Kaya pumunta ako sa kung saan nagpupulong ang mga alilang tao ng mga gods at iba pang utopian citizen, sa Holy Grail.
Maligaya ang mga ilaw sa paligid na gawa ng mga fairy, sila yung nagpapailaw sa buong lugar na ito. Kasi may mga inumin, mga nagkakantahan at nagsasayawan.
Naupo na ako sa isang bench kung saan nandoon ang mga naging kaibigan ko sa lugar na ito.
"Anong mukha yan?" Tanong ni Eisa.
"Mukha ng kaluluwang hindi na talaga makakabalik sa timeline niya dahil wawasakin na ito ng God of time." Malungkot kong sabi.
Napasinghap ang mga kaibigan ko sa mesa at natahimik sila.
"Sigurado na ba? Baka naman hindi pa aprubado ng Council." Sabat ni Trevo.
Tumango ako.
"Kilala ko ang boss ko. Isang beses lang siya magdesisyon at kapag tinanong siya kung ano nalang ang masasabi niya, final na iyon."
Hinimas ni Galen ang likod ko dahil umiiyak na ako. Ang sama ng loob ko. Limang taon ako nagtrabaho, nagpaalila para makabalik sa timeline ko. Tapos ang ending wawasakin lang din pala ng God of Time.
Tapos parang nakalimutan niya pa ang pinangako niya sa aking tutulungan niya akong makabalik basta matapos ko ang sampung taon na magtatrabaho ako sa kanya.
"Eh ano ng gagawin mo ngayon kung final na pala?" Tanong ni Galen.
Napayuko ako lalo sa tinanong niya.
"Wala na rin naman akong gagawin dito, edi malamang magpapalista na ako sa Ministry of Dead Souls, tutal limang taon na naman akong kaluluwa."
Yes, sa lugar na ito ang kaluluwa ay para paring tao dito, nakikita ng iba pero kadalasan ng katulad kong matagal ng patay ay nagtatrabaho sa iba't-ibang gods, yung iba katulad ko ang rason, yung iba ay dahil kailangan talaga ng gods ng magtatrabaho para sa kanila.
Yung iba mga ipinagbiling kaluluwa, yung iba ayaw mapunta sa panglimang lebel ng lugar ni Hades kaya nireredeem nila ang sarili nila sa paraan ng pagtatrabaho para sa mga gods.
"Bakit naman napakaimpulsive mong babae ka? Bakit hindi mo nalang ituloy ang pagtatrabaho mo kay Chronos? Tutal nakapasok ka na naman doon. Alam mong mahirap maghanap ng trabaho ngayon para sa mga katulad nating kaluluwa."
Oo, kung tao palang kami mahirap ng humanap ng trabaho, paano pa yung mga patay na gusto pang mabuhay diba?
Kung nung buhay kami, kumakayod para may makain, para sa pera pang gastos, ngayong patay na kami ay kumakayod kami para mapunta kami sa Elysium. (Para lang to sa mga taong diretso talaga kung nasaan si Hades. Eh ayaw ng lahat doon kaya eto kami nagtatrabaho.) Ako dapat diretso ako sa pandemonium kasi hindi nasunod ang tamang paraan ng pagkakamatay ko at kasalanan ko daw iyon. Dahil sa isang maling desisyon naging ganito.
"Wala na ngang purpose te. Saka malay mo sa Elysium ako mapunta. Mabuting tao kaya ako nung buhay pa ako." Hirit ko pa. Saka siguro sapat na yung limang taon ata kong pagtitiis kay Boss Chronos.
"Weh, eh bakit ngayong patay ka na parang sumama ka atang kaluluwa?" Biro ni Jesa at nagtawanan kaming lahat.
"Alam mo, pasalamat ka minumulto pa kita."
Nagtawanan ulit sa table namin at para bang nakalimutan namin ang problema ko.
"Ay! May narinig pala akong chika kanina." Masiglang sabi ni Jesa na nagpaangat sa amin ng mata.
"Anong chika yan? Baka naman may bago na namang nabuntis si Zeus. Hay nako, walang kapanapanahon sayo, Jesa." Sabi ni Eisa.
"Ikaw ngang mahadera ka manahimik ka." Sabi niya kay Eisa. Natawa ako sa kanila tapos hinarap ako ni Jesa. "Eto kasi, may chismis kanina sa may bungad ng pandemonium. May mga kaluluwa daw na papalayin mamaya si Hades kasi trip niya lang."
"Weh, seryoso ka?" Tanong ni Trevo.
"Lakas trip talaga ni Boss Hades." Sabi ni Galen.
Medyo nagulat din kami sa impormasyon.
"Oo nga, sabi sa lupa daw sila papalayain. Kapag nagkataon iyon, bubuksan ang Sphinx of Timelines."
Napaisip ako doon.
"Kung ganoon pwede akong sumabay sa kanila!" Pagtatanto ko.
Silang apat ay tumingin sa akin at nakasimangot.
"Hoy, hindi ko to sinabi sayo para gawin mo. Mapapahamak ka kapag ginawa mo iyon. Hindi ka naman kabilang sa listahan ng mga Pandemonium prisoners. Malalaman nila 'yon." Sabat ni Jesa.
"Tsaka kapag binuksan ang Sphinx of Timelines nando'n ang boss mo." Sabi ni Trevo.
"At alam mong kasalanan iyon. Kapag nahuli ka nila ay sa pinakailaliman ka ng Pandemonium, bahala ka. Alam mong Torture Level yun ng impyerno." Imporma ni Eisa.
"Grabe guys huh, napakasupportive niyo. Damang-dama ko talaga." Sarkastiko kong sabi.
Nang biglang ngumiti si Jesa.
"Creepy mo sist." Sabi ko.
Nagtawanan sila.
"Leche. Alam mong hindi ko naman to sasabihin sayo kung hindi kita tutulungan hindi ba?"
Doon na ako nabuhayan sa sinabi ng kaibigan. Lalo akong natuwa nang nakita kong nagkaisa na ang mga kaibigan ko at parang oo sila sa magiging plano.
"Tutulungan mo ako? Seryoso?"
"Paulit-ulit te? Obvious naman, alam naming gusto mo ng bumalik sa timeline mo." Napayakap nalang ako kay Jesa.
"Eh anong gagawin natin? Paano?"
"Alam ko didilim daw mamaya, para hindi makita nila Zeus na may magaganap. Kapag tumilaok ang alagang manok ni Hades. Maririnig naman yun sa bungad ng pandemonium. Tapos doon na magsisimula ang pagpapakawala sa mga kaluluwa. Saglit lang daw iyon, mga limang segundo, kung sa tingin mo papalya ka, I suggest wag mo nalang gawin kasi maraming magtutulukan no'n."
Sinabi niya pa sa akin kung anong mangyayari at paano ako tutulungan ng mga kaibigan ko. Hindi na ako mapakali, excited na akong makabalik sa timeline ko.
Kaya nagmadali akong bumalik sa Land of Time. Kung saan nakatayo ang mga building ni Chronos na incharge sa Time and Space ng lahat ng nabubuhay sa lupa.
Mabilis akong nagsulat.
Kailangan kong gumawa ng letter of resignation para mabawasan ang kasalanan ko dahil kapag oras ko na talaga babalik talaga ako sa paglilitis. Titingnan nila ang mga nagawa kong kasalanan, nung nabubuhay pa ako hanggang sa katulad ng case ko na namatay na at sinusubukan pa ulit mabuhay.
Mabilis ko lang itinago sa ilalim na drawer ni Chronos ang resignation letter ko. Hindi niya ginagalaw iyon, saka pwede niyang sunugin iyon kapag natagpuan niya habang wala ako.
Kaya dapat matagpuan niya iyon kapag bumalik ako dito na namatay sa tamang oras.
Tapos nagmadali akong pumunta kung saan ang meeting place naming magkakaibigan.
At pagdating ko nga sa border ng pandemonium at middle utopia ay napansin kong nagiging madilim na ang parte doon.
Kaya tinakbo ko na ito.
Yan ang mahirap sa mundong walang oras.
Kailangan mong tantyahin, kailangan mong mangapa.
Hanggang sa nakarating na ako doon.
+++++
idk, but i don't read stories on watty anymore only the stories I wrote
BINABASA MO ANG
Chaos with the Gods
FantasyShe's dead. She was just a wandering soul who can not accept the fact that she is already dead. That is why she started working for the God of Time, para ma-redeem ang oras na nawala dahil sa unexpected death niya. She is defying the laws of time. ...