Title: Tiyanak
Genre: HorrorKabilugan ng buwan, maliwanag ang gabi at napakalaki ang hugis nito. Kung iyong mamasdan ito tiyak ika'y kikilabutan. Isama mo pa ang lamig ng hangin at mga huni o ingay na di mo alam kung ito'y tinig ng ibon, pusa o iyak ng bata.
Sa isang probinsya na di kalayuan, may isang kwento o balita ang gumimbal sa bayan nila. May isang halimaw daw ang sumugod sa kanilang bayan, maraming tao na ang namatay. Nung una, di nila alam kung ano o sino ang dahilan ng pagkamatay ng mga tao rito at wala rin nagpapagala-galang mga tao pag abot ng dapit hapon lahat ay nasa loob na nang kani-kanilang bahay.
Sabi nila ang itsura daw ng halimaw ay mukhang sanggol at kalaunan nagiging tiyanak. Nakakatakot raw ang itsura nito, ang tutulis ng mga ngipin nito at naglalaway. Marahil ito ang magpapatunay na tiyanak nga ang bumulabog sa dating tahimik at masayang bayan. Ang bayan ng San Isidro.
•••••
May isang mag asawang nakatira sa baryong ito. Si Tonyo at Amanda, matagal na silang nag sasama. Napaka swerte ng mag asawang ito, bukod sa napaka ganda at marangyang buhay meron ang mga ito. May malalawak na sakahan, fish pond, at manggahan din sila. Marami rin silang mga tauhan sa kanilang mga lupain. Ngunit di sila masaya sa kung anong meron sila dahil ang kulang na lang sa kanila ay anak.
Sobrang sabik na ang mag asawa na magkaroon ng anak. Dahil dito isang gabi noon, malakas ang ulan at nawalan ng koryente ang bayan ng San Isidro.
May isang matandang babae na may suot na balabal na itim at may bit-bit na malaking basket ang pumasok sa Hasyenda ng mag asawa. Pumunta ito sa bahay ng mag-asawa, inilapag nito ang dalang basket sa harap ng pinto at nag doorbell saka mabilis na umalis.
"Uwaaaaahhhh..."
"Uwaaaahhhhh..."Isang malakas na iyak ng sanggol ang maririnig na kasabay nito ang malakas na kulog at malakas na ihip ng hangin. Maya-maya pa'y lumabas na ang mag-asawa na may dalang gasera at binuksan ang pinto.
"Tonyo! Isang sanggol!" Sabi ni Alma.
"Sino naman kaya ang mag-iiwan ng sanggol dito sa ganitong dis-oras ng gabi?" Nagtatakang tanong nito sa asawa.Agad nilang kinuha ang sanggol dahil sa baka mabasa ito ng ulan at magkasakit. Binihisan inalagaan nila ito na parang totoong anak.
Lumipas ang linggo, napagpasyahan nilang kumuha ng mag-aalga.
Si Betchay, beynte tres anyos ang nakuha nilang mag aalaga. Dalaga pero may experience narin sa pagiging Yaya.
"Baby, eto na si Yaya betchay mo! D'yan ka muna kay Yaya maiwan ha.. may pupuntahan lang kami ni Daddy babalik lang kami mamaya." Aniya ni Alma sa sanggol sabay halik sa pisngi nito.
"Betchay, kung nagugutom ka, kumain ka lang dyan ikaw na bahala dito may kasama ka naman ehh.. ang hardinero si Bitoy." Wika naman ni Tonyo.
"Ok po Sir!" Sagot ni Betchay. "Ako na po bahala kay baby wag na po kayo mag alala."
Masayang tugon nito sa mag amo at tumingin sa sanggol niyang bitbit.
Nang naka alis na ang mga amo nito, inilapag nya ang sanggol sa kuna upang timplahan ng gatas ang sanggol. Laking gulat nito ng pagbalik ay wala na ang sanggol sa kuna nito. Nagtaka si Betchay, hinanap n'ya ang sanggol kahit saan di niya makita. Nakatayo si Betchay sa tabi ng kuna at alalang-alala.
"Naku, asan na si baby iniwan ko lang yun dito ehh.." Wika nito na kinakabahan.
Dali-dali siyang bumaba at hinanap si Bitoy, ang hardinero. Takbong-takbo ito papunta sa garden at nagsisigaw.
"Bittoooyyy..."
"Bittoooyyy!"
"Huhuhuhu..." paiyak na sabi nito."Bitoy!" Muling sigaw ng dalaga.
YOU ARE READING
TIYANAK
HorrorGawa-gawa lng po ito ng aking munting imahinasyon kung meron man itong pag kakatulad sa mga istoryang na basa nyo dati siguro po ay papular na sa atin ito. Ganun pa man nais Kong mabasa nyo po ito, sana matuwa kayo at thank u 😘🐷❤❤❤