Ikatlong Kabanata

162 4 0
                                    

Photo Credits to inspirock.com

-

"Tatay!" sigaw na salubong ko sa Tatay kong minamasahe ang balikat sa sofa.

"Aba nakauwi na pala ang panganay ni Beatrize," sabi nito at ibinuka ang magkabilang braso para yumakap, "Payakap nga sa nurse namin."

Dali-dali naman akong lumapit at yumakap dito, "Kamusta mga exams, 'nak? Aasahan na ba naming gagraduate ka sa susunod na taon?" tanong nito.

Alam ko namang hindi nila ko minamadali dahil alam nilang mahirap talaga mag-aral sa kolehiyo. Pero alam ko din naman sa sarili kong mas mahirap magpa-aral, lalo pa't dalawa kaming pumapasok sa eskwela ni Era. Malapit na din 'yong mag-senior highschool, at pinagpaplanuhan nila Mama at Tatay na ipasok siya sa university kung saan ako kasalukuyang pumapasok.

"Sana talaga, Tay. Pagod na ko mag-cram every night," biro ko na nakapagpatawa naman dito, "At saka alam ko din naman pong pagod ka na magpipindot ng computer sa office. Pati si Mama alam kong pagod na din pong magturo."

Nakita kong lumamlam ang tingin nito sa akin. Hindi man nila sabihin, ramdam kong hirap sila lalo na sa laki ng tuition ko. Idagdag pa ang mga books at internship na kailangang bayaran.

"Anak, 'wag mo muna isipin 'yon. Hindi ka namin minamadali ng Mama mo, pero hindi ko naman sinasabing magpabaya ka, ha?" sabi nito habang bahagyang tina-tap ang ulo ko, "Ang samin lang, sana huwag ka ma-pressure. Nababahala kami ng Mama mo sa mga balitang suicide partikular sa mga estudyante ngayon. Hindi namin gustong magaya kayong dalawa ni Era 'don."

Hindi kailan man sumagi sa isip kong mag-patiwakal, kahit pa umiiyak na ko habang nagrereview. Minsan na din akong napaisip kung bakit ba talaga madaming tao ang kumitil na ng sarili nilang buhay. Tadhana ba talaga nilang mamatay sa ilalim ng sarili nilang mga kamay?

Ganon siguro talaga, ang mga pagsubok na dapat sana lalong nagpapalakas sayo ay maaari ding maging dahilan ng pagbitaw mo sa mundo.

"Tay naman, hindi po. Promise." paninigurado ko dito at itinaas ko pa ang kanang kamay ko na animo'y nanunumpa sa harap ng husgado.

Ngumiti sakin si Tatay bago namin nadinig ang pagtawag ni Era, "Ano na namang dinadrama niyong mag-ama?"

Hindi na bago samin kung pano makipag-usap si Era. May pagkamaldita at pilosopo 'to kung magsalita, pero sigurado naman kaming alam niya kung ano ang tama sa hindi. Hanggang ngayon nga, eh, pinapagalitan pa siya ni Mama dahil kung makipag-usap sa mga lolo at lola namin akala mo magkakasing-edad lang sila.

"Wag ngang bastos yang bibig mo, Era. Kita mong ngayon lang kami nagkita ni Tatay," itinaas nito ang kanang kilay na siyang nakapagpatawa saming mag-ama, "Kung makapagsalita ka parang di ka din anak, ah."

Mistulan pa tong umirap at nagpa-mewang sa harap namin, "Obvious ba, Ate? Kami kaya ang magkamukha."

Hindi na nga napigilan ng tatay namin ang paghalakhak. Hindi mo naman talaga maitatangging magkamukha talaga sila, mata pa lang, Jorelle Rodriguez na.

"Oo na po, Miss Era." biro ni Tatay dito. Tumayo na to at hinila kaming dalawang magkapatid para kumain ng hapunan.

Nag-aayos ako ng mga inuwi kong damit nang pumasok si Mama. Nakangiti itong umupo sa kama  at humarap sa gawi ko, "Malaki na talaga ang Ara ko. Hindi na kailangan ipagligpit ng gamit."

Natawa ko, noon kasing first year ako at unang uwi ko galing Manila, sa sobrang pagod at pagkamiss ko sa bahay ay inihagis ko talaga ang sarili ko sa kama. Makaluma kasi ang disenyo ng mga tulugan ng bahay namin, tipong para kang maharlika dahil sa canopy bed ng bawat kwarto,  hindi katulad sa dorm ko na simpleng kutson lang.

"Oo nga Ma, ang tanda ko na," sabi ko at nag-huhu effect pa, "Sumasakit na nga po yung likod ko kapag matagal na nakaupo."

Tumawa naman ito at bahagyang tinapik ang bewang ko, "Ano ka ba, anak, wala ka pa ngang bente."

Ngumuso na lang ako dito saka ipinagpatuloy ang pag-aayos.

