"Tapusin mo na yang kinakain mo Mics" nag-aalalang sambit ni Andrew.
"Wala kong ganang kumain" matamlay kong tugon.
Tinitigan ko lang ang ulam kong beef steak na hindi ko naubos kahit kalahati.
"Gusto mo subuan kita?" anito tuwang-tuwa.
"Hindi na..." tamad kong sagot
"Bakit ang tamlay mo ha Mics?"
nag-aalalang tanong niya. Nakakunot ang makapal na mga kilay na nagpabagay sa kanyang maamong mukha."Busog lang ako" tipid kong sagot.
"Talaga?" pangungulit niya.
"Oh baka selos ka lang sa dalawang tao sa likod ko" tinaas baba niya pa ang kanyang mga kilay tila nang-aasar.
What? ako magseselos hindi noh? matagal na kaming tapos ng Khalil na yan. I've already moved on.
"Hoy bantayan mo yang bibig mo Andrew baka itapon ko sayo tong ulam ko tutal sawa naman ako diyan eh!" inis kong sumbat kay Andrew.
Napangiwi siya at napayuko halatang tinatago niya ang hurma ng ngiti sa kanyang mga mapupulang labi.
Pasimpleng sumulyap ako sa lalaki at babaeng sa likod ni Andrew. Ngunit nahalata ito ni Andrew at di ako hinayaang makakita.
"Oh akala ko ba?" humalakhak siya ng sobra.
"Ano?" Tinitigan ko siya ng masama parang sinasabihan ko na tigilan mo ako!
Kumupas ang kanyang halakhak at ngiti kaya nagpatuloy siyang sumubo ng pagkain.
—————————————————"Khalil ano ba tong ginagawa mo tapos na tayo" mahina kong bigkas sa bawat pag hikbi ko.
Hinawakan ko ang braso kong pumula sa sobrang lakas ng pagkahila sa akin ni Khalil papunta sa likod ng paaralan kung saan walang masyadong tao at tahimik.
"Sabihin mo mahal mo pa rin ako hindi ba?" lumapit siya sa akin at niyakap ako.
Pilit ko man siyang itulak hindi ko magawa parang dahon lang ang aking lakas kumpara sa kanya.
"Bakit mo ginagawa to Khalil?" Nagdausdos ang aking mga luha habang pinaghahampas ang kanyang dibdib
"Mahal pa rin kita Micah, patawarin mo sana ako" napapaos na ang kanyang boses.
Kinilabotan ako sa mga pinagsasabi niya at ginagawa niya.
Sinubukan niyang hawakan ang aking psingi ngunit umilag ako.
"Huwag mo akong hawakan! Lumayo ka sa akin!" Madali akong nakakalas sa kanyang yakap dahil napanghinaan siya ng lakas.
Namou ang mga luha sa kanyang mata.
"Walang kami ni Keila" mahina ngunit mapait niyang tugon. Pinagmasdan ko ang mukha niyang nanlulumo sa kalungkutan. Nagawa pa sanang maawa ng aking puso dahil minsan ko ng minahal ang lalaking ito pero napalitan ng galit at poot dahil sa panlolokong ginawa niya sa akin.
Kung walang kayo out na ako diyan dahil tapos na nga tayo diba? Ang kapal ng mukha mo.
"Hindi kita mahal, ayan naiintindihan mo na ba? Klaro na ba yan" may halong galit at lungkot ang aking boses.
"Huwag mo sabihin na ayaw mo sa akin dahil mas gusto mo si Andrew!" sigaw nito at may pahalakhak pa.