Beside You

60 2 0
                                    

I stood there looking at his pleading eyes. Nakakatitig lang din siya sa akin, hindi makapaniwala sa sinabi ko.

I looked away and let out a breath. "I'm sorry." I finally said.

Umiling siya at tinignan ang sahig. Hindi ko alam kung naramdaman niyang gagawin ko ito at nakapaghanda na siya o nasurpresa talaga siya sa ipinakita ko.

Tumingin siya sa akin at napasinghap ako nung nakita ko ang nagbabadyang tumulong luha sa kanyang mata. Lumapit siya at hinawakan ang magkabilang braso ko. "Why?" He said as I bit my lip. 

I looked away. He searched for my eyes. "Tell me why, Dawn! Is it because of him?" Tanong niya at nakita kong tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha. 

Parang sa mga napapanood sa tv ang mga salitang lumabas sa bibig niya. Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Alam kong hindi siya maniniwala kung sasabihin ko sa kanya ang totoong rason kung bakit ko ito ginagawa. Hindi ko siya kayang tignan na umiiyak. Hindi ko siya kayang tignan na nasasaktan. 

Lumunok ako at tinignan siya straight in his eyes. Parang piniga yung puso ko nung nakita ko yung estado niya. Why did it have to end like this? Or should I say, why did I let it come to this?

"I'm sorry." Pag-uulit ko at tinanggal ang mga kamay niyang nakahawak sa braso ko. "It's over." Pagpapatuloy ko at tinalikuran siya.

He reached for my waist and locked me in his hug. "Dawn, please." He said. "Sabihin mo sa akin kung bakit. Please." Nanginig ang boses niya pagkasabi nito. 

I felt a tear run down my cheek. I wasn't sure if I'm making the right decision. I wan't sure if hurting him was the right choice. Things just didn't happen. I never wanted to hurt him. Never. 

But then again...

I already have. 

----------

For the newbies,

This is the first chapter (I don't even know if this counts as a chapter but let's just call it that), however, this is not the original. I wrote 4 chapters before I started writing this one.

For the oldbies,

Sorry ngayon ko lang ito na-publish. Sa mga nakabasa na ng chapters one to four, humihingi ako ng paumanhin dahil ngayon ko lang to sinulat. Wag kayong mag-alala, hindi naman relevant tong part na to sa mga chapters na yun.

Happy reading! 

Mags 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beside YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon