Chapter 35

87.7K 1.7K 203
                                    

Chapter 35
***

Nakapikit ako ngayon habang inaayos ang makeup ko. Prom na namin ngayon pero mas excited ako bukas sa pag bisita ko ulit Kay Teo.

Dinilat ko na ang Mata ko ng sabihin ng baklang makeup artist na pwede na akong dumilat.

Maliit akong napangiti ng Makita ko ang sarili sa salamin.

Ang ganda ng makeup ko. Light lang Kaya mas bumagay sakin.

"Omygod! Para ka talagang dyosa!" Manghang Sabi ng makeup artist sakin.

Nginitian ko lang sya at pasimpleng kinuha ang cellphone ko at nag picture.

Ano kayang masasabi ni Teo sa makeup ko?

Napangiti ako sa magiging reaction ni Teo.

Napalingon ako sa pinto ng pumasok si Lola at mommy theresa at parehas na Hindi makapaniwala akong tinignan.

"Kaya sobrang baliw si Teo sayo."

"Ganyan din ako kaganda nung dalaga ako."

Sabay na Sabi nila Kaya tatlo kaming natawa.

Masaya ako na magkasundo si mommy theresa at si Lola.

Masaya din ako na binibisita ako ni mommy theresa dito kahit na pagnakikita nya si papa ay malamig nya lang tong tinitignan.

Parehas nila akong tinulungan tumayo ng Oras na para mag bihis ako.

Puting gown ang susuotin ko. Long sleeve at may mahabang v-cut sa dibdib bagay sa buhok ko na mababa ang pagkaka-pusod at may mga takas na buhok.

Nang masuot ko na mangha nila akong tinignan.

"Para ka talagang dyosa Apo." Manghang Sabi ni Lola sakin.

Nilingon ko si mommy theresa ng may kinuha sya sa bag nya. Namangha ako ng ipakita nya sakin ang magandang gold na kwintas.

"Suotin mo to hija. Babagay to sa suot mo." Masayang Sabi ni mommy theresa at pumunta sa likod ko at sinuot sakin ang kwintas.

Habang sinusuot ni mommy theresa ang kwintas ay Pinapanuod ko sa salamin ang sarili.

Bagay nga ang kwintas.

"Ayy syempre May ibibigay din ako sa napakaganda Kong Apo." Sabi ni Lola at nilabas sa bag nya ang luma ng jewelry box.

"Ang daming naiinggit saking kababaihan pag suot ko ito ng panahon ko." Sabi ni Lola at mahinang tumawa. Kinuha nya sa jewelry box ang gold din na hikaw na sobrang ganda.

Kinuha ni Lola ang kamay ko at nilagay ang hikaw sa palad ko.

Excited Kong sinuot ang hikaw at napangiti ako ng mas nag mukhang elegante ang suot ko dahil sa binigay ni mommy theresa at Lola.

"Thank you po Lola at mommy theresa" masaya Kong Sabi at parehas silang niyakap.

Napaangat ako ng tingin sa pinto at nakita ko si papa na masayang nakatingin samin.

"Papa." Tawag ko sakanya.

"Sebastian tignan mo ang anak mo sobrang ganda." Tawag ni Lola Kay papa.

Lumapit si papa samin Kaya pasimple Kong tinignan si mommy theresa na natahimik.

"Ang ganda mo anak. Kamukang kamuka mo si Cecilia." Puri ni papa sakin.

Nangilid ang Luha ko ng marinig ko ang pangalan ni mama Kaya niyakap ko si papa.

Namimiss ko na si mama.

HAVING CEO'S BABY [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon