Chapter 5:
"Baliw kaba?!" Napasigaw ako matapos ko siyang itulak
"Hindi"maikli niyang sagot
Sira ulo siya bat niya ginawa yun.
"Sige matulog kana, sorry sa abala"
Tiningnan ko lng siyang lumabas ng kwarto ko, nakatulala lng ako sa pintuan maya maya pa ay narinig kong tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bag ko.
"SORRY" text ni Kim
Paulit ulit kung naririnig yun nakaka ano naman yung sorry niya kahit na text lng niya yun pero naririnig ko yung boses niya.
Maya maya pa ay nakatulog na ako.
----------MORNING----------Matapos naming kumain napansin kong wala sila mama at tita.
"Ate lyn nasan po sila mama?" Tanong ko sa kasambahay namin
" ahh umalis sila kanina pa pero wala po silang binilin Ma'am Amber" sagot niya
"Ahh ok po, ate Amber na lng ho"
Narinig kong bumisina na ang driver namin ni Kim kaya tumayo na ako at dumiretso sa garahe.
Nakita kong naka upo na si Kim at mukang busy siya na nakatingin sa cellphone niya.
Pumasok na ako sa sasakyan pero hindi man lang niya ako tiningnan kaya hindi na ko na lng muna siya kinausap hanggang makarating na kami sa harap ng Academy pero nakatunganga parin siya sa cellphone niya, kaya naisipan kung kausapin na siya.
"Kim nandito na tayo" hindi niya parin ako napansin at narinig kaya kinalabit ko siya bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas ng sasakyan.
As usual marami paring nag aabang sa kanya ng mga girls kaya pinilit kong tanggalin ang kamay niya na nakakapit sakin, pero mahigpit ang hawak niya.
"Kim bitawan mo na ako, maraming nakatingin oh"bulong ko sa kanya
"Sundan mo lang ako, ako ang bahala sayo" mahina niyang sabi kaya wala na akong magawa kundi sundin na lng ang sinabi niya.
Hinila niya ako papasok ng Academy kaya napansin kong nakatingin samin yung mga studyante kaya tumungo na lng ako.
Tumigil si Kim kaya napatigil rin ako hindi ko sinasadyang mabangga sa likuran niya.
"Ayy" reklamo ko
"Samahan mo ko dito hanggang mag recess"sabi niya pa
"Pero 2nd day pa lang natin aabsent na agad tayo baka pagalitan tayo niyan pano kung ma.."
"Ako ang bahala sayo ayoko lng pumasok ngayon samahan mo lng ako pero kung ayaw mo hindi naman kita pinipilit mag papasama na lang amk sa iba"sabi niya pa sakin
Inisip ko sinong iba baka si Dexter...
"Papasok na ako"paalam ko sa kanya,pero wala akong narining na sagot galing sa kanya.
Bakit kaya siya ganyan? Maglalakad na sana ako pero naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya tiningan ko siya, nakita kong may luhang tumutulo galing sa mga mata niya.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko medyo nataranta ako kasi minsan ka lng makakakita ng lalaking umiiyak tapos siya pa kinakabahan ako kaya nilapitan ko siya at pinahid ang luha niya.
Nakatingin lang siya sa baba, bakit ba kasi siya umiiyak natataranta tuloy ako.
"Hoyy ano ba tumigil kana! Saglit tatawagin ko lang si Dexter"paalam ko pero bago pa ako makahakbang ay bigla niya akong niyakap baliw ba siya.
"Anong nangyayare sayo!prank ba to?" Medyo pag ka tanga kong tanong sa kanya
Mamaya maya pa ay tinggal na niya ang oag kakayakap niya sakin at hinila na naman niya ako sa likuran ng building.
Napansin kong madumi pero hindi mabaho at malalaki ang damo at mahirap atang dumaan dun dahil hindi simintado ang daanan.
Hinila niya ako papasok roon medyo nag aalinlangan ako pero nung nakita kong maraming halaman roon at maraming bulaklak ay napatakbo na ako at mas nauna pa sa kanya.
"Ang ganda"bulong ko
"Maganda ba? Dito ako laging nakatanbay, natutulog at nag rerelax, simula pa nung elementary ako pag boring ako at tinatamad pumasok na discover ko ito nung grade 5 ako kaya inayos ko ito at pinaganda"pag papaliwanag niya sakin
Napansin kong tumigil na siya sa pag iyak siguro ito nga talaga ang nakakapag relax sa kanya.
"Hindi kana umiiyak"mahina kong sabi sa kanya
"Sorry kung naabala kita gusto ko lang na amay kasama ako dito at may kausap"paliwanag niya sakin
"Ok lang naman na samahan kita dito pero baka kasi mapagalitan tayo kasi di tayo pumasok eh"nagaalala kong sabi sa kanya
"Ako ngang bahala"maikli niyang sagot
Nag stay kami doon hanggang mag isang oras nakaupo lang kaming dalawa at nakasandal sa isang malaking puno roon hindi mo mararamdaman na mainit actually ang lamig dito kasi puro puno kaya mas nakakarelax.
Napansin kong nakatingin si Kim sa akin pero hindi ko siya pinansin at pumikit na lang ako.
"Pag tumunog na ang bell puntahan mo si Juliene Solomon sa Class A,pinsan ko siya lumapit ka sa kanya at sabihin na puntahan ako sa may canteen ha sumama ka sa kanya." Sabi niya sa akin kaya minulat ko ang mga mata ko nakita kong tumayo na siya at naglakad papalabas sa lugar na ito.
Narinig kong nag bell na kaya lumabas na rin ako katulad ng sinabi ni Kim pumunta ako sa Class A at hinanap si Juliene.
Nag abang ako sa exit door.
"Ms kilala niyo po ba si Juliene?"tanong ko sa dalawang babae
"Uhmm nandon siya sa.."natigilan siya dahil binulungan siya ng kasama niya
"Wag mo siyang kausapin siya yung laging kasama ni Kim"narinig kong bulong sa kanya hindi niya na sinabi kung nasan si Juliene kaya hinayaan ko na lng at umalis na sila
"Hinahanap mo ako"napatingin ako sa nag sabi noon sa likuran ko
"Ahmm ikaw ba si Juliene?"tanong ko sa kanya
"Duhh sasabihin ko bang hinahanap mo ako kung hindi ako yun hayyst"pag susungit niya sakin
"Ayy sorry,pinapapunta ka pala ni Kim sa canteen"sabi ko sa kanya
"Kahit kelan talaga tamad siya pwede naman kasing siya na ang pumunta bwesit ah,oo nga pala diba ikaw si Amber? Yung mga pinag chichismisan ngayon dito sa Academy? Sikat kana agad HAHAHA"sabi niya sakin pero kahit na tumawa siya alam kong may halong inis yun
"Oo ako nga si Amber at kung ako lagi ang bukang bibig nila wala na akong paki dun"mahina kong sabi sa kanya
Tiningnan niya lang ako at nag umpisa na siyang mag lakad kaya sinundan ko siya alam ko namang sa canteen siya didiretso.
Nasangi sa isip ko kung bakit nagka ganoon si Kim kaya hindi ko napigilang hindi mag tanong sa kanya baka kasi may alam siya kung bakit nag ka ganoon si Kim kanina, first time ko paang siyang nakitang umiyak.
"Ah alam mo ba kung bakit parang malungkot si Kim ngayon?"tanong ko kay Juliene
"Hindi mo alam? Ikaw ang lagi niyang kasama tapos hindi mo alam kung bakit"mahina niyang sagot
"Mag tatanong ba ako kung alam ko"pag susungit ko sa kanya naiinis na kasi ako medyo mag ka parehas sila ng ugali ni Kim.
"May sakit ang daddy ni Kim"maikli niyang sagot sakin na may halong lungkot
May sakit? Hindi kaya yun yung pinag uusapan nila mama at tita Janaber nung nakaraang araw, at si Allan yung may sakit na papa ni Kim.
BINABASA MO ANG
Im a Fiancee Of Master Kim
Lãng mạnHi! Im Anaber Go nawalan ako ng ama mula nung bata pa ako, ang aking ina naman ay isang mananahi sa aming lugar isang araw nag karoon ng sunog sa aming lugar at nadamay sa sunog ang amin g bahay. Nawalan kami ng mga gamit kahit isa ay wala akong nad...