"'Nak, wala ka pa bang ipapakilala samin ng Tatay mo?" sabi nito na siyang nakapagpakunot ng noo ko.

"Ma?"

Nagkibit-balikat ito saka umayos ng upo, "Ikaw na nga din ang nagsabi, tumatanda ka na, wala ka pa din bang ipapakilala saming nobyo?"

"Ma naman!"

Bumunghalit ng tawa ang nanay ko. Hanggang dito ba naman sinusundan ako ng mga panggugulo ni Alex sa love life ko?

"Baka naman kasi maunahan ka pa ng kapatid mo, Ara. Nasa legal age ka naman na, bakit wala pa kaming nakikilala ng Tatay mo?" nagpipigil na tawang lintanya nito, "O baka naman hindi mo lang sinasabi? Nako, Ara Zsein, wag ka lang uuwing buntis dito ha."

"Mama!"

Nagpatuloy ang tawa ng nanay ko. Feeling ko suhetsyon ni Alexis ang topic na 'to. Hindi ko na talaga hahayaang makapag-usap silang dalawa.

"Biro lang 'nak." sabi nito.

Speaking of Alexis, muntik ko nang makalimutan na kailangan kong magpaalam na sa kanila ko titira next sem, "Oo nga pala, Ma," napatingin naman sakin ito na kasalukuyang tinutulungan na din akong mag-ayos, "Gusto pala ni Alexis na sa kanila ko tumira next sem."

Bahagyang natahimik si Mama. Siguro'y pinag-iisipan kung papayagan niya ba ko o ano. Kahit pa kasi matagal na kaming magkaibigan ni Alex, nakakahiya pa din kung biglang doon na lang ako uuwi.

"Hindi ba nakakahiya sa Papa niya, 'nak?"

"'Yun nga din Ma ang sinasabi ko kay Alexis. Eh alam mo naman yung babaitang 'yon, old version yata ni Era." sagot ko na muling nagpatawa dito.

"Pag-uusapan muna namin ng Tatay mo, 'nak, ha? 'Wag ka munang magbitaw ng sagot kay Alex at baka ma-disappoint ang kaibigan mo."

Tumango ako dito nang maalala ko ang kwento ni Era kanina.

Inisip ko munang mabuti kung sasabihin ko din bang mukhang may nakapasok sa kwarto. Ayoko namang mag-alala pa si Mama. Siguradong madami na siyang iniisip sa trabaho, dadagdagan ko pa.

"Nga pala, Ma, may nakwento sakin si Era. May nakita daw po siyang bible at pluma sa ibabaw ng kama ko?" nakita kong tumango siya kaya nagpatuloy ako, "Nailigpit niyo po ba?"

"Parang wala naman akong napapansin. Kailan niya ba nakita?"

"Nung nakaraan pa daw po, eh."

Mukhang napaisip naman ito, "At paano naman magkakaron ng bible at pluma dito, eh, kauuwi mo lang?"

Pareho kaming natahimik.

Oo nga naman. Kung isa sa kanilang tatlo galing 'yon, bakit hindi pa hinintay ang pag-uwi ko?

"Baka naman namamalikmata lang ang kapatid mo. Alam mo naman 'yon, lahat na lang napapansin." sabay kaming natawa sa sinabi ni Mama.

Baka nga masyado ko lang sineryoso ang mga kwento ni Era. Kung totoo mang may nakita siyang bible at pluma, paniguradong makikita ko 'yon kapag naglinis na ko ng kwarto.

"Ayan, tapos na, 'nak." nakangiting sabi ni Mama, "Matulog ka na't magpahinga. Bukas baka magising kang wala kaming tatlo at nagpaalam na may lakad ang kapatid mo kasama ang mga kaibigan niya. Maaga naman ang pasok namin ng Tatay mo."

"Hindi pa kayo bakasyon, Ma?" tanong ko dito. Mas nauna pa kong nagbakasyon kesa sa elementary school na pinagtuturuan ni Mama.

"Last week na ngayon, 'nak. Madaming hinabol na lessons para sa exams dahil sa mga araw na walang pasok dulot ng bagyo."

Tumango ako dito at inayos ang higa ko. Humalik muna to sa noo ko bago lumabas.

Hinayaan kong bukas ang lamp shade sa bedside table. Napatingin ako sa nakasarang bintana kaya naalala ko na naman ang kwento ni Era.

Hindi kaya tinatakot lang ako ng batang 'yon?

Pero wala sa ugali ni Era ang mang-trip ng ibang tao. Oo may pagkamaldita ang kapatid ko, pero ni minsan ay hindi pa siya nag-imbento ng kwentong sinasabi niya sakin.

Ngunit ano ba talaga ang nakita't narinig niya sa kwarto ko?

Anong hiwaga ang nakapaloob sa bawat sulok nito?

Tadhana Nga Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon