaglulutuan ng masasarap na pagkain at higit sa lahat tinuturing niyang parang sarili niyang ina ang matandang may sakit.
Nang naging komportable na sila sa isa't isa kwinento ng matandang babae ang buhay niya kay Alliyah at doon nalaman ni Alliyah na mayroon palang 4 na anak ang matanda ngunit ni isa sakanila walang natira para alagaan ang kanilang ina. Ang nakita na lalaki ni Alliyah ay ang pinaka-batang anak ng matanda pero iniwan narin nito ang kaniyang ina para magkaroon ng sariling buhay kasama nag asawa niya. Wala na rin daw ang asawa ni Mrs. Beckham dahil ito ay namatay sa sakit na cancer.
Dumating ang December 2017, si Alliyah ay nakatanggap ng tawag mula kay Biboy ang kaniyang nakababatang kapatid sa Pilipinas:
"Ate malapit na po ang pasko, kailan ka po uuwi dito?" tanong kaniyang kapatid,
" hindi ko pasigurado Biboy eh" ang sagot ni Alliyah"
"Bakit naman ate hindi mo po ba kami namimiss?"
" miss na miss ko na kayo, kaso nga lang ang inaalagaan ko ay iniwan na ng kaniyang pamilya, ayaw ko naman siyang maiwan ng magisa sa pasko"
"Ayy ganon po ba ate sige po, bye po, i love you po"
"Bye Biboy". Sabay baba ng telepono.
Pagkatapos ng tawag na iyon napaisip si Alliyah kung mas mabuti ba na iwanan niya si Mrs. Beckham magisa at umuwi sa kaniyang pamilya sa pinas para magdiwang ng pasko.
Maya-maya ay narinig niya ang tawag ni Mrs. Beckham sakaniya.
Tinanong siya ng matanda kung siya ba ay uuwi para magdiwang ng pasok sa Pilipinas . Sa tanong na iyon ay hindi makasagot si Alliyah dahil siya parin ay nagtatalo sa kaniyang sarili dahil alam niya na hindi niya kayang iwanan ang matanda magisa sa pasko.
Siya ulit ay tinanong ni Mrs. Beckham, "do you want to go back to philippines to spend christmas in there? "
"I still can't decide Mrs. Beckham i do not want to leave you here all alone on christmas" kaagad naman sagot ni Alliyah.
" i'm fine to be alone, you have a family you should spend it with them" .
Ngunit sa oras na iyon nakapagdesisyon na si Alliyah: " i've made my decision i'll spend my christmas here with you, because i believe that no one should spend their christmas alone."
"Are you sure"
" yes, my family is still complete they would just be spending the christmas without me but for you Mrs you have no one to spend it with since your children abandoned you. I would gladly spend the christmas here with you since you are already a family to me." Masaya na sinabi ni Alliyah sa matanda.
Kinagabihan ng December 15, 2017 bago matulog ay may tinawagan si Mrs. Beckham sa telepono ngunit ang kung sino ang nasa kabilang dako ng telepono ay hindi kilala ni Alliyah at nang siya ay nagtanong sa matanda kung sino ang kanyang kausap hindi nito sinagot ang kaniyang tanong at deretsyong bumalik sa pagkatulog
BINABASA MO ANG
HINDI MAG-IISA
Short StoryIsang OFW na babae na pinakita sa isang may sakit na matanda na iniwan na ng mga anak ang kabaitan ng isang pilipino