CHAPTER 3

2.8K 81 2
                                    

"ARE YOU sure you're okay? Dapat yata, umuwi ka na. Masyado kang nagpapagod sa opisina," sabi ni Rachel sa kabilang linya.

Hinilot ni Icko ang batok niya. Sinikap niyang magpakahinahon, after all, it was his girlfriend and longtime best friend he was talking with here.

"Rachel, you know that this is important, right? Ilang araw itong pinaghirapan ng team. We have to protect our status. Isa pa, importante rin na malaman ng lahat na kaya ng TGF gumawa ng bagong gourmet mini-cake to overtop Kismet." Kahit kasi nananalo naman sila lagi, nananatiling ang Kismet ang best baked dessert na nagawa nila.

"So this is still about that." Nahimigan niya ang inis sa tono nito. "Why do I get the feeling you're just being like this since you found out that Mara is the special guest?"

Mara... pagkabanggit sa pangalan nito ay parang may sumipa sa sikmura niya. Inignora niya iyon. "Paano napunta kay Mara ang usapan, Rachel?" pilit nagpapakahinahon pa ring tanong niya. "Bakit ba lagi mo na lang idinadawit ang pangalan niya sa mga usapan natin?"

"Bakit? Hindi ba dapat?"

"O-of course not. Hindi ba at ikaw na rin ang nagsabi na wala naman talagang namamagitan sa aming dalawa?" Sa huling sinabi niya ay hindi niya naiwasan ang munting kirot na muling tumusok sa puso niya. Again, he tried to dismiss it. "I don't know why you always let that insecurity eat you out."

"At ako pa ang insecure?" Sa pagkakataong iyon ay tumaas na ang tinig nito. Nagsisisi siya nang kaunti na hindi niya napigilan ang sarili. "Akala mo ba ay hindi ko alam kung ilang beses kang pumunta sa Paris on the pretense of a business trip?"

Kumunot ang noo niya. "Pretense?"

"Ha! Cut that act, will you? Hindi ako bulag, Icko."

"Kung hindi ka bulag, di sana ay alam mo na sa nakalipas na tatlong taon ay hindi ako umalis sa tabi mo," nasabi na niya bago pa niya mapigilan ang sarili.

But Rachel could really go overboard sometimes. Nahilot niya ang sentido niya. Ang kabilin-bilinan ng doktor ay huwag itong i-stress. Pinilit niyang ibaba ang tinig niya. "Nag-aaway na naman ba tayo, Rae? You know that this is not good for you."

"Let's get married, Icko. Then everything will be all right."

Nagtaka na siya. Ito ang kauna-unahang beses na binanggit nito ang tungkol sa kasal, though na-anticipate na niya noon pa man na darating talaga ang araw na ito at wala siyang magagawa.

"May problema ba, Rachel?"

"I... I don't know, Icko. These past few days, nahihirapan akong makatulog. Napapanaginipan ko na kapag nagigising ako ay wala ka na raw. Na iniwan mo na ako..."

He made a mental note to talk with Rachel's therapist. "Hush, Rachel. Kaya nga 'sabi ko sa 'yo ay magpahinga ka na lang. Huwag kang masyadong mag-isip ng kung ano-ano, okay? Hindi ba at sinabi ko na sa 'yo na hindi makabubuti sa 'yo 'yon?"

"Promise me, Icko, after the food expo, huwag ka na uli matutulog sa opisina mo."

Nagulat siya. Hindi niya alam na alam nitong hindi siya umuuwi sa unit niya. Mangangako lang siya rito ay magiging maayos na ang lahat. Pero nahihirapan siyang isatinig iyon. Sa huli, pinili na lang niyang hindi mangako. "Take a rest for now, ok? Gabing-gabi na. Bawal din sa 'yo ang masyadong nagpupuyat." Tumingin siya sa relo. Alas-diyes na ng gabi.

"All right," pagpapahinuhod na nito. "I love you, Icko."

For the past years, he had always dreaded to hear those words. Huminga siya nang malalim. "Goodnight, Rae."

Nang maibaba ang tawag ay nahahapong tumuon siya sa mesa. Ipinaikot niya ang swivel chair at ang tumambad sa kanya ay ang madilim na lungsod. Bahagya na niyang nakita ang repleksiyon niya sa salamin.

Of Dreams, Desserts, and Love's Second Chances (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon