"Ang Tibok ng Puso"

116 3 0
                                    

May isang iskolar, matalino, at palabiro pero mahiyain na lalaki na ang pangalan ay “Ben”. Siya ay nasa ika-sampung baitang (Grade 10) sa isang sikat na pribadong eskwelahan. Siya ay may mga mabubuting kaibigan na sina Gela, Roby at Sayeed. Sila ay parang isang magkakapatid dahil sa kanilang kakulitan at palaging masayahing barkada.

Isang araw, may ka-chat si Ben sa Facebook na si Lelix. Si Lelix ay kapitbahay at kamag-aral ni Ben. Umabot ang kanilang komunikasyon ng dalawang oras, hanggang nagpaalam na si Lelix dahil may gagawin pa siya. Dahil sa chat, nagkalapit sila lalo sa isa’t isa at naramdaman nalang ni Lelix na mabilis ang pagtibok ng kanyang puso tuwing naaala niya si Ben. Dali dali pumunta sa humarap sa salamin si Lelix at tinanong ang kanyang sarli, “Ano na ang nangyari sa aking sarili? Ba’t mabilis ang tibok ng puso ko? Anong itong nararamdaman kong ito?’’ Pagsapit ng gabi habang si Ben ay nakahiga sa kama at bigla niyang naisip si Lelix, “Ano kaya ang ginagawa ni Lelix ngayon?”. Tumayo si Ben at tumingin sa labas ng kanyang bintananang bigla niyang nasulyapan niya si Lelix. Si Lelix din ay nakita niyang sumulyap si Ben sa kanya at sabi niya kanyang sarili sabay kinikilig, “Bakit kaya sumulyap si Ben? Hahaha”. Ngumiti si Ben at gayun din si Lelix. Humingi si Ben ng cellphone number kay Lelix. Nagtetext sila at sabi ni Ben, “Lelix, libre ka ba bukas ng pagkatapos ng klab aktibidad?”. “Oo, libre ako bukas pagkatapos ng klab aktibidad, ba’t mo naitanong Ben?” sabi ni Lelix. “Pwede ka bang yayain magmerienda at magpasyal sa mall at sasabay ako uuwi?” sabi ni Ben. “Ahmm... Sige, okay na okay pero hindi tayo magtatagal sa mall ha? Baka mapapagalitan ako ni nanay paguwi ko, naku lagot ako ” sabi ni Lelix. “Sige sige, akong bahala sa iyo. Hehehe. Lel, mukhang napapagod na ang mata ko, mauuna na siguro akong matulog. Sige, good night Lelix. Kitakits nalang tayo bukas sa paaralan natin” sabi ni Ben. “Sige, ako din, matutulog na din ako, good night din Ben” sabi ni Lelix.

 Sa tanghalian sa paaralan, nagtitipon sina Ben, Gela, Roby at Sayeed. “Ben! Ano ang chika natin diyan?” tanong ni Gela. “Ahmm...wala naman akong chika” sabi ni Ben sabay ngiti. “Weh? Meron kaya ‘yan, ba’t ka nakangiti diyan?” sabi ni Roby. “Yung inspirasyon mo Ben?” tanong ni Sayeed. “Sige na nga, makulit kayo” sabi ni Ben. “Hahaha! Kami pa!” sabi nina Gela, Roby at Sayeed. “Sino nga Ben?” sabi ni Gela na mukhang interesado malaman. “Si...crush ko. Hahaha!” biro ni Ben. “Ikaw talaga Ben palabiro” sabi ni Gela. “Kung hindi ka magsasabi  kung sino, librehan mo kami ng Magnum. Ano Ben? Sabi o Magnum?” sabi ni Roby. “Naks naman niyan Roby. Sige na, sasabihin ko na”. sabi ni Ben. “Ben, sino ba?” tanong ni Gela. “Kapitbahay ko siya at nasa ika-walong baitang (Grade 8)  siya ditto sa ating paaralan ” sabi ni Ben. “Ayeeee” sabi nina Gela, Roby at Sayeed. “Ibigay mo kaya Ben ang kanyang pangalan para ma-add naming sa Facebook” sabi ni Gela. “Siya ay si Lelix.” Sabi ni Ben. “Guys! may sampung minuto nalang tayo baka malate tayo” sabi ni Roby. Bilis bilis sila pumapasok sa kanilang Paaralan. 

 Pagkatapos ng klab aktibidad sa lobby ng paaralan nina Ben at Lelix.. “Lelix!” sigaw ni Ben. “Ui Ben!” sabi ni Lelix kay Ben. “Ano Lelix, punta na tayo sa mall”” sabi ni Ben kay Lelix. “Sige, tara na” sabi ni Lelix. Sumakay sina Lelix at Ben ng dyip papuntang mall. Pagdating nila sa mall, pumunta sila sa Chowking para magmerienda. Pagkatapos ng kumain sa Chowking ng mall, pumasayal sila at nagpapicture sa Konica. Pagkatapos nilang nagpapicture, umuwi agad sila. Nang umuwi na sila, sumakay sina Ben at Lelix ng dyip papunta sa kanilang bahay sa Hillside Subdivision. Nang nakarating na sila sa Hillside Subdivision,  nagusap muna sina Ben at Lelix, “Ben, ba’t ikaw nagbabayad  palagi? Meron naman akong pera dito eh. Nakakahiya naman na ikaw ang naglilibre palagi ” sabi ni Lelix kay Ben. “Ok lang ‘yun Lelix, basta ikaw walang problema ‘yan. Minsan lang ito.” sabi ni Ben. “sige, papasok na ako sa bahaty naming. Maraming salamat talaga Ben dahil napapasaya mo ako. ” sabi ni Lelix sabay malaking ngiti. “Walang anuman ‘yun Lelix, sa uulitin. Sige, text-text nalang tayo mamaya pagkatapos ng gawain pambahay” sabi ni Ben.

Nang nagtext na si Ben ni Lelix na “Hi Lelix!”, agad nagpaload si Lelix. Pagkatapos nagpaload si Lelix, nireplyan agad niya si Ben nang “Hello Ben! Sorry hindi agad ako nakasagot dahil naexpire na ang aking unlitext kanina” sabi ni Lelix. “Okay lang ‘yun Lelix, at least nakareply ka. Lelix, may sasabihin sana ako ngayong Lunes ng hapon pagkatapos ng klase” sabi ni Ben sabay kaba. “Ano ‘yun Ben? Ngayon nalang Ben. Interesado akong malaman ‘yan” sabi ni Lelix. “Wag, Lunes nalang.” reply ni Ben kay Lelix. “Ah, sige.” sabi ni Lelix kay Ben. “Magkita tayo sa Peace Garden sa Lunes” sabi ni Ben. “sige sige. Ben, mauuna na akong matulog kasi may pantas-aral pa kami bukas at saka sa lingo. Good night Ben.” Huling text ni Lelix kay Ben. “Good night din sayo Lelix. Ingat ka palagi” sabi ni Ben. 

Sa Lunes ng hapon… Pumunta agad si Lelix sa Peace Garden sa kanilang kung saan tumugon si Ben kay Lelix. “Saan na kaya si Ben?” tanong sa sarili ni Lelix sa kanyang sarili. Naghahanap si Lelix kung saan si Ben, ‘yun pala nasa likod ni Lelix si Ben. “Lelix, tumingin ka sa likod  ” sabi ni Ben ng dahan dahan. “Ui Ben” sabi ni Lelix. Hinawakan ni Ben ang kamay ni Lelix atb sabi, “Lelix, alam natin na matagal na tayong magkakilala. Pero sa tuwing kapiling kita, tumibok ang puso ko nang mabilis para sayo”. Gumingti si Lelix. “Lelix, shoe ka ba?” sabi ni Ben. “Bakit naman?” sagot ni Lelix. “Pwede ka bang maging shoe-ta (syota) ko?” sabi ni Ben sabay inigay ang tatlong rosas na nasa likod niya na may nakasulat na “Mahal kita Lelix”. Natutuwa si Lelix at hindi mapakali at sabi, “Oo”. Sa matamis na “Oo” ni Lelix, si Ben ay masayang masaya parang nanalo sa lotto at sabi niya kay Lelix “Mahal na mahal kita Lelix”. “Mahal na mahal din kita Ben. Tumitibok din ang puso ko sayo pag kapiling kita parati” sabi ni Lelix. Pagkatapos ‘nun  sabay umuwi sina Lelix at Ben.

Pagkalipas ng isang buwan, nalaman ng nanay ni Lelix na magkasingtahan  sila ni Ben. Ayaw ng nanay ni Lelix na magkaroon si Lelix ng boyfriend o nobiyo pero pinapayagan si Lelix kapag nasa college na siya. Pinagalitan si Lelix ng kanyang nanay. Umiyak si Lelix ng todo at sabi niya sa kanyang nanay, “Nanay, mahal ko si Ben at mahal din niya ako”. “Pero anak, ikaw lang ang nag-iisang babae kong anak at dapat mo ipokus ang iyong pag-aaral” sabi ng nanay ni Lelix. “Pero nay, kaya ko ito. Matalino naman ako at matalino din si Ben” sabi ni Lelix sa nanay niya. “Oo, alam ko. Baka masira ang pag-aaral mo dahil pumasok ka sa relasyon na ‘yan. Kailangan mo na siyang ipagbuwag” sabi ng nanay ni Lelix. “Pero nay... ayoko!” sabi ni Lelix sabay umiyak. “Kung ayaw mo pupunta tayo sa probinsiya ng tatay mo at doon  mo ipagpatuloy ang iyong pag-aaral” sabi ng nanay ni Lelix na galit. “O sige na nay! Makikipaghiwalay na ako sa kanya kahit masakit sa akin at sa kanya” sabi ni Lelix na umiyak at galit sa kanyang nanay.

Tumawag si Lelix kay Ben at sabi, “Ben, alam kung masakit sa iyong nararamdaman at sa akin. Pero kailangan na tayong maghiwalay. Hindi kasi gusto ng nanay ko na magkaroon ako ng boyfriend ”. ”Lelix, hindi ako susuko dahil mahal na mahal kita. Lelix, wag kag sumuko agad ” sagot ni Ben kay Lelix. “Pero Ben, ipatuloy ko ang pag-aaral ko sa probinsiya kung hindi tayo maghihiwalay. Kahit masakit sa aking puso, ikaw parin ang mamahalin ko habang buhay” sabi ni Lelix. “Sige Lelix, naintindihan kita” sabi ni Ben. “Ben, Maghintay ka nalang kapag college na ako kasi papayagan na ako ni nanay” sabi ni Lelix. “Sige Lelix, hihintayin talaga kita” sabi ni Ben. “Hihintayin din kita Ben. Paalam Ben. Salamat sa lahat” sabi ni Lelix at ibinababa ang telepono.

Pagkalipas ng tatlong taon... Si Ben ay nasa 3rd year college sa kursong HRM sa isang Unibersidad ng Cagayan de Oro. Lumipat ng bahay si Ben at ang kanyang pamilya sa Cagayan de Oro nung nakapagtapos ng hayskul si Ben. Si Ben ay wala parin kasintahan dahil sa pangako nila ni Lelix. Hindi inaasahan nagkita sina Ben at Lelix sa Unibersidad at nag-uusap sila. “Lelix! Kamusta ka na? Dito ka din nag-aaral? Matagal na tayong tatlong taon na tayong walang komunikasyon at nagkita muli tayo” sabi ni Ben kay Lelix. “Oo nga. Okay na okay ako dahlia nakita kita. Dito din ako nag-aaral 1st year college na ako sa kursong HRM” sabi ni Lelix. “Nakalimutan mo na ang pangako natin sa isa’t isa?” tanong ni Ben kay Lelix. “Siyempere, hindi ko makakalimutan ‘yon Ben, Mahal na mahal parin kita Ben, wala akong minamahal pagkatapos na natin maghiwalay kundi ikaw lang” sabi ni Lelix. “Mahal na mahal na mahal mahal na mahal kita Lelix. Akala ko nakalimutan mo ang pangako natin. So ano na Lelix? Pwedeka bang maging shoe-ta (syota) ko muli?” tanong ni Ben kay Lelix. Malaking ang ngiti nina Lelix at Ben. “Alam mo na ang sagot Ben...Oo Ben.” sagot ni Lelix kay Ben. Masayang masaya muli si Ben sa matamis na “Oo” ni Lelix at sila ay muling nagsama.

-Wakas-

"Ang Tibok ng Puso"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon