Wala na sigurong mas titindi pa kung sa lahat ng pwedeng ibigin ng puso mo, ang nabingwit nito ay isang isda na maliban sa hindi mo kayang kainin, hindi rin pwedeng ibenta. Pero hindi naman patapon. Dahil ayaw mong masayang ang inilagi mo kakatunganga para lang may makuha ka sa pinain mo sa dulo ng fishing rod. Binigyan mo ng panahon para lang sa paghihintay kahit mukha ka ng tanga.
Tapos, olats lang dahil sa dulo, hindi pala para sa iyo ang nakuha mo. Pang-midnight snack lang ng pusa mong sabog.
Ganyan ang pag-ibig lalo kung nailaan mo sa akala mo'y tamang tao pero sadyang kahit na anong ikot ng tadhana, hindi magtatagpo sa dulo.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Si Raleigh.
Ang aking pinakamatalik na kaibigan.
Sa loob ng labing-anim na taon naming pagkakaibigan, parang subway siya ng Makati na kabisado ko na ang pasikot-sikot.
Bakit kamo inihalintulad ko siya sa bwakanang subway ng siyudad na iyon? Wala lang, nakaiimbyerna kasing magpaikot-ikot sa lintik na daanang iyon habang tumutulo ang pawis at nangangatog ang puso dahil labing minuto ka nang late sa initialinterview mo.
Tapos biglang humiyaw ang aking not-so-smart phone dahil mukha siyang maliit na calculator kaso wala siyang calculator as feature. Sarap ngang pabitay gumawa nito. May tumatawag habang nagpa-panic mode na ang aking mga agrabyadong brain cells. Speaking of the handsome angel (papagalitan ako ni Lord kung ilarawan ko siya bilang devil eh, amen), si Raleigh, napagtripan akong tawagan sa lahat ng oras sa mundo.
Gusto ko sanang patayin ang cellphone ko kaso naalala ko bigla na homo sapien ako na may manners. Kapag may tumatawag kailangang sagutin. Maliban na lang kung hindi mo kilala yung tumatawag at numero lang ang naka-register sa screen ng cellphone mo. Pwede kang maging bastos at lunukin ang tumataginting na 95 mong grade noon sa GMRC.
Saka isa pa, best utol ko itong tumatawag. Mas nakakaasar pa sa babaeng mayroon kung magtampo ang mokong na ito. Kaya bago ko bigyan ng panibagong kaiinisan ang sarili ko, kahit harabas na ang itsura ko, sinagot ko na rin.
“Anak ng bwakanang ina, ba’t ngayon ka pa tumawag? Hindi mo ba alam na late na ako?! Mali kasi yung sinabi mong direksyon, letse ka! Pakamatay ka na!”
Bigla kong nasigaw.
Oo, sa maniwala ka’t sa hindi, top notcher ako sa manners.
Obvious naman di ba?
“Aww…ang sweet mo naman best. Mauna ka muna, sunod ako. Pag trip ko na.” Ang sarkastiko niyang sinabi.
“Mamaya ka na nga tumawag, hindi makapag-focus itong isip ko. Lalo pa’t panic mode na ako, okay?”
“Oo na. Madedo ka pa sa altapresyon. Sige, tumawag lang ako kasi gusto kong sabihin na, “good luck” sa interview mo.”
“Sana nag-text ka na lang. Patawag-tawag ka pa, pwe. Tingin mo sweet ka na nyan? Utot mo.”
“Alam mo namang lalo kang magagalit kung nagtext ako kasi nga patay ang context ng message dahil sa jejemon lingo ko.”
“Anak ng—oo nga. Letse, bye!”
“Bye!Mwuah tsup tsup!”
“Kadiri! Bye!”
Pero imbes na ako yung magbaba ng tawag, siya na mismo ang gumawa noon.
Ganyan ang daloy ng pag-uusap namin kapag: a.) umaatake ang altapresyon ko, kung saan kapag nasobrahan pwede na akong makipag-eyeball kay Kamatayan, b.) may hebigat akong PMS kung saan ngumunguya ako ng isang banig ng Mefenamic Acid as merienda at c.)bagong gising ako sa kamalayan ng mapang-aping mundo kaya h’wag mo akong sasampulan ng inaamag mong banat.
BINABASA MO ANG
Ang Pinakamasaklap na Status: Walang Hanggang Friendzone
RomanceTungkol sa walang kasawa-sawang pag-iibigan na sadyang kailangang iumpog sa sandamakmak na gayuma upang magkatugma. Dahil hindi dapat magpatalo ang isang taong umiibig dahil lamang hindi tinirador ni Kupido ang pusong dapat tumibok para sa iyo. With...