Liham

3 0 0
                                    

Ang mga liham ni John Dick

Unang liham:

October 29 1995
To Colonel William Hill

"Ako ay si John Dick, ako'y mayroong Amerikanong ama, at isang Vietnamese na ina. Ako'y 26 na taong gulang at sumusulat upang sumali sa guera laban sa Vietnam sa panig ng Amerika."

Bumabati , John Dick

Si John Dick, isang Amerikano - Vietnamese soldier. Ang mahirap at magiting na buhay nya sa loob ng militar ng Amerika ay tumulak sa kanyang pagpapasya na sumali sa guera laban sa Vietnam o ang Vietnam War. Siya'y pinalaki ng isang magiting at kilalang amang Amerikano, at isang maaruga at matalinong ina.

Si Vihn Dick, ang ina ni John, lubos nya ng kinalimutan ang pagiging Asiyano, bagkus siya'y lubos ng linamon ng mga kultura at pagiisip ng mga Amerikano. Siya'y namatay dahil sa isang aksidente noong si John Dick ay nagsimula sa militar na lubos na bumago sakanya.

Si Henry Dick, ang striktong ama ni John, isang war veteran na madami ng napatunayan, siya'y lubos na hinahangaan ng kanyang nagiisang anak. Nakilala nya ang kanyang pinakamamahal na asawa sa isang barko papunta sa Amerika, kung saan si Vihn ay papaalis na galing Vietnam.

Ikalawang Liham:

October 30 1995
To Henry S. Dick

"Ako'y bumabati aking ama, ako'y pinayagan ng lumuwas papuntang Vietnam upang lumaban. Sana'y ako ay makabalik ng maayos at ako ay dadalaw agad sa inyo. "

Nagmamahal, John Dick

Sa pagdating ni John sa Vietnam ay siya'y naiiatas sa sarili niyang grupo. Bala, pagsabog, at kamatayan ang unang sumalubong sakanila. Ngunit ito man ay kagustuhan o napilitan, sila'y wala ng aatrasan. Nasa Amerika ang mga malalakas na sandata, maaring masabing mananalo sila ngunit nabatid ni John sa kanyang mga mata ang matinding pinsala na kanyang nagawa, at napagisipang ito ay pagkakamali.

Ikatlong Liham:

November 3 1995
To Mary Johnson

"Unang araw sa guera laban sa sariling lahi. Lima ang nalagas na puti ngunit daan na ang nalagas na dilaw. Ang aking tanong sa sarili, 'ako ba ay dilaw o puti?' Ito ay maaring maging huling liham ko. Ngunit magkikita rin tayo. "

Nagmamahal, John Dick

Realisasyon o pagkatakot? Sa trauma at kamatayan na nakita ni John, siya'y nakapagpasyang takbuhan ang kanyang pangkat, upang tumulong sa mga taong kanilang napinsala. Siya'y nagkaroon ng matinding awa sa kanyang mga kababayan .

Ikaapat na Liham:

November 16 1995
To Mary Johnson

May ginawa akong kataksilan, sana'y mapatawad mo ako. Ako ay tumakbo at iniwan ang aking pangkat. Aking iniirog, ito'y patago kong inilagay sa barko. Huwag mong sasabihin kahit kanino, ngunit ang mga tao dito ay napakabubuti, sila ay mga biktima lamang, dapat mo akong tulungang patigilin ang guera.


Nagmamahal, John Dick

Sa pagtakas ni John, ay nabaril siya sa kanyang braso, dahil sa matinding pagkatakot na siya'y mahuhuli, tumakbo siya papunta sa gubat. Sa kanyang paglalakad ng ilang araw ay may nakilala siyang isang pamilyang Vietnamese. Sila ay hindi nagpasiyang tulungan agad si John dahil sa kanyang tama at tinulungan nila ito. Ang pamilyang Vietnamese na tumulong kay John ay namatayan ng isang anak sa guera, siya'y napatay ng kapwa Vietnamese dahil sa lubos na takot.

Ikalimang Liham:

November 18 1995
To Colonel William Hill

Colonel, kaylangan mo akong tulungan, itigil ang guera laban sa mga Vietnamese, tayo ay mga napipinsalang mga inosenteng pamilya. Nakita ko ang kabaitan at kahusayan nila.

John Dick

Ngunit si John ay hindi pinakinggan. Sa umaalab niyang pagmamahal sa kanyang kababayan, siya'y lumaban at pinagtaksilan ng kanyang mga kababayan hangang sakanyang huling hinnga.

Siya'y namatay sa pagtatanggol ng mga Vietnamese. Ngunit ang kamatayan niya ay may napuntahan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Mga Liham Ni John DickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon