"Hi, Mom, Dad!" bati nito habang nakatuon ang tingin sa ginagawa.
Eksaktong lumabas mula sa kitchen si Yaya Santina at masayang bumati sa kanila. "Eksakto lang ang dating ninyong dalawa nakahanda na ang dining table. Maghapunan na tayo,"
Lumapit si Shantal at Brent kay Denise sabay halik sa pisngi ng anak.
"Maya na konti, Yaya! Magbibihis lang kami ni Brent," tugon ni Shantal.
"Okay, hihintayin na namin kayo. Sige na magbihis na kayong dalawa ni Brent, babalik lang ako sa kitchen," Yaya Santina vanished quickly.
"Anak anong ginagawa mo?" baling nito kay Denise.
"Nag-eedit ako ng video ko Mommy. I-u-upload ko sa Youtube Channel ko!" tugon nito na hindi pa rin lumingon sa ina.
"Itigil mo muna iyan, kakain na tayo pagkababa namin ng Daddy mo," tugon ni Shantal.
Nag-angat ng tingin si Denise at napansin nito ang nakasimangot na mukha ng ina. "Nagkatampuhan na naman kayong dalawa ni Dad? Nakasimangot ang mukha mo Mommy, anong nangyari sa inyong dalawa?" tinapunan ng tingin ni Denise ang tahimik na ama.
"Aakyat na kami para magbihis!" Iwas ni Shantal sa tanong ng anak at hindi nilingon si Brent at diretsong umakyat sa hagdan papuntang kwarto.
Naiiling si Brent na iniwan sa sala at sinundan ng tingin ang papalayong asawa. "Maldita talaga ang Mommy mo!" bulong nito sa anak.
"Huh?! Dad, ngayon po na-realize? Matagal ng maldita yun. Anong nangyari at nakasimangot na naman iyon?" curious na tanong ni Denise.
"Baka nag-menopause na ang Mommy mo kaya mainit ang ulo!" nakangiting biro ni Brent sabay kindat sa anak.
"Hahaha! Seryoso? Daddy talaga, marinig ka!" lumapit si Denise sa ama at yumakap dito.
"Hush! Biro lang iyon. Nagtatampo sa akin iyon dahil pakiramdam nya kinakampihan ko si Ivana. Sensitive masyado ang Mommy mo kapag si Ivana ang pinag-uusapan," tugon ni Brent.
"Lagi namang ganon iyon, hindi pa nakakapag-let go. Kaya nga ayaw kong sabihin sa kanya na magkasama at magkaibigan kami ulit ni Ivana kasi alam kong papagalitan ako noon!" nakangiting tugon ni Denise sa ama.
"Kaya dapat di mo babanggitin muna sa Mommy mo ang pagkakalapit ninyo ulit ni Ivana. Ako nang bahala sa Mommy ninyo dahil kaya kong intindihin ang tantrums noon," Brent patted her daughter's shoulder.
"Si Mommy ang daming hang-ups sa buhay. Dad, hanga ako sayo kasi nagawa mong intindihin lahat ng kapraningan nya minsan. Di ko nga lubos maisip paano mo minahal at pinagtiyagaan ang Mommy sa haba ng panahon ninyong dalawa bilang mag-asawa," tanong ng bunso nya.
"I love your Mom, so much! At saka pinagbibigyan ko na lang parati kasi spoiled brat iyon. Kahit noong kabataan namin maldita na talaga ang Mommy ninyo,"
"In love ka lang Dad kaya mo nagawang pakibagayan ang ugali ni Mommy. How I wish one day, I could find someone like you!" nakangiting tugon nito.
"Of course, you can! Unahin mo muna ang pag-aaral mo saka ang bagay na iyan. Marami ka pang dapat gawin at pagdadaanan, anak! Mahal ko kayong dalawa ng kuya mo. Kayo ang lakas ko lagi at and of course ang Mommy ninyo. Kaya kahit may sumpong iyon pinagtitiyagaan ko dahil matanda na kami pareho at mahal ko lang ang Mommy ninyo," nakangiting tugon ni Brent.
Bago pa makasagot si Denise bumaba na ng hagdan ang Mommy nya.
"Santillian, wala ka bang balak magbihis? Kanina pa kita inantay sa kwarto pero nakipag-daldalan ka pa sa bunso natin,"
YOU ARE READING
LOVE & REVENGE- THE RETURN OF THE HEIRESS
Roman d'amourIvana Huo, a sole descendant of a big conglomerate which rises in the city of Beijing. Her family business cost billions of dollars and she lived a comfortable life since childhood. Her Filipina mother had a big influence on her life but at a young...