CHAPTER SIXTEEN: Victory

81 107 0
                                    

CHAPTER 16: Victory

ARIANA'S POV

DAHIL sa pagsigaw ni Janelle ay nabatukan ko siya ng wala sa oras.

"Ano ba 'yan. Ang ingay mo! Maatake na nila tayo." Bwiset na sabi ko habang pinipigilan ang luha.

"You are right, miss, maatake na namin kayo." Sabi ng isang teroristang si... Beryl.

Isa siya sa top 5 ng mga teroristang malalakas at kilalang kilala ko siya.

Humarap ako sa kaniya at gulat na gulat siya. Alam ko na agad na siya si Beryl, base sa kaniyang boses na baklang bakla.

"Agent...MariaB?" Takang sabi niya. Napatingin siya sa taas. "Akala ko 'yun si... teka sino ka ba?" Baklang pagkakasabi niya.

"I am" Napasmirk ako. "AgentMariaA."

"What? The F*CK?" Gigil na sabi niya. "Aquamarine said na pinatay ka na daw niya? Anong katangahan na naman ang pinairal niya?" Inis na sabi ni Beryl. "Mygod! Naiistress ako ah?" Inis na sabi niya. "BOYS!" Sabi nito at biglang pumalibot sa amin ang isang katerbang mga armadong terorista.

Matangkad si Beryl, medyo masculado, at hindi siya pahalatang bakla kung hindi magsasalita. Sa katunayan, gwapo ang baklang 'yan. Pero kahit na lalaki pa 'yan ay hindi ko papatulan ang isang kasuklam-suklam na katulad niya. Such a despicable!

"Bantayan ang tatlong 'yan at walang papatakasin. Patayin sila at walang palalabasin. Teka lang! Who's that handsome guy na katabi mo AgentJ4?" Malanding sabi ni Beryl.

Kilala niya si Janelle dahil sa tagal na nga rin namin silang hinahunt. "It's none of your business, baklang ulikba." Nakakaasar na sabi ni Janelle.

"Pashnea! Atayde!" Hindi namin naintindihan ang sinabi niya pero bigla na lang kaming sinugod ng mga pangit niyang alagad na terorista din.

Mula sa likod, kinuha ko ang pana ko at pinagpapana sila isa-isa, hindi sa pagbubuhat ng sariling bangko ay propesyonal ako pagdating dito. Dahil diyan ay agad na natatamaan kapag aking tinatarget. Si Janelle naman, binabaril niya ang mga terorista samantalang si Jm naman ay nakikipag bubugbugan sa mga ito. Ngunit masyado nga kaming kaunti kaya agad kaming nanghina.

Seryoso? Matatalo na naman ba ako. Naubusan na rin ako ng bala sa likod dahil sa dami nila. Nagkabanggaan na kaming tatlo sa gitna at naghawakan ng kamay.

"Ayoko pang mamatay." Sabi ni Janelle. Nakapalibot paikot na sa amin ang mga teroristang dugyot at mababaho. Mga amoy putok at aaminin kong mahirap huminga.

"Mabubuhay pa tayo." Confident na sabi ni Jm.

"Mukhang matutuluyan na ako ngayon ah?" Natatawang sabi ko. Pero Syempre peke. Sino bang matutuwa sa sitwasyon ko? Bukod sa mamatay ako sa bala ng baril eh baka mamatay na rin ako sa baho dito. Mga dugyotin.

May biglang nagpasabog sa labas ng bomba. Kaya't naagaw ang mga atensyon nila. Humarap sila sa labas at hindi na kami ang pinagtuunan ng pansin

Oras na para magtago. Kanya-kanya kaming takbo sa pinakamalapit na matataguan. May kasunod pa ang bombang iyon at may isang napakalakas na tunog na sobrang sakit sa tenga

*TOOOOOOOOOOOOOOOOOT*

Pakiramdam ko'y mabibingi na ako. Sino ba kasi ang pausong iyon? Napatingin ako kay Briana na ngayon ay nagising dahil sa tunog na narinig.

Salamat sa Diyos, buhay pa siya. Nakahinga naman ako nang maluwag. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya.

"Mygoodness? Who is that jejemon?" Iritang sabi ni Beryl at agad na pinalabas ang iba niyang mga tauhan. Nangalahati ang mga tauhan niya dahil nga pinatay na nila ang iba. Ang iba naman ay binugbog ko lang. Nakaka awa eh.

TRIPPLE SHOTS (MARS UNIVERSE SERIES: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon