9:13 pm
Dear Bestie,
Akala ko talaga papagalitan ako ni sir.
Tinanong niya lang kung totoo ba yung sinabi ni Jane. So ako, para di mapagalitan, sinabi ko yung totoo.
Na sinabi kong crush ko siya para di na ako matawag na abnormal kasi nakakairita kayang tawagin kang abnormal.
Buti na lang talaga mabait si sir. Sinabihan niya lang ako na Grade 6 pa lang naman daw ako kaya wala pa talaga akong alam sa bagay na iyon.
Tapos sinabi niya sakin na sa paglaki ko, dun ko malalaman ang tunay na kahulugan ng salitang 'crush' at 'pag-ibig'.
"Kasi ginawa ang tao na hindi tapos dahil ang tao ang gagawa ng paraan para malaman ang bagay bagay." Yan yung huling sinabi ni sir bago niya ako papuntahin sa aking classroom.
Di ko nga alam kung Mathematics teacher nga ba talaga siya o ESP teacher? Kasi sa ESP ko narinig yung huling sinabi nya. Hayst! Bahala na nga!
Sa susunod na lang ulit. Gagawa muna ako ng assignments.

BINABASA MO ANG
Crush? Kailangan Ko Ba Nun?
RandomThis story was a real-life story because it was based on the real experiences of the author, WhiteFireAngel. This story title was inspired to the story, "Lovelife? Ano Yun?" by AegyoDayDreamer and the story structure was inspired to the story, "Love...