Lunod.

29 0 0
                                    


"Hindi nga ako eh?! Hindi nga!" sigaw ko nang hinatulan ako ng mga kamagaral ko, kahit sila naman ang naglason sa mga halaman. 

 "Kaw' lang naman huling pumasok eh, ikaw rin huling lumabas!" 

 "Nakita rin kita inaabuso mo yun puppy! Malapit na nga ma mamatay eh!" 

 Kwentong napapad sa mga utak na walang laman, hindi naman totoo... Pumatay ng aso? Sinong hayop gagawa ng yun? 

 "Pigil na nga! May proweba ba kayo sa mga sinasabi niyo?!" sigaw ni Helen, kaibigan kong nagiisa. 

"Wag ka mangeelam! Ano ka? Nanay ko? Bayaan mo n-" 

 "Pagtanggol mo naman sarili mo! Tumayo ka tanga!" Biglang sigaw sa akin ni Helen. 

 Sa mga salita niyang yun, naalala ko yun mga oras na hindi ako tumayo para sa sarili ko... Itsura ko lang naman ayaw nila eh, bakit hindi ako nagprotesta? 

 "(tawa tawa) Siraulo hindi yan marunong tumayo! Kaysang liit gagaya ng lahi niya!" Tutol ni Sae, isang hapon na nakalimutan ang kanyang lahi. 

 "..." Lumapit si Helen kay Sae, halatang galit. 

 "Hoy... bakit ang sarap ng upo mo diyan yun sinabi mo yun? HARAPIN MO SIYA KUNG MAY SASABIHIN KA!"

"TAYO, SAE" Sigaw ni Helen sa hapon. 

 "De sige" Naglakad si Sae patungo sa akin, nagtinginan kami. 

 Pinigilan ko lahat ng galit ko, kaso lumalabas parin ito galing sa mukha ko. Naramdaman ni Sae na ilang minuto nalang may mangyayaring masama. 

 nagbukas ang pinto: "Hoooy, bukas na yan uwi muna. Chill lang ah?" Sabi ng Guro nakikinig sa likod ng pintuan. 

 Hinggang malalim ni Sae. Isang duwag na malaki ang bibig.

Naglalakad ako, lubog sa pagiisip.
"Ayaw ko na."
 Nandoon lang naman ako para mapagtulungan eh.
Ganito lang ba buhay ko?
Hagdanan para sa mga iba?
Ganito lang ba ang magiging lahat ng buhay ko?
Diba mas maganda kung... nawala nalang ako?
...
...
"Eh?"
Ang lamig... ng katawan ko.
Nakahiga?
Sa kalsada?
Tao, takot na takot.
Dugo, umaapaw.
Hah. Sabi ko na nga ba. Sangayon ang tadhana. Dapat talaga mawala na ako. 

 Kung hindi sangayon ang tadhana... de bakit ako nabangga?

"Alis, singkit" sabi ni Sae, isang hapon. 

"Alis, liit" sabi ng walang mukha.  

"Mark... bakit ba ako nagsayang ng oras para protektahan ka?" bulong ni Helen. 

 Wala naman talagang totoong kaibigan ang tao eh. Umasa pa ako. Isang araw, sa lupain ng multo, malalaman ko kaya yun mga rason niyo? Bullying lang naman eh, bakit dinamdam ko. Laro Laro lang naman eh.

Dinamdam ko nga masyado, kasi nagbukas pa mga mata ko. Hindi pamilyar yun kisame? Saan to?

Unting galaw lang ng mga binti sobrang sakit na, ay hindi, pati buong katawan ko sobrang sakit. 

"Hoy hoy, kalma kalma! Wag ka muna gumalaw!" 

Narinig ko na yang boses na yan ah...Sa magandang anggulo, kapansin pansin ang rosas kapag nakanggiti, ang kaibigan nagiisa, si Helen.

"Oy, Good Morning!" bati niya sa akin ng sabay unting taas ng kamay at ngiting tagumpay.

"ARGHH" Ito ang resultang inggay na ginawa ko sa katangahan kong kagustuhan na yakapin si Helen.

"Mark OK ka lang? Uh... hindi, hindi ka OK... Tawag lang ako dok ah." lumabas si Helen ng hindi alam ang intensyon ko. Ngayo'y magisa ako.

"Mark tatapatin ka na namin" seryosong sabi ng doktor na dala ni Helen. 

Pagkalunod.Where stories live. Discover now