CHAPTER TWELVE

491 24 10
                                    

" ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER TWELVE

Two weeks!

Hanggang dalawang linggo lang ang ibinigay na palugit ng judge kay Janina, gustuhin man niyang mag-stay pa doon sa Bontoc ay wala na siyang nagawa kundi ang muling bibiyahe.

"Huwag ka ng malungkot iha, alam kong gusto mo pang dagdagan kaalaman mo sa self-defense pero tawag iyan ng tungkulin. Don't worry every weekend maari ka namang dadalaw dito upang ang nobyo mo ang mismong magtuturo sa iyo." Wika ni Magdalene sa mamanugangin dahil nakanguso ito mapatos sagutin ang tawag ng ama.

"Ay si mommy imbes na sabihing maaring babalik every weekend ang labidabs ko para makasama ako eh." Biro pa ng binata kaso kinurot siya ng dalaga, akmang susupalpalin na naman siya nito kaso naunahan ng ama.

"Natural iho kasama na iyan diyan, siyempre kapag on training siya'y isa lang din ang ibig sabihin niyan ang magkasama kayo." Nakatawang sabi nito.

"Eh...ano po eh. Ahhh ano ba iyan." Tuloy ay nasa harapan lang siya ng ama't ina dahil nakanguso siya.

"Worrying about that woman I am right iha?" Panghuhuli naman ni lolo Darwin.

Kaya naman napatingin siya dito, iyun naman talaga ang nais niyang tumbukin kaso mukhang mind reader na yata ang kalog na abuelo ng nobyo niya.

"Opo." Tipid na tipid niyang sagot na sinabayan pa ng pagtungo dahil nahihiya siya. Hindi na niya nakita ang pagsilay ng ngiti sa labi ng nobyo na tinanguan pa ng mga nandoon pero hindi na niya iyun nakita.

"Alam mo mahal kong Janina Khate Cameron my cutie cute, hindi sa pagmamadali pero kung gusto mo'y pagdating natin sa Baguio eh kakausapin ko na ang magulang mo upang mamanhikan kami nila mommy. We are both old enough to decide for our lives so what are we waiting for? But iyan ay nakadepende sa iyo my dearest." Sabi ng binata na dahilan kung bakit bigla itong napaangat ng tingin na namimilog ang mga mata.

Kaso!

Agad ding napasimangot sng dalaga dahil sa pag-angat niya sa kanyang paningin ay tumama ang ulo niya sa panga nito. Paano naman kasi hindi tatama eh nakatitig naman pala sa kanya.

"Ayan ang napapala mo Elijah ka. Para naman kasing may dudukot sa akin sa uri ng titig mo eh." Nakasimangot niyang sabi na imbes na hukingi ng dispensa dahil sa pag-untugan nila'y sinita pa niya.

"Malay mo kasi iha dudukutin ka ng mga pinsan niya at ilalayo sa kanya." Tuloy ay tukso ni Greg.

"Ay huwag naman po tito kahit na sinong adan diyan nag lalapit hindi ko ipagpapalit ang chef ko aba'y bihira na ang taong magkakagusto sa tulad kong hindi marunong magluto." Agad niyang sagot kaso napakamot sa ulo dahil malayo naman yata ang sagot niya sa tinuran ng ama ng kasintahan.

"No iha don't say that kasi lahit hindi ka marunong magluto'y ay trabaho ka naman. Isa kang kagalang-galang na babae. Saka kung mahal ka ng isang tao mamahalin niya rin ang lahat tungkol sa iyo, hindi porket 'di ka marunong magluto eh wala ng magkakagusto sa iyo. Thank you for loving my grandson iha. Come closer to lola and I'll check your head." Masuyong wika ni lola Lorie.

Agad namang lumipat ang dalaga sa tabi ng matanda.

Pero...

Teka lang chef cook!

Mukhang napipi ka na rin diyan?

"Oh iho mukhang nalunok mo na ang dila mo ah." Panunukso pa ng abuelo nito.

"Eh masakit ang panga ko 'lo." Nakangiwing sagot ng binata.

Na siya namang nadatnan ng pinsan niyang wala na yatang ipinagbago ang buhay. Naunahan ng mga nakababatang kapatid.

ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon