Hindi ko na nga naabutan sila Mama pagkagising ko. Tanging si Era na lang na nagluluto ng sausage ang nakita ko.
"Be, dagdagan mo pa ng isang lata yang niluluto mo." sabi ko dito. Mukhang hindi man lang niya naisip na may kasama pa siyang kakain.
"Wag na. Tatlo lang naman kakainin ko dito. Sayo na 'yung natira."
Kumunot naman ang noo ko, "Diet?"
"Hindi kaya!" sagot nito at inambang ipapalo sakin ang sandok na hawak, "Kung ayaw mo edi magluto ka ng sayo!"
Natawa ko dahil halata namang defensive siya. Na-conscious siguro nang sinabihan kong mataba kagabi.
Pagkaluto'y kumuha nga siya ng tatlo at isang hiwa ng loaf bread saka nagdere-deretso palabas ng kusina. Hindi pa siguro tapos mag-ayos. Nakapulupot pa kasi sa buhok niya ang towel niya panligo.
Nagtimpla naman ako ng gatas saka naglagay ng isang takal na kanin sa plato. Nasanay ako sa Manila na mag-heavy meal tuwing breakfast kasi malas yata ako dahil ang papanget ng schedules ng lunch break na nakukuha ko.
Bago pa ko matapos kumain ay nagpaalam nang aalis si Era, "Anong oras ka uuwi?" tanong ko dito habang inaayos ang kanin at ulam sa kutsara ko.
"Bago po mag-six, Mama."
"Isang buong araw kang wala?"
Nadaig pa ko ng batang 'to. Kami nga kung gumala ni Alex wala pang five hours, tapos 'tong trese anyos kong kapatid aabutin na ng dilim sa daan.
"Sa June pa kami ulit magkikita-kita, Ate. Syempre susulitin na namin," tumingin 'to sa relo niya bago nagpatuloy, "Si Mama nga hindi nag-react nung sinabi ko kung anong oras ako uuwi."
Umirap ako ng pabiro dito, "Oo na, oo na. Dadaan ka bang Liz Mall? Uwian mo ko ng milktea."
"Wow, Ate. May pabaon ka?"
Tinignan ko lang 'to saka imwinestrang umalis na siya. Dami pang sinasabi, ibibili din naman niya 'ko.
Pagkakain ay namahinga ako sandali't binigayan ng pagkain si Patchi saka napagpasyahang magwalis ng bahay.
Bata pa lang ay tinuruan na kami ni Mama na kailangan magwalis tuwing umaga. Parehong busy ang mga magulang ko at sigurado naman akong hindi magwawalis ngayon ang kapatid ko dahil sa lakad niya. Feeling ko nga din sa akin niya na iaasa buong bakasyon ang pagwawalis dahil minsan lang ako mauwi.
Habang winawalis ko ang ilalim ng kahoy na sofa ay may nahagip akong matigas na bagay sa ilalim.
Tinulak ko pa ng 'to ng konti hanggang lumitaw sa may paanan ko ang isang lumang itim na libro. Nakataob ito kaya hindi ko makita ang title.
Akmang kukunin ko na sana ang libro nang biglang may tumawag sa pangalan ni mama galing sa labas. Binitawan ko ang hawak kong walis saka nagmamadaling lumabas ng bahay.
"Tita Berna!" masayang pagtawag ko sa ginang na nasa labas.
"Aba, Ara nakauwi ka na pala."
Si Tita Berna ang bunsong kapatid ni Mama. Para silang ako at si Era dahil dalawa lang din sila at pareho pang babae. Hula nga din ni Tita na isa samin ni Era ang magkakaanak din ng dalawang babae.
Tumango ako dito saka masayang binuksan ang gate, "Opo, Tita. Kahapon pa po." sabi ko saka nagmano dito.
"Mabuti at nang may kasama ang kapatid mo dito."
"Nako, ako nga po ang iniwan. May lakad po ngayon kasama ang mga kaibigan niya." sabi ko habang sinasara ang gate.
Natawa naman ito bago nagsalita, "Aba palagi ngang sinasabi sakin ng pinsan niyong nakikita niya daw sa Mcdo ang Ate Era niya."
BINABASA MO ANG
Tadhana Nga Ba?
Teen Fiction𝗛 𝗜 𝗔 𝗧 𝗨 𝗦 Hindi inakala ni Ara na ang pag-uwi niya sa Santa Nordes para sa summer vacation ang gugulo at babago sa buhay niya. Dahil sa isang bibliya, pluma, at hiling mula sa puso, ang mga katotohanang nakatago sa pahina ng nakaraang h...