Hopeless Romantic Book Review

297 20 7
                                    

Justin Tyler Dela Cruz at Jamilah Rylie Hao
Tambalang sa ami'y nagpakilig at nagpa-wow
Tumatak sa bawat isipan ng mambabasa
Kailanma'y hindi kami nabigong mapasaya

Mula sa pamagat nitong Hopeless Romantic
Unang impresyon ko ay ang istorya'y unique
Napatotohanan nga't hindi nagkamali
Sa bawat update, kami ay kinikiliti

Forgetful, weak, careless, clumsy at crybaby
Ilan sa mga imperfections ni Rylie
Sa kaniya'y nakikita ko ang sarili
Paghanga ko sa kaniya'y nananatili

Oktubre ng nakaraang taon, sinimulan kong basahin
Inirekomenda ng kaibigang kakadiskubre lang din
Bawat kabanata ay mahigpit na inaabangan namin
Hanggang sa mga huling parte, kami ay inaaliw pa rin

Lungkot, saya, inis at higit sa lahat ay kilig
Halo-halong emosyon ang sa akin ay nanaig
Tila ba ang sarili mismo ang nasa istorya
Kaya nama'y walang nakababagot na kabanata

14344 ang pinakanagustuhan kong linya
Sa aksyon naman, ang paghalik ni Tyler sa noo ni Jamilah
Naging magaling na kontrabida naman si Alexa
Mabuti't nandiyan si Aisha na naging tagapagtanggol niya

Tragic ending, bitterness at tuloy-tuloy na problema
Ang tumapos sa kanilang masayang pagsasama
Minulat ang mga mambabasa sa realidad
At ginising ang mga nangangarap agad-agad

Sa likod ng tumatak na istorya
Isinulat ng babaeng maganda
Trisha Jayne Lim nga pala
Naging inspirasyon sa bawat isa

Hopeless Romantic Book ReviewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon