Ako si Vince. Isang TAE. Kakaiba ako sa isang ordinaryong tae, sapagkat ako'y galing sa pagiging bubble gum. May tatlong araw na siguro ako sa tyan ng lalakeng ito. Di ko kasundo ang mga taeng katabi ko dito sa t'yan sapagkat wala silang alam tungkol sa totoong mundo, di tulad ko na madaming adventure na ang napagdaanan. Isang araw ay naggalawan ang mga tae na katabi ko. sapagkat kami ay iluluwal na. Itatae na kami!! PROOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOT! isang mabilis na ire ang nagpalabas samin sabay. . . *SWWWOOOOOOOOOOOOOSHHH* flush. di ko alam ang mangyayari saken sa poso negro. Wala akong alam sa buhay ng taeng laki sa poso negro, PLOK! Ayun. nalaglag na ko. at palutang lutang sa poso negro. Madaming tae dito, may durog may malaki, meron may mais mais, meron namang me kasamang bulate at ung iba tinubuan na ng lumot Elder tae ang tawag ng mga tae sa taeng may lumot. Sila ung mga sinaunang tae sa poso negro. Dun ko na nakikila ang isang Elder tae na si Lolo Arturo. Si Lolo arturo ay may dalawang taon na sa poso negro eto at di paren nagagawang pataba sa lupa. Ikinuwento ko sa kanya ang karanasan ko sa labas. S'ya ay nainggit sapagkat buong buhay nya ay di s'ya nakalabas sa poso negrong ito. Bilang ganti ako'y kanyang sinamahan sa paglilibot dito sa poso negro. Madaming tae sa paligid at bawat isang tae dito ay may sariling kwento. Habang kami ay naglalakad ni Lolo Arturo ay me nakita kaming nagkakagulo na tae. Pinagkakaguluhan nila ang isang tae, "LOLO bakit po sila nagkakagulo dun sa isang tae na un? " "Isa ung Purista. Purong tae. Galing sila sa mga artista sa itaas. sila ang tinuturing na isa sa mga pinakamabahong uri ng tae dito sa buong poso negro." Ako'y nagtaka at lumapit din. Doon ko nalaman na talagang mabaho nga ang taeng iyon at pinagmamalaki nya na galing sya kay Angel Locsin. Isa s'yang mabaho at kadiring babaeng tae. Sa mga tae, ang pagiging kadiri ay katumbas ng pagiging maganda sa mga tao. Di na ko nag tagal dun dahil wala namn akong pakialam sa taeng iyon. kaya't nagpatuloy kami ni Lolo Arturo sa paglalakbay dito sa poso negro. Ngunit Habang kami ay naglalakad, Ako'y nakabunggo ng isang MALAKING TAE! "HOY! ANU KA BA! TUMINGIN KA SA DINADAANAN MO!! " Nagulat ako at si Lolo arturo naman ay di mawari ang itsura at sabay..... TAKBO ! tumakbo papalayo si Lolo arturo habang sinisigaw ang word na "MONGGO!!" monggo? as in mungo? "DI MU BA ALAM NA GAWA AKO SA MUNGO BATA? " sabi saken ng lalake. "So ano naman?" sabi ko. "ABA! baguhan! tuturuan kita ng leksyon!", sigaw n'ya. Nagdatingan ang iba pang munggong tae, napapaligiran na nila ko nang may sumigaw na isang tae. "BITIWAN N'YO S'YA!!!!" pamilyar na boses. "VINCEEEEEE! " si Randolph! " RANDOLPHH!!! " isa nadin siyang tae. Pero di muna yun ang inaalala namen. sapagkat napapalibutan na kami ngaun ng gawa sa munggo na tae. Isa pala silang makapangyarihang gang dito sa poso negro, "patay na tayo. Randolph" bulong ko ke Randolph". Wag kang magalala, Vince hihinge ako ng tulong sa mga kaibigan ko dito",sabi nya. "MICHAEL! MIRANDA! RAFFY!!!!" sigaw nya. at biglang may tatlong tae sumulpot sa gitna namen at sabay sabing "LUBOG!". Sumunod naman kami at nakatakas kami ng matiwasay sa MUNGGO GANG.
ITUTULOY...💩

BINABASA MO ANG
Pooptastic (The Adventures of Vince)
HumorTuloy po kayo sa kakaibang mundo ng poso negro. Tunghayan ang bawat istorya ng pagkakaibigan, pagibig, pamilya, pagsubok, pakikipagsapalaran at iba pa na sadya namang kapupulutan ng aral at saya.