The Moment I Knew

1 0 0
                                    


The Moment I Knew


A short story based on the song of Taylor Swift entitled The Moment I Knew. It talks about being left by someone who is the most important person to your life.

Breanna's POV


"Love! Kain tayo!" Aya ko sa boyfriend kong si Leo. Tinawanan naman niya ako.


"Ang takaw talaga ng mahal ko. Sige, saan mo gustong kumain?" Tanong nito sa akin. Nagliwanag naman ang mga mata ko sa kaniyang pagpayag.


"Parang gusto kong magkwek-kwek," sinabayan ko pa ng palakpak kaya natawa siya sa akto ko. Sinamahan naman niya ako.


Habang kumakain kami ay ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin. Lahat sila parang nagsasabi na "sana all may jowa".


"Love! Malapit na ang prom natin, will you attend ba?" Tanong ko sa kaniya. Natigilan naman ito at tumingin sa akin.


"Kung pupunta ka, siyempre dapat pumunta ako. Baka mamaya sinu-sino na lang magsayaw sa iyo eh," sambit niya.


"Pupunta ka? Ako ang pipiliin mo? Promise?" Nginitian niya akong muli bago yinakap at ibinulong sa akin na nangangako siyang pupunta siya. Nakampante naman ako,


Takot. Takot ang bumalot sa akin nang malaman ko na kinuha siya ng isang network para gawing artista at isama sa baguhang aktres. Natatakot ako na baka iwanan niya ako. Sino ba naman ako kumpara sa isang aktres? Di hamak na isang estudyante lang ako. Wala pa akong napapatunayan samantalang siya ay may pangalan na sa industriya.


"Breanna! Ano ba ang problema mo? Bakit mo 'yon ginawa sa kaniya?" sigaw sa akin ni Leo matapos akong hilain palabas sa venue ng party kung nasaan ang aktres na ipina-partner sa kaniya. Galit na galit sa akin si Leo matapos kong tapunan ng tubig 'yung babae.


"Wala ka na kasing oras sa akin! Inggit na inggit ako, Leo. Inggit na inggit ako!" Sigaw ko ding pabalik habang patuloy na umaagos ang mga luha ko sa mga mata ko. Ni hindi ko na makita ng malinaw ang kaniyang mukha. Hindi ko mabasa ang kaniyang ekspresyon dahil sa puro luha ko na lang ang nakikita ko.


"Grow up, Breanna! Trabaho ko 'yon! Alam mo ba kung ano ang pwedeng mawala sa akin dahil sa ginawa mo?" frustrated niyang sambit.


"Mahal mo pa ba ako, Leo?" tanong ko sa kaniya. Natahimik naman siya at napatingin sa akin.


"Anong klaseng tanong 'yan?" and that moment I already knew the answer.


"If you still love me, go to the prom with me," mahina kong sambit.


"I love you, okay? And I'll go to the prom with you. Malelate lang ako ng kaunti kasi film screening namin 'yon. Pero pupunta ako. I promised you, 'di ba?" sabi niya bago ako niyakap.


Pupunta siya.


Iyan ang dalawang salitang pilit kong pinapaniwalaan. Nasa loob na ako ng venue at nagsisimula nang dumami ang mga tao. Kasama ko din ang mga kaibigan ko pati na rin ang kani-kanilang mga dates habang ako mag-isa, hinihintay ka. Umaasa na darating ka.


Bubukas ang pinto at iluluwa ka nito. Tatakbo ka palapit sa akin at yayakapin ako ng mahigpit. Sasabihin mong mahal na mahal mo ako at hihingi ka ng tawad dahil nahuli ka. Magsasayaw tayo at magiging masaya ang gabi ko. Iyan ang senaryong ginawa ko sa utak ko na nagiging dahilan para umasa ako sa isang pangako na hindi ako sigurado kung matutupad mo ba.


Nagsimula na ang kasiyahan. Nagdaan na ang oras para sa pagkain at marami na rin ang mga taong nagsasayawan. Marami na ring lalaki ang nag-aya sa akin pero lahat sila tinanggihan ko dahil sabi ko ikaw ang first and last dance ko. Alam ko kasing ayaw mo din na isasayaw ako ng mga lalaki na lingid sa kaalaman mo.


Ilang beses na din akong pinilit ng mga kaibigan natin na magsaya at huwag na umupo sa gilid dahil sayang naman ang ayos ko. Ngunit lahat ng iyon tinanggihan ko dahil hinihintay kita kasi sabi mo darating ka. Ayaw ko namang magsaya na wala ka. At para sa'yo ang pag-aayos ko. Ayaw kong makita mo ako na ang pangit ko na dahil sa pawis sa kakasayaw.


Madami na ding mata ang nakatingin sa akin. Dati tumitingin sila na may kasamang inggit na sana sila din ay mayroong katulad ng nag-iisang Leo na mahal ako. Pero ngayon hindi. Nakatingin sila dahil pati sila hindi nila alam kung bakit wala ka. Nagtatanong ang kanilang mata kung bakit mag-isa lang ako.


Nalalapit nang matapos ang gabi. Madami na ang nagsisipag uwian pero wala ka pa din. Umaasa pa din ako na darating ka kahit na saglit ka lang. Buo pa din ang gabi ko. Kahit 'yon lang. Kahit sa maikling oras lang. Magiging masaya na ako.


Ngunit hindi ka dumating. Ni anino mo hindi ko man lang nakita. Inaaya na nila akong umalis at pumayag ako. Sinabi ko na mag-aayos lang ako saglit.


Pumunta ako sa restroom at doon umiyak. Hindi ko alam kung umiiyak ako dahil sa hindi mo natupad ang pangako mo o dahil sa hindi ka dumating dahil mas pinili mo siya.


You should have been here and I would have been so happy. Pinangako mo sa akin na pupunta ka pero hindi mo tinupad. Sabi mo pupunta ka. Nangako ka pero bakit mag-isa na lang ako?


Hindi nagtagal ay nakauwi na ako. Pagod ay bakas sa aking mga mata. Nakakatawa na hindi naman napagod ang pisikal kong katawan. Mas pagod pa nga ang puso ko at ang utak ko kakaisip.


Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakita kong tumawag ka. Sinagot ko naman kaagad. "Hello? Breanna?" bungad nito.


"Pasensiya na hindi ako nakarating. Hindi kinaya ng oras ko eh. Pangako, babawi ako sayo--" sabi niya ngunit pinutol ko ang kaniyang sasabihin.


"Pasensiya din. Pinapili kita kahit na alam ko naman kung ano at sino ang pipiliin mo. 'wag ka na mangako. 'wag ka na din bumawi," sabi ko sa kaniya at nagpigil ng hikbi.


"A-ano? Anong ibig mong sabihin?" tanong niya sa akin.


"Mahal na mahal kita, Leo," sabi ko sa kaniya at hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko nang makita kong pumatak na ang alas dose. "Alas dose na. Salamat sa pagtawag bago matapos ang kaarawan ko. Salamat kahit hindi mo naalala. Paalam," sabi ko bago ibinaba ang tawag.


Happy birthday, Breanna.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Starry NightsWhere stories live. Discover now