Yung nangyari kagabi, parang wala na sakanilang dalawa yun. Hindi nga awkward para sakanila e. Nagtawanan pa nga pagkatapos nung eksena na yun. Ako pa nga ang hindi komportable ngayon. Lalo na't nakita ko yung ganung pangyayari.
Gusto ko silang layuan kaso hindi ko magawa dahil kay Gaia. Si Gaia lang iniisip ko. Hindi ko pa kasi alam ang plano ni Horace. Hindi pa kami nag-uusap.
Kapag may lakas naman na ako ng loob para kausapin siya, lagi siyang busy. Hindi ko na alam! Kaya hangga't 'di ko pa alam ang plano ng pinsan kong 'to, hindi muna ako lalayo kay Gaia.
Marami pa rin pumapasok sa utak ko na mga what if. Hanggang ngayon, hindi ko pa masagot-sagot.
"Hoy! Tara!" Masiglang sigaw ni Gaia. Nandito siya sa condo ni Horace. Dito ako natutulog. Minsan naman kasi wala si Horace kaya dito niya na ako pinatuloy.
"Ha? Where?" Tanong ni Kirsten. Nandito rin siya kasi sinama ni Gaia. And yes! Close na kami ni Kirsten. Bukod kay Xiara at Gaia, kaclose ko na rin siya. Palagi nga kaming inaasar ni Gaia na bagay daw kami. 'Di niya alam, siya lang gusto ko.
Sa tuwing sinasabi yun ni Gaia sa amin, sabay kaming tatawa ni Kirsten tapos tatahimik saglit at magtitigan tapos tatawa ulit. Masaya naman kasama 'tong si Kirsten. Kilala na rin ni Xiara dahil nung minsan kong kinausap si Xiara sa videocall, bigla siyang naki-epal. Nagulat pa nga nun si Xiara na puro tanong kung magkaano-ano raw ba kami. Nung una masama loob nila sa isa't isa kasi raw inaagaw daw ako ni Kirsten. Tawa lang ako nang tawa sakanilang dalawa.
Sa totoo lang, may balak daw pumunta rito si Xiara. Baka paggising ko, away na nila ang maririnig ko. Jusko!
"Sa park! Tagal ko nang 'di nakakapunta. Ano, tara?"
"I'm in!" Sabi ni Kirsten.
"Game." Sabi ko naman. Sabay-sabay kaming tumingin kay Horace habang may kinakalikot sa laptop niya.
"Ha? Park? Sure." Sabi niya na kinatuwa ni Gaia. Mabilis siyang nagbihis. Kinuha niya rin ang camera na niregalo sakaniya ni Horace.
Reregaluhan ko rin sana siya ng paborito niyang human-sized na spongebob kaso pinigilan ako ni Kirsten. Masyado raw magtataka si Gaia kapag ganun. Mahahalata rin. Kaya hindi nalang. Si Kirsten nalang binilihan ko ng bracelet kahit ayaw ko siyang bilhan. Nagpumilit e.
Nang makapunta kami sa park ay halos puro pamilya ang naroon. May nagbebenta ng sorbetes pati mga laruan. May nagpapalipad pa nga ng saranggola. May mga design na rin ang park. Ngayon lang ako nakapunta rito pero sobrang natutuwa ako. Miss ko ang pagkabata at dahil masaya rin si Gaia na kumukuha ng mga litrato ng mga bata. Mahilig nga pala siya sa mga bata. Nitong mga nakaraang linggo ay hilig niya rin ang kumuha ng mga litrato.
"Horace! Picture-an kita!" Masiglang sabi niya. Nguniti naman si Horace atsaka nagpose na parang model ang dating.
"Ay hala! Ang hot naman!" Sabi pa ni Gaia na may kasama pang hagikgik. Hot din naman ako ah!
Umupo muna kaming dalawa ni Kirsten kasi sila lang naman ata ang nagsasaya e. Para kaming hangin. O baka ako lang ang nakakaramdam. Habang nabili si Horace ng ice cream, pinicture-an pati yun ni Gaia. Mukhang tuwang-tuwa.
"Edi sila na.." Bulong ko sa sarili. Para akong bata rito pero nakakainggit naman kasi e.
"Inggit ka lang e." Sabi naman ni Kirsten.
"Ano?" Tanong at tumingin ng masama sa katabi ko.
"Wala. Sabi ko ang cute cute nila." Parang ewan naman. Kanino ba siya kampi?
Syempre kay Gaia. Mas close sila.
Oo nga naman kay Gaia.
"Caleb! Picture-an mo kami ni Horace, please?" Sigaw ni Gaia.
"A-ano... ah" Hindi ko alam sasabihin ko. Paano ba?
"Ako nalang, Dale!!" Prisinta ni Kirsten kaso ayaw ni Gaia.
"Ayaw ko! Blurred ka kumuha. Caleeeeb!"
Huminga ako nang malalim atsaka pumunta sa kanila. Nag-aalangan man, sige. Basta para kay Gaia, okay lang.
Kaso ang kinakatakot ko baka magwala lalo ang puso ko at baka marinig niya.
Iniabot niya sa akin ang camera niya at pumunta sila may seesaw at saka sila nagpost. Kitang-kita ko mula rito sa camera na hawak ko kung gaano sila kasaya.
Ganito ba talaga manakit ang tadhana?
Sumunod naman ay magkatabi silang dalawa at nakaakbay si Horace kay Gaia. Habang may hawak silang dalawa na ice cream.
Paano ko ba natitiis 'to?
Pati sarili ko sinasaktan ko na rin e. Kasalanan ko ba? Hindi naman e. Hindi ko naman kasalanan na siya yung minahal ko. Hindi ko alam kung bakit sinusunod ko si Gaia kahit na alam kong nasasaktan lang ako. Katulad ngayon. Nakangiti siya pero hindi sa akin. Kay Horace, sa pinsan ko.
Andami nilang pinuntahan na spot. Sa bawat kuha ko ng litrato, pakiramdam ko iiyak ako nang wala sa oras. Pucha naman!
Huwag kang tutulo!
Matatapos pa ba 'to? Kung pwede nga lang sarili ko ang mamili nang mamahalin, hindi sana ako nasasaktan e. Kaso buong sistema ko ang pumipili. Kaya heto, nasasaktan na ako.
Inabot ko sakaniya ang camera at tinignan niya ang bawat litrato. Ang lapit niya lang sa akin kaya dumistansya ako unti. Naiilang ako baka marinig niya yung sigaw ng puso ko.
"Ang ganda naman! Salamat Caleb!" Sabi niya na may ngiti. Pero hindi kasingganda nang ngiti na pinapakita niya kay Horace. Yung ngiting may pagmamahal. Kailan ko makikita yun? Kailan niya ipapakita sa akin yun? Sa harap ko, kailan?
"Thank you talaga Caleb!!!" Sabi niya atsaka namula ang pisngi. Kinikilig.
You're welcome, Gaia. Basta ikaw. Kahit masakit, basta para sa'yo.
-----------------
Yuli: hello po! Katulad sa ibang author, meron din po tayong portrayer for each character!!!
And sasabihin ko po ngayon. Ieexplain ko rin po kung bakit sila yung pinili ko.
Lee Jae Wook as Horace
-napili ko po si Lee Jae Wook kasi iba yung aura niya for me. He's soft inside naman pero when you look on his face, mukha siyang seryoso and masungit. Yung face niya talaga pang celebrity yung dating. Search niyo po!Lee Naeun as Dale
-when you look on her face, masasabi mong bubbly talaga siya. Yung tipong makikita mo pa lang, mapapangiti ka na. I saw her drama po especially sa Extraordinary you, mukha siyang nakakaawa doon. Para tuloy nakikita ko sakaniya si Dale. Search niyo rin po, April's Naeun.Kim Inseong as Caleb
-Inseong is too cute for me. Ayoko ng mukhang seryoso si Caleb. Gusto ko soft siya inside and outside. Yung tipong paggising mo ng umaga, siya na bubungad sa'yo tapos mapapangiti ka nalang. Search niyo po, SF9's Inseong.Chai Wei as Kirsten
-kung nagtataka po kayo kung bakit chinese, wala lang. Cute kasi si Chai Wei. Pinanood ko yung bago niyang drama together with Angel Zhao and Lai Kuanlin. Ang cute ng character niya doon. Baby face. Ganun yung nakikita ko kay Kirsten everytime na pinapasok ko siya sa story. Search niyo rin po!Kim Hyeyoon as Xiara
-pinili ko si Hyeyoon kasi may pagkasoft siya pero may pagka badass rin. Kung nakita niyo sa Legend of the Blue Sea at kung napanood niyo yung drama niyang Extraordinary you. Gusto kong si Hyeyoon ay si Dale pero binabase ko kasi sa personality. Masyado kasing maangas si Xiara. Don't worry, ipapasok ko rin sa mga next chapter si Xiara. Abang lang po! Search niyo rin po.Krystal Jung as Livia
-bukod sa matured tignan si Krystal, maganda pa. And I searched din po at binagay ko yung mukha ni Jae wook at Krystal, bagay po hehe. Mukha rin kasing professional si Krystal, kaya siya talaga ang pinili ko! Search niyo rin po!Yan lang po! Thank you! If you have a suggestion, message niyo lang po ako.
Pagpatuloy lang po ang pagbabasa! Love y'all ♡
YOU ARE READING
Entries From Dale | ✔
FanfictionSa kagustuhan ni Dale na mapansin siya ni Horace gumawa siyang maraming-maraming sulat para sa binata. Ngunit nababasa ba talaga ni Horace lahat? O balewala lang lahat ang mga sulat ni Dale?