Chapter 2

5.5K 100 7
                                    

[Nichole’s POV]

 

Buong araw wala ako sa mood. Nakakainis lang kase!  Bukas four days na at hindi pa rin kami ni Miko. Nakaka inis talaga! Ilang buntong hininga ang pinakawalan ko para pakalmahin ang sarili. Pumunta na lang  ako sa comfort room para magpaganda.  Naglagay ako ng kunti lipstick para mas lalo pa ako maging dyosa at ka akit akit. Dahil medyo na s-stress ako sa ka torpe-han ni Miko. Palabas na sana ako sa cr ng may dalawang babae na tumawag sa pangalan ko.

“Nichole, congrats ah! Bagay na bagay kayo ni Miko” girl number  1

“Super as in, perfect match kayo!” girl number 2 habang kinikilig pa. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa mga pinagsasabi. Matutuwa ba ako? Kikiligin or maglulumpasay? Kase naman, hindi ba ni alam na “HINDI PA KAMI NI MIKO!” Nasasaktan na ang puso ko sa katutohanan na iyon huhu.

“Nang aasar ba kayo?” Mataray na tanong ko. Oo bitter ako ngayon. Kung kami na sana ni Miko baka  kiligin pa ako ng bongga. Nakita ko na nagulat sila sa inasal ko pero wala ako pakialam. Pero wait bakit ba ako nagagalit sa kanila. Isa ata sila sa mga fans namin dalawa ni Miko at tsaka alm ko naman na magiging kami na din…s-sana.

“thank you”  Ngumiti na lamang ako ng matamis sa dalawa at nagpasalamat. Nag smile din sila sa akin.  Muli ko naalala ang sinabi nung babae, perfect match daw kami  ni Miko accck kinikilig ako. Kaya utang na loob Miko sana mawala na iyan ka-torpehan mo, argh!

“Will you be my girlfriend?” halos mapatalon ako sa gulat ng may narinig ako boses ng lalaki. Shocks! Ang lakas ng heartbeat ko. Siya na ba ito? Siya na ba ito? Inayos ko muna ang sarili ko at agad na lumingon sa lalaki nagsalita. Halos mapanganga ako ng makita ang isang lalaki na nakaluhod at hawak hawak nito ang kamay ng girl. Kitang kita ko naman ang kilig ng babae.

Bigla nag init ang ulo ko at sa inis ko. Nilapitan ko sila at tinignan ng masama.  Mga walangya! Sa harapan ko pa talaga sila mag gaganyan! Pang asar lang? Arg! hNakita ko na gulat na gulat sila dalawa sa pagdating ko. Napasimangot ang girl ng makita ako, alam ko kung bakit dahil sinira ko ang moment nila.

Tinignan ko lamang iyong lalaki sabay kindat. Iyong nakakamatay ko kindat as in iyong mapang akit. Nakita ko na natulala ang guy sa kagandahan ko at maya maya pa namula iyong pisngi nito. Nang makita ng girl iyong nagging reaction nung guy ay napasimangot ito sabay kuha ng kamay niya at nag walk out. Hinabol naman siya nung guy. Palihim ako natawa, kindat lang iyon ha halos mahimatay siya sa kagandahan ko. I felt sorry doon sa girl, kase naman hindi ko naman kasalanan kung sadya maganda ako kesa sa kanya haha.

Pero bigla napawi ang mga ngiti ko ng maalala ang scene nila kanina. Napabuntong hininga ako. Naisip ko si Miko, kelan niya kaya kukunin ang kamay ko para maging girlfriend niya. Oo na ako na nag dyosa nagd-drama huhu.

Naglakad na ako papunta sa parking lot para kunin ang car ko at pumunta sa bench dahil may pictorial ako ngayon. Sabi ko nga di ba model ako. Sayang ang beauty kung hindi ma display sa public. Malapit na ako sa parking lot ng may nakita ako nagkakagulo doon malapit sa car ko at ang hindi ko alam kung bakit.  Ayaw ko nalang pansinin kase baka makawitness na naman ako ng scene na nakita ko kanina. Ayaw ko na makakita noon baka mamaya hindi ko na mapigilan ang sarili ko at magwawala na ako, Argh!

May AIDS ako?! [ONGOING STORY] by JwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon