short story

98 3 1
                                    

Tik tok tik tok ~


Ilang oras na kong nganga dito sa guidance office na to. Gusto ko ng umuwi. Kumain at matulog sa malawak kong kama. -_____-
Kung minamalas ka nga naman eh noh! First time nga lang magcucutting nahuli pa. ( -___-)v
HAAAAAAAAAAAAAAY ~ !


"Ms. Grey.." Tawag saken ni Mrs. Rue na guidance counselor ng school na pinapasukan ko.

Liningon ko siya bago ko nakapagsalita. " Yes Maam? " May halong kabang tanong ko . Nakatingin lang ako sakanya at nagdarasal na saking utak na sana'y wag niyang ipapatawag ang parents ko. Malalagot ako neto eh. T_______T


"You can go now hija. Just make sure na hndi mo na uulitin tong ginawa mong pagcucutting class ah. Next time na mahuli ulit kita masisiguro ko sayo na pati parents mo makikita mo na dito sa ofice ko. Naitindihan mo ba?" Tuloy-tuloy na sabi ni Mrs. Rue sa tonong may halong pag-aalala at paggalit.


"Yes maam. Hindi na po mauulit." Sabi ko sabay yuko ng ulo ko. Nahihiya talaga ko! Takot ko lang talaga na ulitin pa to. -_- Kung tutuusin di ko naman gawain to eh. Kung di lang talaga kumalat yung ---------------- ARRRRRRRRRRG. NAKAKAHIYA TALAGAAA~


Muli kong sinulyapan ang relo na suot ko. Mga lampas sampung beses nakong tutunghay-tunghay sa relong to kanina. 


" ALAS-SINGKOOO NAAAAH?! " Singhal ko sa sarili ko ng mapagtantung hapon at uwian na pala.


Nagpaling-linga muna ko sa paligid. Wala ng masyadong estudyante. Agad kong tinungo ang classroom ko kung saan ko naiwan ang mga gamit ko.


Nakahinga ko ng maluwang ng malamang bukas pa ang classroom at hindi pa naka-lock.


Pumasok ako at pumunta sa kadulu-duluhan ng classroom kung san nandun ang desk ko na pinagpapatungan ng magulong gamit ko. -___-


Pag dating ko sa desk ko. Nakita kong sobrang kalat na ng mga gamit ko. 
ang notebook ko, puro sulat ng markers. Yung mga ballpen ko puro nakakalat sa sahig, yung iba putol-putol pa. HAAAAYY. Buhay nga naman ng inaapi. PSH~


"Bakit ka nagcutting?" Naihagis ko ang isa kong ballpen sa taong nasa may pinto sa sobrang gulat ko. nilingon ko ito at sa sobrang gulat ko ay hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Si Dwight pala. 


"Dahil ba sa kumakalat na tsismis?" Muli niyang tanong. Sobrang seryoso ng mukha niya.


Pero tama naman siya eh. Yun nga ang dahilan ng pagcucutting ko. Yung lintek na tsismis na yan. 
Tsismis na tungkol raw sa may sikreto kong pagtingin sa lalaking pinakasikat sa school namen. At yun ay si Dwight. ( _,_)


Sobra nila kong pinagtawanan at nilait. Kaya ko narin nagawang mag-cut class.


Ano nga namang karapatan kong magkagusto at mahalin ang oh so famous guy na si Dwight, na siya ring Bestfriend ko. Gayung isa lang naman akong dakilang nerd. (o-o)


Magkababata kami ni Dwight hanggang sa naging matalik na kaming magkaibigan. Pero nang maghighschool na kami, dun ko naramdaman ang strange feeling nato. Feelngs na dapat ng tuldukan dahil bestfriend lang ang tingin niya saken at di na hihigit pa dun. -___-


" Rin totoo ba? " May halong lungkot na tanong ni Dwight. Bakit parang di siya masaya na may gusto ko sakanya? Di ba nga dapat masaya pa siya dahil nadagdagan nanaman ang mga humahanga sa kanya. Pero bakit parang nalungkot siya sa nabalitaan niya?


Pano na Dwight kung sabihin ko sayong totoo nga ang lahat ng kumakalat? Pano kung sabihin ko sayong mahal nga kita? Pagmamahal na hindi lang basta pangbestfriend. Hindi lang basta pagmamahal mula sa kaibigan kundi pagmamahal ng isang babaeng umiibig.

Mahal ko. Bestfriend ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon