Kabanata 39

6.6K 89 7
                                    


Khloe's POV:

Nagising ako dahil nanaginip ako na nandito daw ako sa bahay nila ni mommy.
Nang iminulat ko na ang mata ako ay bigla na lang ako nagulat.

Dahil inilibot ko ang nga mata ko sa kabuan ng kwarto ko kong ano kalaki ang kwarto ko sa bahay ni Kaizer pero mas doble doble ang laki ng kwarto ko ngayon.
Kaya napag-isipan ko na din na pumunta ng CR.
Mangha ang nagiging sagot ko sa bahay na to ngayon.
Nagmadali akong maghilamos at naghanap ng masusuot sa walk in closet ko.

Hindi namn ako nagkakamali madami akong damit sa walk in closet kasyang kasya sa akin kaya napag-isipan kong napaghandaan talaga nila ni Mommy na dito talaga ako matutulog sa bahay.

Pagkatapos kong magbihis ay napatingin ulit ako sa kwarto ko at lumabas na. Habang tinatahak ko pababa ang hagdan ay kinakabahan ako ewan ko ba.

Pagkadating ko sa baba ay may naaamoy akong niluto kaya naglakad ako papuntang kusina.

Pagkadating ko sa kusina ay sumilip muna ako kung sino ang nagluluto.
Napangiti na lang ako dahil sa nakita ko. Dahil si mommy ang nagluluto baka tataba ako nito pag nagkaon hahaha..

Nakatingin lang ako sa kanila na sobrang busy at hindi pa nila napapansin ang presinsya ko.

Hahakba na sana ako ng lumingon si mommy sa kinatatayuan ko at ngumiti sa akin.

"Good morning baby, how's your sleep?" bati at tanong nito sa akin.

"It's Good mom, pero nabigla lang ako dahil nasa ibang kwarto ako hehehe.." napatawa namn si Mommy at pinuntahan ako sa pintuan.

"Ikaw talaga, wala ka kasi sa sarili kagabi kaya hindi mo napansin yung kwarto mo." nakangiting sabi sa akin ni mommy.

"Mommy namn."

"Joke, umupo kana doon at pinaghanda ko kayo ng pagkain at pupuntahan ko pa yung daddy mo na tulog mantika doon sa taas." natawa namn ako sa sinabi ni mommy.

"Or gusto mong tayong dalawa ang gumising sa kanya ano deal." nakasmirk pang sabi sa akin ni mommy. May pagkaisip bata din tong si mommy eh..hindi man lang naawa kay Daddy.

"Mukhang maganda ang naisip mo mommy. Tara" tumango namn si mommy at naglakad na kami.

Habang paakyat kami sa taas ay may naiisip akong kakaiba na kong paano gigisingin si Daddy. Napangisi na lang ako dahil doon. Paano kaya kong sabihin ko din kay mommy yung iniisip ko.

Lumingon namn ako kay Mommy at nakita ko din syang nakangisi pero ewan ko lang kung anong balak nito.

Basta yung sa akin kasi dadaganan ko si Daddy para gising agad hahaha..

Pagkadating namin sa taas ay dumeretso na kami sa kwarto nila mommy at nakita ko nga na sobrang dilim dahil sa kurtina nakatakip sa sliding window.

Napag-isipan ko muna na buksan ang kurtina bago ko gawin ang binabalak ko kay Daddy.

Nang binuksan ko ang kurtina ay biglang lumiwanag dahil sa sikat ng araw. Nakita ko namn na nagsign si mommy ng stop at biglang nagsign ng Go para tumakbo ako at dinaganan si Daddy na natutulog.

Narinig ko namn na napaaray si Daddy ng dahil sa ginawa ko. Si mommy namn ay nakita kong nakatayo lang sa gilid ng kama habang yung tiyan nya ay hinahawakan nya. Napayakap namn ako kay Daddy habang naririnig ko parin yung aray aray nya.

May naramdaman na lang ako may yumakap sa akin pero nakadagan parin ako kay daddy.

"Hubby and Baby, tingin kayo dito sa akin. Say Chesse!!" napatingin namn kami ni Daddy kay Mommy at nakita namin na  may hawak syang camera.

MR. CEO'S SECRET WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon