Trabaho

5 0 0
                                    

Ako si Mark Protacio, ako ay isang lalaki na ang edad ay 6 ako ay mahilig sa mga pagkain na matatamis at masasarap. Ako ay bata pa pero marunong ako sumunod sa aking mga magulang. Ang aking mga magulang ay sila Jose ang aking ama at Ana naman ang pangalan ng aking ina ako ay may maayos na pamumuhay at may maayos na bahay. Ako ay nag aaral sa eskwelahan at matataas ang aking mga grado kasi ako ay nakikinig sa aking mga guro kaya ako nakakukuha ng matataas na grado. Nagpatuloy ang aking matataas na grado hanggang sa ako ay makapagtapos ng pag-aaral ang trabahong aking kinuha ay ang pagiging piloto dahil tapos na ako sa pag-aaral.

Paano ako naging piloto ganito nung naghahanap ako ng trabaho ay marami akong tinry na pwedeng pasukan. Ito ang aking buhay bago ako maging piloto nung tapos na ako sa pag-aaral ay naghanap ako sa internet ng mga pwedeng gawin pagkatapos sa pag-aaral at nakita ko sa internet ay pwede kang mag ehersisyo at pagkatapos ay maghanap ng trabaho para magkaroon ako ng pera, kaya ganoon ang ginawa ko. Sa kinabukas ay nagising ako ng mga 6:00 sa umaga kumain ako ng almusal at ako ay pumunta na sa labas para ako ay makapag ehersisyo lumabas ako nagpaalam ako kay ina "Ina ako ay lalabas para mag ehersisyo" ang sinabi ko sa aking ina at ang sabi naman ng aking ina ay "Ghe anak ako nalang ang magsasarado ng pintuan pagkalabas mo mag ingat ka anak" at lumabas na ako at ako ay tumakbo na habang tumatakbo ako ay marami akong nakikita na mga tao na matagumpay sa buhay merong may mga kotse na umaabot ng hanggang apat at may mga tao ring may mga malalaking mga bahay. Inisip ko ay "ano kaya ang ginawa nila para sila ay maging matagumpay sa kanilang mga buhay" habang ako ay tumatakbo ay may nakita rin akong mga tao na namamalimos sa tabi ng mga kalsada at naisip ko ay "bakit ang buhay nila ay ganyan kumpara sa mga taong may mga kotse at bahay ano ang ginawa nila para maging ganoon ang kanilang mga buhay" dahil sa pag-iisip ko ng mga ganoong mga bagay ay bumalik na ako sa bahay para ako makaligo na at maghanap ng trabaho para maging maganda ang aking buhay. Nakabalik na ako sa bahay pumunta ako sa aking higaan ,nagpahinga at pumunta sa cr para makaligo pagkatapos ko maligo ay nagdamit ako para makapaghanap ng trabaho na pwedeng pasukan kaya umalis ulit ako mga 10:00 na ng umaga iyon at maydala akong resume para ako ay makapasok sa isang trabaho.

Habang ako ay naglalakad ay naghahanap ako ng mga pwedeng pasukan na trabaho at may nakita ako sa internet na "Pilot for hire" at ng pumunta ako sa iyon ay nagkaroon ng interview pinakita ko ang aking resume ng may paggalang at nagsalita rin ako ng may respeto na may po at opo sa nag iinterview sa akin pero dahil di ako nag-aral ng pagiging piloto ay di ako na tanggap sa trabahong iyon kaya ang ginawa ko ay ako ay nagpasalamat at ako ay umalis na para maghanap pa ng pwedeng pasukan na trabaho pero ang nasa isip ko ay maging piloto kaya pagkauwi ko ay sinabi ko sa aking mga magulang "Ama at Ina pwede niyo po ba akong pag-aralin ng piloto gusto ko po kasi maging piloto" ang sagot naman ng aking mga magulang ay "Ghe anak mag-aral ka ng pagiging piloto sususportahan kanimin sa iyong pag- aaral". Pinayagan ako ng aking mga magulang na mag-aral ng pagiging piloto kaya naghintay ako hanggang sa magpasukan na pero bago mag pasukan ay ako ay nageehersisyo kaya sa unang araw ng pasukan ay maayos ang aking katawan at ako ay nagaganahan mag aral ulit para ako ay maging piloto kaya sa 5 taon na pag-aaral at palaging mataas ang aking grado dahil ginagalang ko ang aking mga guro at tinutulungan ko sila at ako ay masaya sa aking ginagawa kaya natapos ko ang aking pagiging piloto. Pagkatapos ng araw na iyon ay nagpasalamat ako sa aking mga magulang dahil sila ang nagpaaral saakin. Kinabukasan ay nag ehersisyo ako at bumalik sa bahay para maligo at maghanap ng trabahong pwedeng pasukan nagpaalam ulit ako sa aking ina "Ina ako ay lalabas para maghanap ng trabaho" at ang sagot ng aking ina ay "Ghe anak mag ingat ka wag mag papaabot ng gabi" at ako ay umalis na at habang ako ay naglalakad ay naghanap ulit ako sa internet ng pwedeng mapasukang trabaho at nakita ko ulit ang nakita ko noon na ang "Pilot for hire" pumunta ulit ako doon at pinakita ko ang aking resume ng may paggalang at ininterview ulit ako ng nag interview saaking noon at ang kanyang sinabi "Ikaw yung ininterview ko noon mukhang lumaki ang iyong katawan at siguro nagaral ka ng pagiging piloto" at sinabi ko "Opo ako po iyon at opo rin nagaral po ako ng piloto dahil gusto ko po maging piloto balang araw" at ininterview na ako at sa pagkatapos ng interview ng interview siya ay ngumiti at sinabi saakin "Ikaw ay pasok na sa pagiging piloto pwede kana magsimula sa susunod na linggo" at ako naman ay nagpasalamat "Maraming maraming salamat po at nagkaroon narin ako ng trabaho at ang aking pinapangarap na trabaho maraming salamat po" at ako na ay umalis na nakangiti at hinintay ko ang susunod na linggo. Linggo na iyon at ako na ay papasok na sa trabaho nasabi ko na rin sa aking mga magulang na meron na akong trabaho at ang trabaho ko ay piloto at ang aking mga magulang ay naging masaya at naging masaya sila para saakin at kami ay nagcelebrate ng pagkakaroon ko ng trabaho. Papasok na ako sa trabaho at pumunta na ako sa loob ng eroplano para maipalipad ko na at ako ay masaya dahil makakapagpalipad na rin ako ng eroplano ng totoo di test drive o kahit ano totoong eroplano at iyon sinarado na ang mga pintuan ng eroplano chinceck ko status ng eroplano kung maayos ba lahat at pagkatapos ay pinalipad ko na ang eroplano at sinabi ko sa mic "This is your captain speaking..." at pagkatapos ay pinasaya ko sila hanggang sa makapunta sa kanilang patutunguhan at sa araw rin na iyon ay nakita ko ang isang flight attendant na babae na maganda sa unang araw na iyon.

At makalipas ang 1 taon ay niligawan ko ang flight attendant iyon at na promote ako dahil sa pagiging masiyahin ko at ginagalang ko ang aking mga pasahero sa eroplano at ang flight attendant na iyon ay niligawan ko at pinakasalan ko pagkatapos ng isa pang taon at kami ay mag asawa na may isang anak at merong malaking bahay na may 3 kotse at masaya ako sa aking buhay. Ganito ako hanggang sa ako ay naging piloto at nagkaroon ng asawa at anak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TrabahoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon