Isang araw, gumising ang kabataang na si Alex at Juan. Si Alex ay isang lalaking estudyante na matalino at matulungin sa kanyang kapwa. Si Juan naman ay ang kakambal ni Alex na mahinhin ngunit siya ay wise sa kanyang mga gawain. Naghanda sila ng kanilang almusal, naligo, at nagmadali na sila para pumasok sa kanilang paaralan. Sila ay nagpaalam sa kanilang magulang na si Fernando, ang ama nila, at si Maria, ang ina naman ng kambal.
"Aalis na po kami 'nay, 'tay, papasok na po kami sa paaralan namin." Wika ni Alex sa kanyang mga magulang."Sige, ingat kayo papunta ah." Wika ni Fernando. At sabay ng umalis ng bahay ang dalawa. "Kuya, sobra na akong excited para sa bago nating kaklase!" Sabi ni Alex sa kanyang kakambal. "Ako rin naman, gusto ko nga makakilala tayo ng bagong kaklse." Ang tugon naman ni Juan.
Nakarating na ang dalawa sa kanilang paaralan.Sabay silang nagmadali papunta sa kanilang silid at nasaksihan nila na kakaunti pa lamang ang nakarating ng maaga sa kanilang klase."Anyare sa ibang kaklase natin kuya, ba't kakaunti pa lang natin dito?" Tanong ni Alex kay Juan. "Ay, sobra nating maaga ng dating natin dito kaya kaunti lang muna, pero mamaya pa dadating yung iba." Sabi naman ni Juan. Habang naghihintay sa iba pa nilang mga kaklase, ang dalawa ay pumili ng maupuan at natulog. Matapos ng maraming minuto ay nagising ang dalawa at nadatnan nila na puno na ang silid-aralan at sabay dumating ang kanilang guro.
"Hala, ang dami pala natin dito sa silid na ito kuya." Palihim na sinabi ni Alex sa kakambal niya. "Oo nga mga ano ata tayo dito mga 40, sa isang silid pa lang yan." Palihim na sagot ni Juan kay Alex. "Magandang umaga klase!" Bati ng guro sa klase at pinaupo pagkatapos. "Tulad ng mga unang araw sa eskswela, tayo ay ipapakilala natin ang sarili natin." Sumunod na sabi ng guro ng dalawa.
Makatapos ng ilang mga estudyante ay ipinakilala muna si Alex, pagkatapos ay sumunod na rin ipinakilala si Juan. Matapos magpakilala ang buong klase ay may napansin ang kambal sa isa nilang kaklase. "Kuya, sino yung maputing lalaki na nakaupo sa kabilang dulo?" Tanong ni Juan kay Alex. "Eh, di ko alam pero gwapo niya sobra at maraming babae ang lumalapit sa kanya kuya." tugon naman ni Alex.
Makalipas ng ilang minuto ay nag-recess ang klase. Tumabi ang kambal sa napansin nilang kaklase. "Pare, ano pangalan mo?" Tanong ni Alex. "Ay, ako pala si Zen, isa akong exchange student dito." Sagot ni Zen sa kambal. "Ano lahi mo Zen?" Tanong naman ni Juan kay Zen. "Flipino-Japanese ako at madalas akong mapagkamalang Koreano." Tugon muli ni Zen sa dalawa. "Ipinalaki ako sa Japan kaya medyo di ko alam kultura dito sa Pilipinas maliban sa pagsasalita ng Filipino at gumagamit ng 'po' at 'opo'." Ang sumunod na sagot ni Zen. "Ahh, kamusta naman yung buhay mo sa Japan?" Tanong ng kambal.
"Madalas kami nagsusulat ng Kanji sa paaralan at natuto ako ng Karate at ako ay nakakasabay sa mga magagaling sa klase namin." Ang muling tugon ni Zen sa dalawa. "Ay, oras na pala, tara balik na tayo sa silid natin. Mamaya ulit tayo magkwento ah." Sabi ni Juan habang nagmamadali silang pumunta sa silid nila.Nagpakilala rin ang iba't-ibang mga guro sa klase hanggang naging alas-12 ang oras at nag-lunch break ang klase ng kambal. Nagtabi muli sila Alex, Juan, at Zen. "Paano ka namumuhay naman sa bahay niyo sa Japan?" Tanong ni Juan kay Zen. "Madalas kami kumakain ng Ramen at Sushi kasama ang pamilya ko." Sagot ni Zen. "Gusto mo ba sumama samin pauwi sa bahay namin?" Tanong ni Alex. "Oo! Gusto ko rin makilala magulang niyo." Sagot ni Zen. "Alam mo, gusto na agad kita na kaibigan Zen." Wika ni Juan. Pagkatapos nila kumain ng kanilang pananghalian ay bumalik agad sila sa silid nila. Pagkatapos ng ilang oras ng pagpapakilala sa mga guro sa unang araw ng pasukan ay sabay na umuwi ang tatlong magkakaibigan.
"Gaano kalayo bahay niyo dito?" Wika ni Zen habang naglalakad pauwi. "Malapit lang naman, kaya ito lakarin mula dito." Sagot ni Juan kay Zen. "Magmano ka rin sa magulang namin ah para maayos tingin sa'yo ng magulang namin." Payo ni Alex. "Hindi ako masyado tinuruan magmano sa Japan pero salamat sa turo Alex." Wika ni Zen. Makalipas ng ilang minuto ay nakarating na ang tatlo sa bahay ni Alex at Juan.Ang tatlo ay nagmano sa magulang ni kambal. Ang dalawa ay nagbihis sa kanilang pambahay na damit at nagkwento ang pamilya tungkol sa nangyari buong araw hanggang gumabi. "Ay, gabi na kailangan ko na umuwi." Wika ni Zen. "Sigurado ka? Mapanganib doon sa labas iho." Tanong ni Fernando, ama nila Alex at Juan. "Kaya ko naman po umuwi mag-isa, 'wag po kayo mag-alala tito." Sagot ni Zen habang naghahanda para umuwi. "Sige, uwi na po ako nag-aalala na siguro magulang ko." Wika ni Zen at tuluyan na siya umuwi.
"Alex, usap muna tayong dalawa sa labas." Wika ng ama ng kambal. Lumabas sila Alex at Fernando at sila ay nag-usap. "Anak, bakit may halong Japanese ang bago niyong kaibigan?" Tanong ng ama kay Alex. "May kakaiba kasi kaming napansin kay Zen kaya nag-usap kami sa kanya kanina po." Tugon ni Alex. "Anak, 'di mo pa ito alam pero, medyo may ayaw ako sa mga Japanese." Sagot ni Fernando. "Bakit po 'tay?" Tanong ni Alex. "Pinatay kasi ng Japanese ang lolo mo kaya ayaw ko sa mga taga-Hapon." Tugon ni Fernando. "Ay 'tay, di po masama si Zen, bigyan niyo lang siya ng panahon, mapagkakatiwalaan siya." Wika ni Alex. "Basta, bigyan nyo muna ng space yung kaibigan niyo at kakakilala niyo lang ngayong araw." Wika ng ama. Pagkatapos ng munting usapan ng mag-ama ay nagbalik sila sa bahay para maghanda na matulog. May makikitang lungkot sa pagmumukha ni Alex sa pagbalik at naghanda na ang pamilya para matulog. Magkasama ang kambal sa isang kwarto at magkasama ang magulang nila sa kabilang kwarto. "Pare, ano sabi ni tatay sa'yo at nalulungkot ka?" Tanong ni Juan. "Medyo may galit pala sya sa mga Japanese at ipapalayo muna tayo kay Zen." Wika ni Alex. "Bakit naman, mabait si Zen ah?"
Tanong muli ni Juan. "Pinatay kasi si lolo dahil sa Japanese kaya may galit siya." Tugon ni Alex. "Hmm, ano gagawin natin, lalayo ba muna tayo kay Zen o samahan natin siya?" Muling tanong ni Juan. Napatanto si Alex dahil sa tanong ni Juan hanggang nakaisip siya ng solusyon. "Kumbinsihin natin si tatay na hindi masama si Zen." Wika ni Alex. "Hmm, kaya ba?" Tanong ni Juan. "Oo, samahan ulit natin si Zen dito." Tugon ni Alex. Dali-daling pumunta kay Fernando si Alex. "Oh anak, ba't gising ka pa, may pasok ka pa bukas." Wika ng ama. "'Tay, sasamahan ko po ulit si Zen dito para makumbinsi kayo na hindi po masama si Zen." Wika ni Alex. "Sige, patunayan mo sa'kin na hindi siya masama bukas." Tugon ng ama. "Salamat po! Hindi po kayo magsisisi kay Zen, mabait po siya." Sagot ni Alex. "Sige, sige matulog ka na ha." Sagot ni Fernando na nahuhumaling na matulog.Kinabukasan ay sinamahan muli ng kambal si Zen pauwi. Pagkauwi ng 3 na magkakaibigan ay nagmano sila sa magulang ng kambal at naobserbahan ni Fernando na matatag ang pagkakaibigan ng tatlo at tuluyang nakumbinsi siya sa sinabi: "Zen, isa kang mabuting bata, nakumbinsi mo ako para hindi na ako magalit sa mga Hapon, at pinapayagan na kita makipagkaibigan sa anak ko." "Salamat po tito at natanggap nyo po ako kahit kinagagalitan niyo po ang lahi namin, maraming salamat po talaga."
At mas lumalim pa ang pagkakaibigan nila Alex, Juan, at Zen.