“Alam ko kahit di mo ko naririnig o nakikita ngayon, magkekwento pa rin ako. Nagbabakasakali pa rin ako.” Sambit ko, sabay hawak sa kanyang kamay.”Nakakatuwa nga kung iisipin mong magkikita ulit tayo dito. Tanda mo pa ba nung una tayong nagkita. Limang taon din yon. At sa lumipas na limang taon, etong bracelet na ibinigay mo sakin naitago ko pa rin. Parang kahapon lang, no?”
5 taon ang nakaraan….
Kumikinang ang mga ilaw, sa dilim ng gabi. Maganda man kung pagmamasdan ngunit hindi iyon ang ipinunta ko at wala akong hangaring pumunta dito. “Bakit nga ba ako pumunta dito?” tanong ko sa sarili. Bumalik ang isip ko sa bahay kung saan niyakag ako ng pinsan ko sa isang party. Sabi niya masaya, pero eto ako ngayon nakaupo sa isang sulok at siya lang ang nagsasaya. Tutal naman at nagugutom ako, mabuti pang pumunta na lang ako ng buffet table at kumuha ng pagkain. Pagkabalik sa upuan, may biglang umimik “ Miss, ba’t niyo tinapakan sapatos ko?”. Dahil di ko alam kung san nanggaling, lumingon ako at napatingin sa taas. “M-multo ka ba?!” tanong ko, sabay atras. “Uhm, dito sa may harap mo, dito sa upuan.” sagot niya. Napatingin ako sa harap at nagulat sa nakita ko, “Teka kelan ka pa nandyan?” tanong ko. “Ang totoo nyan, kanina pa ko nandito.” sagot niya. Sa kinalalagyan nya, isang upuan lang pala ang pagitan niya sa upuan ko. Ang tagal kong nakaupo ngunit di ko siya napansin. “Pasensya nga pala sa sapatos mo, para ka kasing multo eh.” sambit ko“Ayos lang, palagi naman akong napapagkamalang multo.”sagot niya, sabay ngisi.Paano nga naman di ka pagkakamalang multo, ang tamlay ng boses mo, at parang anino ka lang diyan sa isang sulok.
At dahil sa hindi inaasahang pagkikita nabuo ang isang usapan:
“Darla nga pala, ikaw?”
“Rex.”
Siya si Rex, di gaanong katangkaran, di rin naman pandak. Sa sobrang puti ng balat niya, tila hindi siya nasisikatan ng araw. Puno ng kalumbayan ang kanyang mga mata na natatago sa buhok niyang nakatabing sa kanyang tainga.
“Ang tipid mo namang magsalita, bakit ka naman napunta dito?”
“Wala lang, eh ikaw, Ba’t ka nandito?”
“Nauto ng pinsan ko.” sabay tawa.
“Andali mo naman palang magpadala, din na ko magatataka kung papayag ka kapag may nag-alok na magsayaw sayo.”
“Ayan naman pala eh, madaldal ka rin pala.
Matagal na pagpapalitan ng iniisip din ang nangyari hanggang sa nauwi sa usapan sa college.
“Di ba sabi mo graduating ka?” tanong ni Rex
“Oo, bakit?” sagot ko
“Anong kukunin mong course?”
“Nursing, kasi yun ang gusto ni Nanay, eh kitang kita naman na sobra-sobra na ang nars dito sa atin, pinagpipilitan pa rin.”
“Alam mo maganda rin mag-nurse, kasi baka magkita ulit tayo sa ospital.”
“Huh? Ano?!”
“Hindi, wag mo nalang isipin yung sinabi ko, teka, ano ba gusto mong course?”
“Yun ba? Kahit ayaw ko magnursing, wala akong maisip na course na gustong gusto ko.”
“Eh di mag-nursing ka nalang, wala ka naman palang maisip eh.”
Sa sinabi niyang, “baka magkita ulit tayo sa ospital” napuno ako ng pagtataka. Ano nga bang gusto niyang iparating? Nagpatuloy ang usapan at ibinalik ko sa kanya ang tanong.
“Ikaw, ano kukunin mo?”tanong ko sa kanya.
“Ako, gusto ko mag-engineer, pero ayaw ng mga magulang ko.”
YOU ARE READING
I'll be your Prince (One Shot)
Teen FictionSi Darla, isang simpleng babae, ay makikilala ang isang misteryosong lalaki, si Rex. Ano ang gagawin ni Darla sa di malamang problema ni Rex. Basahin ang kakaibang love story nina Darla at Rex :)