Kitang-kita ni Jacee ang pagtatagis ng bagang ni Enn habang nililinis ang sugat niya. Nasa loob sila ng opisina nito, kasama ang coach niya na salubong rin ang kilay at kanina pa siya pinapagalitan.
Siya naman ay nakayuko lang at tinatanggap ang lahat ng litanya nito. Nakititig siya sa ginagawa ni Enn sa kamay niya.
Akala ni Jacee nang tumahimik ang coach niya ay tapos na ang sermon sa kaniya pero mali siya dahil ang kaibigan naman niya ang pumalit rito sa panenermon.
Enn keeps on glaring at her and he bacame more mad when he heard a loud growl in her stomach. Fudge! She forgot to ate breakfast earlier.
Naningkit ang mata ni Enn sa inis sa kaniya. "Jacee Claye Venisze! Ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo na kumain ka ng almusal ha! Hindi ka talaga nakikinig! Kapag ikaw nagkasakit ililibing agad kita sa katigasan ng ulo mo!"
Lahat ng tao sa loob ng kwarto na iyon ay napasinghap ng marinig ang galit na tinig ni Enn. Kung kanina ay naiinis lang ito, ngayon ay umuusok na ang ilong at tenga nito sa galit.
Napasimangot siya."Libing agad? Hindi ba pwedeng ma-ospital muna? Advance mo naman mag-is--aray!"
Nahigit ni Jacee ang kamay na hawak ni Enn dahil sa pagdiin nito sa sugat niya. He's really mad right now, she need to stop irritating him more or else she's dead.
Ilang minutong tumahimik ang buong opisina, wala ni isa man ang nagtatangka na magsalita. Nagpapakiramdaman lang ang bawat isang naroroon, hanggang sa basagin iyon ng kaibigan niya.
"Coach is it fine if we let Jacee to take a vacation? She has personal problem to deal with, that's why these past few days she's absent minded in her trainings."
Napatanga si Jacee sa sinabi na iyon ni Enn. No way! She doesn't need a vacation!
"I agree. Besides wala pa naman siyang upcoming fight. It's a yes" pagpayag ng coach niya.
Agad naman niyang hindi sinangayunan ang pagpayag nito."No! Coach I don't need a vacation. I can deal with my personal problems, I promised I will focus more on my trainings---"
"Jacee...wag na matigas ang ulo, you need to rest and the best way you can do that is when you're on a vacation" may pinalidad na sa boses ni Enn habang nakatingin sa kaniya. Yumuko na lang siya dahil alam niyang hindi na mababago ang isip ng kaibigan.
Napabuntong hininga si Enn."Fine I'll give you one week to think about it."
Biglang nabuhayan si Jacee ng pag-asa sa sinabi ni Enn, ibig sabihin ay hindi siya nito pipilitin na magbakasyon. It will be her choice. Ngumiti siya ng malapad na naisip pero agad iyong nabura ng hilahin siya sa braso ni Enn bago magpaalam sa coach niya.
"Coach, I'll take this stubborn first to have her breakfast..." Tumango lang ang coach niya at wala na siyang nagawa ng hilahin siya nito palabas.
Kumain sila ni Enn sa LJ's Dining na pagmamay-ari ng kaibigan nila noong college na si Lhin Jay at nang asawa nito na si Jayzen Charles. Paborito ni Jacee ang dining ng mga ito hindi dahil sa kaibigan niya ang may-ari kundi masarap talaga ang mga hinahain nilang pagkain.
Kaya hindi na sila nagtaka nung pagdating nilang dalawa ni Enn ay halos ukupado na ang mga upuan, mabuti na lang at may nahanap silang bakante.
While eating like a hungry animal, Jacee heard her message alert tone. She automatically get her phone to open the message and end up raising her eye brows.
From:Unknown
How are you feeling today?
Napaka feeling close naman ng taong ito para magtanong sa kaniya. Hindi na nag-abala pa si Jacee na sagutin ang message sa kaniya, sa halip ay nagtuloy na lang siya sa maganang pagkain.
BINABASA MO ANG
In The Name Of Gloves
RomanceShe's known for fierce and ruthless boxer but what life she has outside the ring?