Chapter 4.
Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa transparent na salamin ng bintana at dumadampi sa balat ko.
Sa unang pag subok ko palang na umupo ay naramdaman ko agad ang hapdi sa balikat ko.
Then everything came back to me. The tragedy that my life has gotten into in just one night. In just a snap of a finger, everything went terribly wrong.
It took me a moment before I fully remembered what happened after I left the house.
The woman who called me and that man who showed up in front of me. Both of them are mystery.
Nagpalinga linga ako ng mapansing hindi ako pamilyar sa kwartong kinalalagyan ko.
Malaki ito dahil nagkasya pa ang isang wooden shelf na nakasandal sa dingding.May nakikita din akong round table na may dalawang mataas na upuan na naka pwesto sa may bandang gilid ng pintuan.
Paglingon ko sa gilid ay mayroong itim na sofa na pinapalibutan ng matatangkad na halaman na nakalagay sa paso.
Sa harapan ko ay may mini table na pinapatungan ng isang vase na may lamang sa tingin ko ay tunay na bulaklak.
Ang tanging bagay lang na nagbibigay ng hangin sa kwartong ito ay ang malaking ceiling fan na halos sakupin na ang buong bubong.
Tumayo ako at nagdesisyong lumabas ng kwarto.
Tumambad sa akin ang sala na binubuo ng dalawang sofa na nakapaikot sa isa't isa at sa gitna nito ay isang lamesita. Maliwanag ang buong bahay at nagmumula ito sa dalawang arched window na nasa unahan.
Nang medyo nakapag adjust na ang mata ko sa liwanag ay doon ko lang napansin ang isang pigura ng lalake na nakatayo malapit sa bintana.
Nag uunat sya na tila bagong gising.
"Oh, gising ka na pala!" he said delightfully.
I'm a hundred percent sure he's not the guy I met yesterday night. He looks so much younger but probably a couple of years older than me.
Napakurap ako ng ilang beses bago ko napagtanto ang pangyayari. Halos takasan ako ng hininga ng makitang isang puti at may kanipisang bath robe lang ang suot ko. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng bahay ngunit wala akong makitang ibang tao kundi ako at ang lalaking ito.
"Nasaan ako?! Sino ka?! Anong ginawa mo saken?!" I took a step backwards and gave him death stares.
Why the hell I'm only wearing a bath robe in a stranger's house and with a stranger?!
"Teka, tekaaaa! Ano bang-" hindi pa sya natatapos magsalita ay napatili ako. Napayakap ako sa sarili ako habang nanlalaking matang tumingin sa kanya, "Oh my god!"
I can feel that I'm not wearing any undergarments! What the heck?!
"Bakit? Anong problema?" natataranta syang lumapit saken pero dahil mas natataranta ako ay nasampal ko sya.
"Wag kang lalapit! Bastos!" I shouted.I heard several footsteps made their way into us and suddenly an aged woman appeared in front of us dumbfounded.
"Anong nangyayari? Tristan, iho bakit ka nakasalampak sa sahig?" kunot noong tanong ng matanda sa lalaking nasa harap ko na napaupo sa sahig."Nay naman oh, sinampal ako ng babaeng yan!" tinuro nya ko ng may kunot na kilay at mukha na tila iiyak na sa inis.
"Gising ka na pala iha" the woman's face smoothed.
Napansin ko namang may isa pang babae na dumating at tinulungang tumayo ang lalakeng iyon na nagngangalang Tristan.
Dahil sa sobrang pagkagulat ko sa nangyayari ay naging depensado ako sa paglapit ng matandang babae. I don't understand a single thing here.
BINABASA MO ANG
The Nightwatch
Misterio / SuspensoLittle did I know how a mere watch could alter my prosaic life into a tangled one and unveil secrets that were kept concealed from me for a long time. Date Started: December 17, 2019 Date Finished: May 29, 2020 Completed✔️