Ako nga pala si princess, isang normal na babaeng may normal na buhay. 18 na ako ngayon, madami nadin akong napagdaanan sa buhay..hindi kasi ako laki sa yaman, ngunit hindi din naman laki sa hirap. Sakto lang siguro.. Hindi ako NBSB, nagkaroon na ako ng BF noon pero hindi naman sobrang seryoso, ngayon halos 2 taon na akong Single..masaya naman ako, kasi nandyan naman ang mga kaibigan ko. Pero minsan, pag may nakikita akong magkarelasyon, nakakapanood at nakakabasa ng mga lovestory, naiisip ko "Ako kaya, kailan kaya dadating ang taong magpapasaya sa akin? Yung taong magiging dahilan na maging excited akong gumising sa umaga..Nasaan na kaya sya?" alam ko namang bata pa ako, naiisip ko nalang na mag-aaral muna ako at sa takdang panahon mahahahanap ko din sya.
Sa loob ng 2 taon kong pagiging single, madaming nangyari....may best friend ako, at Rick ang pangalan nya. Sweet sya, mabait at makulit. Lagi nya akong tinetext, at kinukulit. Dumating panga sa puntong magigising nalang ako sa umaga kasi tatawag na sya, wake-up call kumbaga. Tapos bago ako matulog sa gabi, tatawag sya para lang mag-goodnight..ilang linggo nya ding ginawa yun. Hindi ko alam, pero sabi ko kasi sa sarili ko na hindi ako pwedeng mahulog sakanya...kasi nga best friend ko sya.
Pero babae ako, naging mahina ako..pinilit kong iwasan, pigilan. Isang araw magkatext kami, sabi nya sakin "Bes, tayo nalang?" sabi ko naman "Ha?wag na. Sa iba ka nalang." Sabi nya ako daw gusto nya. Kasi hindi ko daw sya iniiwan. Pero syempre, ayoko namang masira yung kung ano mang meron kami, sayang naman kasi.. Isang araw, nagpunta kami sa mall. Nilibre nya ako, nanood kami ng sine. Yung kay Angel at John Lloyd, nakalimutan ko yung title eh. Pero maganda sya, maganda yung istorya, sa bandang gitna nakakaiyak talaga. Tumulo yung luha ko habang nanunood kami..nagulat ako, kasi may inabot syang panyo at sabi nya "Bes oh, wag ka nang umiyak. Hindi mangyayari sayo yan." napangiti ako sa sinabi nya. Natapos namin yung movie, tapos nagkape kami. Hapon na nun, bigla syang tinext ng Mom nya at pinapauwi sya. Sabi ko mauna na sya, kasi kaya ko namang umuwi mag-isa. Umuwi na ako..habang nasa biyahe ako, napaisip ako. Sabi ko sa sarili ko "Mahal ko na nga ba sya? Oras na ba para sabihin ko sakanya?" natatakot kasi akong masaktan eh.. Sino ba namang hindi diba? Nung nakadating ako sa bahay, tinext ko sya at nagpasalamat ako. Napapasaya nya kasi ako... Dumating ang gabi, magkatext kami nun. Umamin ako sakanya, sabi ko Mahal ko na yata sya. Nahulog na nga talaga ako sakanya. Sobrang kaba ko nun, baka kasi ireject nya. Baka kasi magbago yung tingin nya. Pero sabi nya ok lang daw yun. Masaya daw sya, kasi mahal nya din naman daw ako. Lumipas ang mga araw, best friends lang kami pero parang kami. Okay naman kami..masaya. Pero biglang isang araw, parang ang cold nya. Hindi ko nalang pinansin baka kasi may problema lang sya. Pero lumipas ang mga araw...ganun padin sya. Bihira nang magtext, hindi nadin sya tumatawag. Kinausap ko sya, kung may problema ba. Kung bakit sya nagkakaganun.
At sabi ko na nga ba...tama ako.. May iba na nga sya. Sobrang sakit! Kasi hindi panga kami, pinagpalit na agad ako sa iba. Sabi ko na nga ba, kaya ayokong mahulog sakanya. Kaya pinipigilan ko, kasi ayan na nga ba..nangyari na. Hindi ko sya kinausap, naiblock nya panga ako sa facebook, kaya binura ko yung number nya. Matagal kaming hindi nag-usap, ilang buwan din. Kasi masakit eh. Ikaw na nga nagmahal, ikaw pa yung niloko. Haaay. Pero after ng ilang buwan, naka-move on nadin ako. Napatawad ko na sya. Nagkausap kami, naayos naman namin yung naiwan naming gulo. Kaya lang nasaktan ako, medyo nawala na yung tiwala ko sakanya. Pero okay na kami ngayon..magkaibigan kami. Siguro ganun lang talaga ang buhay..kailangan nating masaktan para matuto tayo. Salamat nadin sakanya kasi madami akong natutunan sa nangyari..
Kaya nga ngayon, ayoko nang magpadalos-dalos. Kahit pa nakakainggit yung mga couples sa paligid ko, alam kong dadating din yung araw na ako naman ang sasaya. Baka natraffic o naligaw lang yung taong nakalaan para sakin. Hayaan mo't magkikita din kami..hindi man ngayon, pero siguro sa tamang panahon :)
itutuloy......