Wag na wag mong idadamay ang kaibigan ko dito. Matagal na syang wala dito ng dahil sa kagagawan mo. At kahit ano pang gawin mo hinding hindi mo ako mapapaalis dito kaya kung ako sayo ikaw ang dapat na umalis dahil ikaw ang totoong salot!!" Sigaw ko sa kanya at bigla nalang nyang hinablot ang buhok ko kaya hinanblot ko din ang buhok nya. Sobrang sakit ng anit ko sa sobrang lakas nyang manghila. Dahil narin siguro sa pagod ako at ayoko ng gulo ay wala akong lakas ngayon na makipag away kay gale kaya napatumba ako at ginawa nya yung pagkakataon para kaladkarin ako habang hawak ako sa buhok. Pinipilit kong makatayo pero hindi ko magawa. Naiiyak na ko sa sobrang sakit ng ulo ko at ng likuran ko. Napasigaw nalang ako ng bigla nya akong sinipa sa sikmura ng dalawang beses. Kahit na hindi iyon ganun kalakas ay masakit parin. Pumatong sya sa ibabaw ko at sinampal samapl ako habang hawak parin na isang kamay nya ang buhok ko.
I'm too tired para gumanti pero sinusubukan ko paring makaalis sa ilalim nya pero masyado akong nanghihina lalo na at ilang beses nya akong sinipa.medyo nagdidilim na ang paningin ko ng iumpog nya sa sahig ang ulo ko at tinulak ako sa pool. Buti nalang nakahawak pa ako sa gilid ng pool kaya naka angat pa ng bahagya ang ulo ko. Natatakot ako lalo na at hindi ko na kakayaning lumangoy dahil sa sitwasyon ko.
"Yan ang nababagay sayo!" Sigaw nya sa akin at tinulak pa ako palubog sa tubig. Pinipilit kong makahigop ng hangin pero hindi ko na kaya at unti unti ng pumipikit ang mga mata ko. Bago ako lumubog ay nakita ko pa syang nakangiti sa akin at umalis
"Steph!"
"Hayop ka gale papatayin kita!" Iyon nalang ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay sa ilalim ng tubig.
(AJ's POV)
Nagpaalam sa amin si steph na mag cr kaya hinintay nalang din namin sya dito tutal wala pa naman kaming balak na umalis. Nabaling naman ang atensyon namin ng makita g papalapit sa amin si marcus. Ano nanaman kaya ang kaylangan nito. Simula ng layuan nya kami at nagdesisyong iwan kami ay nawalan narin ako ng pake sa kanya. Kahit na kaibigan ko sya ay hindi ko magawang patawarin sya dahil hindi lang ako ang nasasaktan nya kundi pati narin si cath lalo na si steph.
"How are you? I'm sorry kung lumalayo na ako sa inyo. Siguro mas maganda nang lumayo nalang muna ako sa inyo lalo na kay steph. Nahihiya na akong lumapit sa inyo dahil ang dami ko ng kasalanan sa inyo lalo nung party. Mas maganda narin na ganito tayo pero hindi ko naman kinakalimutan na kaibigan ko kayo. Sana mapatawad nyo ako."
Gusto kong matawa sa mga sinasabi nya. Ang kapal naman nya para sabihin na mas maganda ng lumayo sya
"Nagiisip ka ba talaga marc? Akala ko ba matalino ka? Kaibigan ka namin kaya bakit mo ginagawa to lalo na kay steph? Saka correction lang ah? Hindi ka lumalayo sa amin kasi kusa kang lumayo ng hindi namin alam ang rason mo. Alam mo namang maiintindihan ka namin sa lahat ng bagay. Pero bakit ganito ang ginawa mo? Hindi kita kayang patawarin sa mga ginagawa mo lalo na kay steph dahil sya ang sobrang apektado dito. Hindi mo alam kung anong pinagdaanan nya ng dahil sayo. Ngayon wala syang masandalan sa mga problemang hinaharap nya. Saka kung para sayo ay hindi mo nakakalimutang kaibigan mo, pwes ako kaya kong kalimutan na naging kaibigan kita... na naging kaibigan ka namin."
Galit na galit si cath ng sabihin nya yun sa harap mismo ng muka ni marc. Hindi ko magawang pigilan si cath dahil ako mismo ay gustong sabihin ang mga bagay na yun kay marcus pero ayoko nalang magsalita.
Nagtaka naman ako ng hindi parin bumabalik si steph kaya tinawag ko si cath at nabaling ang atensyon nya sa akin. Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla ng maalala ko si steph.
"Halika na cath hanapin nalang natin si steph baka naisipan na mapagisa nun saglit kaya nakalimutan nya tayong balikan." Saad ko na kahit iba ang kutob ko sa mga nangyayare.
