Poetry #1

12 0 0
                                    

                   Bitter's Poetry

Alas dose ng tanghale nang tayo'y magkita

Lakas ng tibok sa puso nahahalata

Kasi naman lagi mo na lang ako sinsalubong nang biglaan

Minsan ang reaksyon ko, anak ng echoserang palaka naman!

Nagyaya ka sa'kin na mamasyal tayo

Pero ang unahin dapat magsimba muna malapit sa inyo

Para kapag tayo ay pumasyal sa labas

Nasisiguradong tayo ay ligtas

Lumipas ang gabi bigla kang tumawag

Nang sinabi kong ayos lang ako pakiramdam mo'y lumuwag.

Pero ako naman ang nagsalita wala ka nang imik

Kaya ang usapan ay biglang natahimik

Linggo nang hapon pumunta ako sa bahay niyo

Sinalubong mo ako pero hindi maipinta ang mukha mo

Kasi naman anong oras na ako tuloy ang nagyaya

Hindi ko akalaing tatanggi ka at ang panghihinayang sayo nahahalata

Sumapit nang lunes bumangon ako

Nagpumilit ngumiti kahit hindi maganda ang kahapon

Ako pa ang pumunta sa inyo,hiyang hiiya naman ako sayo

Hindi naman sa malungkot,pero parang nakikiramay ang ambon

Dumating ako at nasalubong ka sa eskwela

Nagkunwaring nagtatampo para lumapit ka

Kaya lang nagulat na lang ako sa nangyari

Parang wala lang sayo na umiwas ako hindi tulad nang dati

Pumunta ka ulit sa classroom ko nang hapon

Gusto kitang sugurin at paghahampasin doon

Kasi naman,ano bang nangyayari sayo?

Kung may problema dapat sinasabi mo


Kinausap kita,mukha mo hindi maipinta

Wala na kong gustong gawin kundi ang sapakin ka

Dati nung malungkot ka open ka naman sa'kin

Pero ngayon sinasarili mo na ang dapat ay atin

Bigla ka na lang nagsalita at hindi na nagpaligoy ligoy

Luha ko'y pinigilan sa pagdaloy

Mga dahilan mo hindi ko maintindihan

Ito ang pinakayoko:Sa pag-ibig ay maging talunan

~

Hugot.

@GiaDii

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bitter's PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon