(4) Liar

31 2 0
                                    

Chapter 4: Liar

"All men do is lie," sabi ko kay Andrea na ngayo'y nag-eedit ng documentation ng latest outreach namin last Saturday.

"O ano na namang arte 'yan? Paano mo nasabi?" She asked eyeing me.

"Like when kuya Jek said wala naman talagang gagawin ang muse and escort ng org. Ngayon nirerequest na na dapat may mini performance kami ni Don sa next outreach." Nandito kami ngayon sa bench sa harap ng Mendez Hall, nakatambay dahil vacant period namin parehas at mamayang hapon pa ang shift. I love my Wednesday schedule.

But I hate men, all what they do is lie.

"Gabo, alam mo namang full of eureka moments 'yang si kuya Jek. For the betterment of the outreach programs na rin 'yun no? Para naman walang patay na moments kapag may need iprepare."

"Still, he lied! I assumed the position kasi akala ko talaga walang gagawin. Psh! Isa pa 'yang si kuya Pio."

"O, ano naman ang ginawa niya?"

"Sabi ni ate Maya sa akin, nadulas raw si kuya Pio kay Don na wala na akong gusto sa kanya. E ang sabi ko huwag sabihin e!" Angal ko. Kumulo talaga ang dugo ko kanina sa office dahil sa chika na 'yon ni ate Maya.

"Ang shunga mo rin! Hindi ba mas maganda na alam na ni Don na wala na talaga? Malay mo ang alam pa rin ng niya e patay na patay ka pa rin sa kanya. Alam mo 'yon, wala ng ilangan sa pagitan niyo."

"Sa bagay."

Natahimik kami bigla. At saka ko naisip ang isa pang lalaki sa buhay ko na sinungaling din.

"Pati si papa! Ang sinungaling din."

"O, ano naman ang ginawa ni tito?"

"Iyong bag na request ko sabi bago raw magpasukan niya-"

"Gabo, nakwento mo na sa akin 'yang nung outreach." Sabi ni Andrea na nakatutok pa rin sa laptop niya. "Teka nga lang." Mukhang nakatunog na siya dahil tinignan na niya ako. "May gusto kang ikwento 'no?"

"Hoy! Huwag mo nga akong i-psycho analysis diyan."

Ang galing niya talaga. I swear, mas bagay sa kanyang maging psych student kaysa fine arts.

"Ito naman parang others! Ikwento mo na!" Tsaka siya tumutok sa laptop niya.

Napabuntong-hininga ako. "Iyon na nga. Remember Helios guy?"

"Ano, na-ghost ka na? Sabi ko sa iyo bogus 'yang mga broadcasting student e."

"Anong ghost ka diyan? Hindi pa nga bumabalik ulit sa café e." Medyo malungkot kong sinabi.

"So kaya ka malungkot kasi iyong new found crush mo e hindi pa bumabalik ng café? Ang weird mo 'teh!"

"Andeng, nakalimutan mo na bang iyong kwento ko na nagkausap kami ulit dito sa same bench na 'to? Tinanong niya pa nga kung anong oras shift ko a week ago e! Tapos no-show naman siya."

"Ah, kaya pala dito ka nag-ayang tumambay?" She eyed me with sarcastic disdain. "Tara na nga sa office tayo tumambay!"

"Dito na lang! Hindi mo ba nami-miss tumambay dito sa benches?"

"Hindi!"

"At bakit?"

"Kasi wala namang aircon dito. Wala pang gwapo. Tara na!" Akma na sana siyang tatayo at dadalhin ang laptop niya pero pinigilan ko siya.

"Teka muna."

"Bakit ba?"

"Nandon pa kasi si Don sa office, 'di ba?"

Uncrush YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon