HINDI mawala ng kunot sa noo ni Icko habang naglalakad siya sa hallway ng TGF papunta sa opisina ng kanyang ama. Hindi siya makapaniwala sa takbo ng usapan nila ni Mara. Lalong hindi siya makapaniwala na narinig niya ang mga ganoong kataga mula sa bibig nito.
"Pretend girlfriend, huh?" patuyang sabi niya.
Hindi niya matanggap ang ideya na iniisip ni Mara na ganoon siya kadesperadong mabawi si Rachel para mag-resort siya sa panggagamit dito. Parang gusto niyang manggigil na kung ano.
At sino namang babae ang papayag na gamitin ng isang lalaki? Ito lang yata ang kaisa-isang babae na isasakripisyo ang sarili para sa kanya kahit ang totoo ay hindi naman niya iyon kailangan.
"Malaki ang utang-na-loob ko sa 'yo..."
"He could swear that they were the most bitter words he had ever heard in his life.
Kasalanan siguro niya kung bakit nag-isip ito ng ganoon. Sinabi kasi niyang girlfriend niya ito sa harap ni Rachel. Sa totoo lang, hindi rin niya alam kung bakit niya sinabi iyon. Basta nang makita niya si Rachel na tinitingnan si Mara katulad ng paraan ng pagtingin nito sa mga babaeng panandaliang dumaan sa buhay niya ay gumana ang protective instincts niya para kay Mara.
"Icko!"
Lumingon siya nang marinig ang pamilyar na tinig. Noon kapag naririnig niya ang tinig na iyon ay kumakabog nang husto ang dibdib niya. But now, he noticed that his heart remained in its usual steady beating.
"Rachel," he uttered. Even her name didn't taste as sweet as before.
Nang nagdaang gabi pa niya napansin iyon. Habang dumadaldal si Rachel sa kotse niya ay napansin niyang normal lang ang pag-uusap nila. Para ngang nakakausap niya ito tulad noong mga bata pa sila. After all, Rachel was one of his best friends. Na nakakapagtaka dahil ilang gabi pa lang ang nakararaan ay nagmukmok pa siya sa bahay ni Mara dahil nga nakita uli niya ito.
Weird...
"Pupunta ka ba sa office ni Don? Sabay na tayo," anyaya nito.
Hinawakan pa siya nito sa kamay katulad ng malimit nitong gawin noon sa kanya. Pinakiramdaman niya ang sarili. My heart's really beating normally.
"Alam ko ang iniisip mo," pakantang sabi nito.
Kumunot ang noo niya. "What?"
Tumawa ito habang humihigpit ang hawak sa kamay niya. "Nakalimutan mo na bang ako ang loyal follower mo? You're so transparent." Nang hindi siya umimik ay sinundot nito ang tagiliran niya. "Iniisip mo kung bakit alam kong pupunta ka sa opisina ni Don, ano?"
"Ah, yeah..." patiayon na lang niya.
"So, hindi mo pa nga alam kung bakit," patuloy ni Rachel. Na-misinterpret nito ang sinabi niya. "Kinausap ko si Don. Ipinagpaalam kita. 'Sabi ko, pahiram muna sa 'yo ng isang araw."
Nakaringgan lang ba niya iyon? "Pardon?"
Tumawa ito nang malakas. Did he miss the joke?
"Ikaw talaga. Ano ba'ng iniisip mo? Hihiramin kita as in date? Hindi na puwede 'yon. I have Ivan now, remember?" pabirong sabi nito. Hindi niya alam kung nakaringgan lang niya ang pait sa tinig nito. Hindi na niya inintindi pa iyon, lalo nang dugtungan nito ang sinabi. "My production company wanted to do an interview with you. Nalaman kasi nilang ikaw ang head behind the successful launch of TGF's newest dessert. Ang ganda sana ng header—Motocross Champion Icko Laurel Sizzles your Kitchen with a Bang."
Natawa siya. "Oh, but they're wrong. Si Mara dapat ang hanapin n'yo. I'm just the guy on the sideline," natatawang dugtong niya.
Natigilan ito. "You're... quite fond of her, aren't you?" Pagkatapos ay natawa ito. "Well, of course. She's your girlfriend."

BINABASA MO ANG
Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)
Roman d'amourPara kay Mara, suntok sa buwan ang pangarap niyang maging patissier balang-araw, lalo na at dakilang tagatimpla ng kape lang ang papel niya sa boss niya sa TGF, ang kompanyang pinaglilingkuran niya bilang apprentice. Until she met Icko Laurel one fa...