Hate him first. Love him last.

136 3 3
                                    

================================================Chapter 1 ^_^

"Dear Kyle,

Hoy! Nakakainis ka! Ang feeler mo sobra. Feeling mo crush kita kahit hindi naman..."

Ooops! Bago yan, balikan muna natin ang nangyari...

__________
•Cherry's POV
___________

*knock knock*

Ayyy? Ano ba yan! Natutulog ako e. Hi, ako nga pala si Cherraya Yvette M. Aguilar. CHERRaya Yvette kaya naging Cherry. Eto may isa akong kapatid. Si Bella. 8 years old palang siya. Ako naman...

*knock knock*

"Oo! Sandali lang!" Hay nako ano ba kailangan nitong batang to?

"Ate! Tulungan mo ko sa assignment ko!"

"Tungkol saan ba yan?"

"Addition!!!"

"Addition!? 8 years old ka na tapos di ka parin marunong mag add???"

"Joke lang. Gusto ko lang makipaglaro ng volleyball sayo"

"Ah sige."

Tapos ayon, naglaro na kami ng volleyball. Hay. May 29 na! Sulit-sulitin na tong bakasyon sayang naman kung palagi nalang ako nakakulong sa kwarto diba?

*makalipas ang 2 oras*

"Pagod na ko. Mamaya na ulit."

"Okay ate!" Mabuti naman at tumahimik na tong batang to.

Ilang araw nalang pasukan na hay. Teka... DI PA PALA AKO NAKAKAPAG ENROLL NAKOOO!

1st Year na ako sa pasukan. Lumipat na kasi kami ng bahay kaya syempre, lilipat na rin ako ng school. Nakatira kami sa Taguig pero since lumipat na nga kami, nandito na kami ngayon
sa Marikina.

"CHER!" Nako, tawag ako ni mommy. Cher(sher)? Nickname ko yan. Oh diba, Cherry na nga, pinaikli pa!

"Yes, mother?"

"Mag eenroll na tayo dali"

Yehey! Sa wakas! Nakakamiss din kasi pumasok. Well, actually, yun ang sinasabi ng karamihan pero sa gitna ng school year, sasabihin nila gusto na nila mag bakasyon. Hay! Bakit kaya ganon?

"Hoy! Dalian mo!"

"Ay, yes Mother! Eto na!"

*after 3 mins (nasa school na)*

Wow. Ang lapit lang ng school. Walking distance. Pwede! Exercise to sa umaga!

*makalipas ang isang libong minuto*

Hay natapos rin mag enroll! Grabe kasi. Ang daming proseso! Papunta na kaming mall ngayon para bumili ng mga gamit. Yehey! Nakakatuwa talaga pag bago lahat ng gamit no?

June 11 daw ang pasukan. Nako... Get Ready...
======================================================
Chapter 2 ^_^

1st day ko sa school. Halos lahat ng estudyante bago. Medyo nahihiya pa ako.

"Ms. Aguilar, anong section mo?"

"Uhh, ano po... Section 1-Violet po."

"Hindi nakalista yung pangalan mo dito e. Baba ka muna tapos itanong mo yung section mo ha?"

"Opo. Sige po."

Grabe naman! Nakakahiya talaga! Section 1 ba talaga ako??? Oo naman matalino ako. Sabi kasi sakin nung nagenroll ako, section 1 ako. E bakit wala ako sa listahan?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hate him first. Love him last.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon