Prologue

9.6K 285 6
                                    

Malalakas na kulog, at makukulay na kidlat, kasabay nito ang pagbuhos nang napakalakas na ulan, pero hindi ito inalintana nang isang siyam na buwang buntis na nag ngangalang Aria.

      Di niya ininda ang mga sugat na natamo mula sa digmaan, ang nais niya lamang ay ang mailayo ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan.

       Sira-sira na rin ang puting damit na suot nito na may mga bakas ng dugo mula sa kanyang sugat at mga mages na kanyang napaslang sa digmaan.

      "Aaaaahhhhhhh" napasigaw at namilipit si Aria dahil sa sakit na nagmumula sa kanyang tiyan. Parang may bagay na pilit kumawala dito.

      Sumilong muna siya sa isang malaking puno na matatagpuan sa tabi nang kalsada sa di pamilyar na mundo. Di man pamilyar sa kanya ang mundo na ito, pero nakakasigurado siya na ligtas ang sanggol na kanyang isisilang mula sa sino man ang magtangkang pumaslang dito.

      Napaupo si Aria sa sobrang sakit, pero wala siyang magawa, kahit sariling kapangyarihan nito ay di magamit dahil nagamit niya na ito sa digmaan sinamahan pa nang kanyang panghihina.

      Nagsimula siyang umere para ilabas ang sanggol, ilang sandali pa, nagsilang siya nang isang sanggol na lalaki.

       "Pasensya ka na anak kung kinailangan ko nang lumisan kaagad." naluluhang turan ni Aria sa sanggol na di matigil sa kakaiyak, batid niyang di na rin magtatagal ang kanyang buhay.

       "Pero may ipapamana ako na dasal kong sana balang araw poprotekta sayo, at alam kong nanaisin din itong makuha nang iba, sana maging malakas at matatag ka aking anak. Balang araw sa tamang panahon magkikita tayong muli" dagdag pa niya.

    May inilabas siyang isang kwentas na may "Rio" na pangalan at isinuit niya ito sa sanggol.

     Ipinikit ni Aria ang kanyang mga mata at nagbanggit nang isang engkantasyon.

       "I, ARIA DE THALIA,

THE CHOSEN MAGE,

GODDESS OF FIVE MYSTICAL ELEMENTS,

FIRE, WATER, EARTH, AIR, and LIGHTNING,

THE SYMBOL OF LIGHT,

THEY SHALL LEAVE MY BODY,

AND TRANSFER TO THIS BABY."

       Biglang umilaw ang buong katawan ni Aria at nang sanggol, hudyat lamang ito na isinasalin na sa katawan nang sanggol ang kanyang kapangyarihan. Isang malakas na enerhiya ang bumalot sa palIgid ni Aria at nang kanyang anak.

       Naglaho ang liwanag sa mga katawan nila at ang napakalakas na enerhiyang bumalot sa kanilang paligid, unti-unti din naglaho ang katawan ni Aria parang nagliliwanag na usok.

      Naiwan naman ang sanggol na umiiyak sa ilalim nang puno mag isa.

The Chosen MageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon