Unang araw ni Taki sa paaralan bilang 1st year college. Sobrang excited ni Taki na magkaroon ng mga bagong kaibigan at maging varsity ng Volleyball.
*unang klase ni Taki*
Sabe ng propesor "Okay class, introduce yourself" nanguna si Taki sa pagpapakilala "Goodmorning po, My name is Taki Ysabelle C. Mayson" pagkasabi niya nito ay mayroong grupo ng lalake sa likod na napatitig at napatigil. Pagkaupo ni Taki ay kinausap sya ni Jannet at nagpakilala
"Hi ako si Jannet pwede ba tayong maging magkaibigan?"
"Oo naman" sagot ni Taki.Simula nang araw na iyon ay lagi nang magkasama si Taki at Jannet.
Pagkauwi ni Taki sa bahay ay agad siyang nag kuwento sa kanyang pamilya sa hapagkainan habang kumakain ng hapunan patungkol sa kanyang naging araw sa panibagong eskwelahan.(Sa Dinning Room)
"Mommy alam mo ba meron agad akong naging kaibigan sa school kanina"
"Ah talaga? Sino ito?"
"Si Jannet po. Ang bait nya po sa akin. Sana nga po maging magkaibigan kami ng matalik. Pero mommy may isa kaming kaklase na ang tahimik at walang kasama, kawawa naman siya"
"Oh, samahan nyo nalang bukas baka transferee din"Napakasaya ni Taki sa U.P dahil marami syang gustong maging kaibigan at isa na dito si Chris dahil napansin nyang wala ito masyado kasama kanina sa campus at nacurious sya kung bakit siya nagiisa.
(Sa kuwarto ni Taki)
*Tumawag si Jannet kay Taki*
"Hello?"
"Taki..."
"Oh Jannet napatawag ka "
"Gusto ko lang sana itanong kung pwede tayo magsama bukas sa campus? wala pa kasi ako masyado kakilala eh"
"Oo naman! walang problema"Pagkababa ng telepono ni Taki ay may narinig siyang sigaw mula sa baba, kaya't agad niya 'tong pinuntahan.
Naabutan ni Taki na nagaaway ang kanyang mga magulang tungkol sa pinansyal na bagay. Hindi kinibo ni Taki ang sigawan dahil simula pa noong bata pa siya ay lagi naman nanf nagaaway ang kanyang mga magulang.(kinabukasan sa U.P Campus)
Dali-daling niyakap ni Jannet si Taki at agad silang dumeretso sa silid aralan. Pagkapasok nila ng silid aralan ay nakasalubong nila si Chris na tila walang imik at tahimik. Pagkaupo ay kinausap agad ni Taki si Chris ngunit hindi ito kumikibo. Nagalit pa nga'y dahil naistorbo siya sa kanyang ginagawa. Umalis nalang si Taki at humingi ng paumanhin sa pagistorbo sakanya
(Habang klase)
Nagalet ang kanilang propesor dahil may mga grupo nanaman ng mga lalake na nagkukulitan at nagaasaran na nakakagulo sa klase. Sabe ng propesor.
"Hoy! Anong ginagawa nyo diyan? Ang iingay ninyo! Labas!"
*Patuloy na nagtatawanan ang nga lalake habang palabas ng silid*
Pagdating ng recess agad na nilapitan ni Taki ang mga lalake at nagpakilala.
"Hi! Ako nga pala si Taki"
Ngunit biglang walang kibo ang mga lalake tila ba parang naging anghel ang kanilang mga mukha na nahihiya. Umalis na lamang si Taki dahil hindi sya pinansin ng mga ito. Pagka-alis ni Taki ay nagbulungan ang mga lalake.
Kenneth: Grabe pare wala man lang tayo nasabi. Nakakahiya!
JB: Hay pare ang ganda niya!
Matthew: Ang bait niya pa kinausap nya pa tayo.
Aeron: Oo nga nakakahiya sobra, magsorry tayo mamaya.Nang pauwi na ay nakasalubong ng mga lalake si Taki at natatarantang lumapit sakanya ang mga ito't sabay-sabay na sinabing "Sorry Taki" sabay-sabay silang nagsasalita at nagpapaliwanang kaya naman pinatahimik sila ni Taki at sinabing "Okay lang naman 'di ninyo kailangan humingi ng paumanhin" sabay ngiti at umalis. Kilig na kilig sina JB, Kenneth, Matthew, at Aeron. Nagsisisihan pang hindi nila ito nakausap ng maayos sa sobrang kaba.
BINABASA MO ANG
Campus Buddies
RandomMay isang babae na sobrang pala-kaibigan, isang mabuting anak at matalino. Miyembro sya ng isa sa mga mayayaman na pamilya ngunit tradisyon sakanila ang Fixed Marriage.