Umalis kami at sumunod rin sa amin si marc kaya hinayaan ko lang. Nang malapit na kami sa private pool ay may narinig akong sumigaw kaya napatakbo ako kasama sila cath at nakita namin si steph na nakalubog sa tubig.
"Steph!" Sigaw ko at tumalon sa pool para maiahon sya. Nataranta ako ng makitang puro karmot ang muka nya at putok ang labi nya may namumuo ding dugo sa gilid ng ulo nya kaya sumigaw ako kay cath na tumawag ng ambulansya.
"Papatayin kita gale! Anong ginawa mo sa kaibigan ko!" Sigaw ni cath pero biglang humarang si marc kaya napatingin ako sa kanya na galit na galit ang mata. Hindi ba nya nakikita ang nangyare kay steph at kinakampihan parin si gale.
"Wala akong kasalanan! Galing akong cr tas paglabas ko bigla nalang nya akong hinila at sinampal. Kung ano ano ng masasakit na salita ang sinabi nya sa akin. Nananahimik ako tas ganun ang gagawin nya sa akin. Ayoko na nga ng gulo pero sinimulan nya. Sya ang nauna at hindi ako. Balak nya akong itulak dyan pero nadulas sya kaya sya ang nahulog." Saad nya habang umiiyak akala mong nakakaawa at nagsumiksik pa sa gilid ni marcus.
"Sinong maniniwala sayong g*go ka ha! Kahit kanino ka magtanong alam kong ikaw ang nauna sa tuwing magkakabangga kayo ni steph. Kaya pwede ba wag kang magkunware na akala mo ay ikaw ang nasaktan dahil kung tutuusin si steph iyon. Alam mo? Baliw ka na Gale! May saltik kana at hindi kita mapapatawad kapag may nangyare kay Steph! Kung talagang sya ang nauna dapat ikaw ang napuruhan hindi sya. Kaya wag na wag kang magsisinungaling sa harap ko kung ayaw mong patayin kita dito!" Balak sanang sugudin ni cath si gale pero mabilis na naiharang ni marc ang sarili nya.
"STOP! Pwede ba tama na?! Malay nyo totoo ang sinasabi ni gale, na kaya nahulog si steph sa pool ay dahil nadulas sya. Saka hindi nyo ba nakikita na puro karmot din sya sa muka? Wag kayong mamintang dahil hindi nyo naman nakita ang mga nangyare."
Tuluyan ng kumulo ang dugo ko sa sinabi ni marc kaya tinawid ko ang distansya namin at sinapak ko sya. Hindi naman sya gumanti at hinayaan nya lang akong masapak sya.
"F*ck you! F*ck your reasons marc! Ibang klase ka, sa lahat ng taong nandidito ikaw lang ang totoong nakakakilala kay steph pero ano yang mga sinasabi mo ngayon! So pinapalabas mo na si steph ang nauna? Na kung tutuusin ay laging nagtitimpi si steph kahit punong puno na sya ng dahil sa pang bwibwisit sa kanya ni gale. T*ngna naman marc! si steph na ang napuruhan at na agrabyado pero si gale parin ang kinakampihan mo. Nagsisisi talaga kaming nakilala ka namin. Wag sanang dumating sa punto na pagsisisihan mo lahat ng ginawa mo dahil once na dumating ang araw na yun ay hinding hindi ka na talaga namin kilala. Magmula ngayon hindi kana namin kaibigan at magmula ngayon hinding hindi kana makakalapit sa amin lalo na kay steph. Walang kwenta ang paghingi mo ng sorry. Lalo kana, napaka walang kwenta mong kaibigan. Ito na ang huling beses na makakalapit ka sa amin."
After kong sabihin ang lahat ng iyon ay saka naman dumating ang ambulansya. Isinakay sya sa stretcher at ipinasok sa loob ng sasakyan. Marami ng nakatingin sa amin na mga kapwa namin estudyante at nagbubulungan. Basang basa ang damit ko pero wala akong pakealam ang mahalaga ay masamahan namin ngayon si steph. Tinawagan narin ni cath ang parents ni steph at papunta na sila sa hospital na pagpupuntahan sa kanya.
Binaling ko ang masama kong tingin kay gale at nagsimula ng maglakad palayo. Kasama ko si cath papuntang parking lot at sumakay sa sasakyan ko. Kaylangan na naming mapuntahan si steph dahil kaylangan nya kami. Nasa daan kami pero hindi parin tumitigil sa pag iyak si cath. Hinayaan ko nalang sya dahil maski ako ay nagaalala para kay steph

BINABASA MO ANG
I'm In Love with my Childhood Friend
Teen FictionEvery person has a soft heart, most especially women. They can fall for someone in just a snap of a finger. Because just showing importance and treat them like a princess is already a big deal for them. It's not really hard for women to be attached...