Chapter 15

5.7K 146 8
                                    

"What?" halos hindi makapaniwalang tanong niya sa akin na dahilan para mas lalong manghina ang mga tuhod ko.

It takes a lot of courage to confess to someone but there's no enough courage to put your friendship in line just because you have to apprise what you really feel to someone so dear to you to apeace with your feelings.

Ikaw? Alin ba ang mas pipiliin mo? Ang magkaroon ng lakas ng loob para itago ang tunayong nararamdaman para panatilihin ang pagkakaibigan? O ang magkaroon ng lakas ng loob para magtapat sa totoo mong nararamdaman, cone what may?

Both has its advantages. But both also have its disadvantages. Now, the question is, what weighs more?

Nanatili akong nakayuko at parang naiiyak na. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya. Ayokong makita ng harapan kung paano nawawasak ng paunti-unti ang pagkakaibigan namin. Dahil lang sa maling nararamdaman ko. Dahil lang naghangad ng higit pa ang puso ko. Dahil hindi ako nakuntento.

"H-hindi ko alam kailan, saan o paano. B-basta paggising ko---" mas lalo akong yumuko dahil pabagsak na ang mga luha ko. Ayokong makita niya iyon na pwedeng maging dahilan para kaawaan niya lang ako at mapipilitang sagutin ang nararamdaman ko.

Pity is good, but sometimes it is toxic. It can break someone further. Kindness is good, but sometimes it is toxic. It can be a self-destruction or you can destruct someone.

Lahat ng bagay, may hangganan. Kahit pa ang mga bagay na tama at may kabutihan.

"P-paggising ko napagtanto ko na lang na m-minamahal na kita ng higit pa sa pagkakaibigan"

Tuluyang bumagsak ang mga luha ko kaya wala akong magawa kundi punasan iyon at titigan siya ng diretso sa mga mata. Ano pa ang magagawa ng pag-iwas ko ng tingin kung halata naman at nakita niya na ang pagluha ko? Kung itutuloy ko lang iyon ay mas lalo lang akong magmumukha kaawa-awa sa paningin niya. At isa iyon sa pinakaayaw kong mangyari.

"Hindi ko naman s-sinasabing mahalin mo rin ako. Gusto ko lang talagang sabihin sayo kung ano ang totoong nararamdaman ko kasi ang h-hirap magpanggap na walang m-malisya sa akin ang ginagawa mo para---"

"Wala naman talagang malisya ang lahat ng 'yon Elaina. We're friends since god knows when and we've been like this since from the very beginning."

Kalmado pero nakakaalarma at nakakakilabot ang boses niyang tugon sa'kin kaya bahagya akong napakislot. Ito rin kasi ang unang beses na ginamit niya sa akin ang ganung klaseng tono ng pananalita. He's always calm but sweet around me. Yes, moody siya at cold pero minsan lang din naman at babawi kaagad siya sa'kin after that.

This is the first time kaya nagulat ako at nasaktan. This is the first time and I'm afraid that this could be the last too. Para kasi sa'kin, 'di bale nang magsitaasan lahat ng balahibo ko sa malamig at kalmado niyang boses kasi alam ko namang hindi niya yun sinasadya. Pagsisisihan niya rin naman iyon sa huli tapos hihingi siya ng tawad sa akin at magkakabati na agad kami. As always.

Hiding The Mafia's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon